Nine

91 6 0
                                    

Chapter 9.

Ang Sakit.

Palipat-lipat ang mata ko kay Vittorio at Felix na seryusong nag-uusap tungkol proposal na napag-usapan lang namin kanina. I did not know na may alam rin pala si Felix sa mga bagay na ito. Habang abala ang dalawa sa pag-uusap ay tumayo na ako para pumunta sa counter at mag-order.

"Good morning, Ma'am!" pagbati sa akin ng cashier.

I smiled widely at her and choose the coffee and pastry we'll eat for this morning. 'Di ako sure kung ano ang gusto ni Vittorio kaya pinagpareha ko nalang sila ni Felix ng iinumin. Chiffon cake ang magiging pares namin sa kape na in-order ko.

Any minute, they will serve the food I ordered. Pagkabalik ko sa lamesa naming tatlo ay hindi pa rin natatapos ang dalawa sa pag-uusap. I don't know why but I feel something weird sa tingin ni Felix kay Vittorio. Ang sama niya makatingin sa kinakausap niya na parang kulang nalang ay sakalin niya na ito.

Wew... baka nag-iilusyon lang ako.

"Here's your coffee and cake, Ma'am, Sir..." saad no'ng waitress sa amin sabay lapag sa pagkain at kape.

Bumaba ang tingin ni Felix sa chiffon cake at tiningnan ako. Tinaasan ko siya ng kilay. "What? Ayaw mo sa chiffon cake?" tanong ko.

"Oh! I love chiffon cakes! Especially when it's very smooth to eat!" singit ni Vittorio at matalim na naman siyang tiningnan ni Felix. "Did I say something wrong?" inosenteng tanong niya na ikinatawa ko nang mahina.

Umirap si Felix at tinitigan ako. "Oh? May problema ka?" ako naman ang nagtanong.

His facial expression remained serious. Nauna pa siyang kunin ang plato na may cake at kape. Nagkatinginan kami ni Vittorio. Nakita ko kung paano nanlaki ang mata niya na parang may naalala siya. Kumunot ang noo ko sa ikinikilos nilang dalawa. Baliw bah sila? Pero seryuso, nag-aalala ako kay Felix.

I pulled the plate with the cake and also the coffee. Si Vittorio naman ay nakatitig kay Felix kaya napatitig na rin ako kay Felix. Ano bah kasing problema? Iniisip niya bang may lason ang cake?

"May problema bah, Felix?" 'di ko na napigilang itanong.

Tiningnan niya ako at umiwas rin agad ng tingin. Inilapit ni Vittorio ang kaniyang upoan patungo sa akin. "He remembers something with chiffon cake," nanlaki ang mata ko at napatingin kay Felix.

Magkasalubong ang kilay niyang hiniwa ang cake gamit ang tinidor. I gulped when I immediately noticed that something is really wrong.

"Don't worry. Ikaw ang nagbili kaya kakainin niya 'yan," bulong ni Vittorio.

I nodded but I felt guilty buying the cake. Sana tinanong ko na muna sila kung ano ang gusto nila. Oh my gosh... what did I just do? Magso-sorry na naman ako sa kaniya nito.

Kinain niya nga ang cake, inubos niya pa nga. Naubos ko rin ang cake ko, pati na ang kape. When Felix finished his food, tumayo siya at nagpaalam na magbabanyo muna siya. Si Vittorio naman ay dali-daling lumapit sa akin na parang nakiki-tsismis.

"Rin and I were so close before," imporma niya na ikinagulat ko. "He used to stay in Italy when he was young not until something happened." umawang ang bibig ko.

"Bakit? Ano'ng nangyari?" usisa ko.

He leaned his back in the chair and smirked. "I don't have the rights to tell you what happened so... iyon lang ang masasabi ko." napasimangot ako.

"Ewan ko sa 'yo. Sarap mo rin kausap 'noh?" saad ko nang may halong sarkasmo.

Nagkibit-balikat lang siya at tumingin sa gawi ng banyo kung saan nandoon si Felix. Umayos ako ng upo at pinagmasdan siya nang mabuti. He decided not to sit down in the chair. Mukhang papaalis na siya.

He'll Be Mine (Mine Series #2)Where stories live. Discover now