Chapter 37: Changed

1.1K 36 16
                                    

"Daaaaad!!!" masayang masayang bati ni Anne at nagtatatakbo upang yakapin ang kanyang ama. "Finally you're back!"

"I miss you my princess" saad ng tatay niya at binigyan siya ng napakahigpit na yakap. "I love you" dagdag pa niya sabay halik sa noo nito. "How are you?"

"I'm fine. I'm fine now that you're here" mangiyak-ngiyak na saad ni Anne sa kanyang ama.

"Can I get a hug too?" singit naman ng kanyang ina. "I mean, I know you're mad at me but-" 'di naman na pinatapos pa ni Anne ang sasabihin nito basta bigla nalang siyang yumakap.

"I'm not mad" naluluhang saad nito. "I miss you mama, nanay" natatawang sbai niya. "I don't know how should I call you but I miss you so much. I really miss you"

Ikinangiti at ikinabigla naman ito ng kanyang ina ngunit yumakap pa rin siya sa anak.

"I miss you anak. Pasensya ka na ha, kung 'di kami nakapagpaalam nang maayos, kung 'di ka namin nakakausap and-"

"Shh. 'Wag nalang po muna natin pagusapan ma." Sambit ni Anne. "But I admit, I badly need an explanation but for now, kumain na po tayo?" alok niya at tiningnan ang mga nakahain sa mesa na dala nga ng kanyang mga magulang. "Uhmm by the way ma, I almost forgot. Solenn, my girlfriend is here" masayang saad ni Anne at hinatak si Solenn na kasalukuyang nakaupo sa couch sa sala at pinagmamasdan ang tatlo.

"Hello po. Good evening and welcome back po" masayang bati ni Solenn at humalik sa ama at ina ni Anne.

"Sige hija, tara na't saluhan mo kami." Paganyaya ng ama ni Anne at agad na naupo.

Natapos ang kainan ng apat nang masaya dahil sa masasarap na pagkain at masayang kwentuhan.

"Hayy grabe! Nabusog ako. Ang sarap kumain!" saad ni Anne na ikinatawa ng kangayang mga magulang.

"Ako hindi pa" bulong naman ng katabi niyang si Solenn at sinandal ang ulo nito sa kanyang balikat. Ikinangiti naman ito ni Anne ngunit naibaling ang pansin niya sa kanyang ama na tila ba kanina pa tawag nang tawag gamit ng kanyang cellphone.

"Oh ayan na pala eh" biglaang sabi ng kanyang ama na ibinaba ang cellphone sa mesa at nakatingin sa pinto. Syempre ay napatingin din si Anne sa tinitingnan ng ama.

"Sorry dad, late." Sabi ni Karylle. At nang makita ni Anne na palapit na si Karylle sa kinaroroonan nila ay umiwas siya ng tingin.

"Good evening po" bati ni Jhong na ikinagulat ni Anne. Napatingin tuloy siya ditto.

"Good evening din hijo, sige na kumain na kayo ni K." paganyaya ng ama ni Karylle.

"Hmm, nga pala. Kilala mo naman na si Anne 'di ba?" tanong ni Karylle kay Jhong.

"Ahh oo. Hi Anne" 'di naman sinagot ni Anne ang bati na iyon ni Jhong basta nalang niya itong inirapan.

"..and she's Solenn. Anne's friend." Pagpapakilala ni Karylle kay Solenn.

"Girlfriend." Pagtatama naman ni Anne sa kaninang pakilala ni Karylle. "She's my girlfriend"

Natigilan naman saglit si Karylle ngunit sa huli ay tumango din at ngumiti.

"Yeah. Uhmm Solenn, my sister's girlfriend." Muling pagpapakilala niya. "Kumain na tayo?"

"Sige dad, ma, sa kwarto na po kami." Saad naman bigla ni Anne na hinatak si Solenn at tila pinatatayo ngunit nanatiling nakaupo ang huli.

"Wait. Uhmm, your girlfriend?" biglaang tanong ni Solenn kay Jhong. Natigilan tuloy si Anne ngunit nanatili pa rin siyang nakatayo at 'di nakatingin sa kahit na sino.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon