Fifty- Three

76 0 0
                                    

Chapter 53.

Chiffon Cake.

Naalimpungatan ako sa iba't ibang boses na nasa aking paligid. Pero nang mapagtantong nasa ospital ako, mabilis akong napabangon at pinakiramdaman ang sariling tiyan.

"Danity..."

"Ang baby ko? Kamusta siya? Wala namang nangyari sa kaniya 'di bah?" natatarantang tanong ko kay Mommy. "Nothing happen to my baby, right? Ayos lang siya?" I am starting to hyperventilate so they made me calm down.

Hinabol ko ang sariling paghinga at pinilit na kumalma. Pumasok bigla si Felix na hawak ang kaniyang cellphone. Lakad-takbo siyang lumapit sa 'kin at hinaplos ang mukha ko. I hugged him.

"Si Fatima? Natawagan mo na bah sila?" tanong ko.

Bumuga siya ng hangin. "They are fine, baby..." he whispered. "Nagpadala na ako ng tauhan roon."

"Sigurado ka bang ayos lang sila? Gusto ko silang makausap," nanginginig ang boses na sabi ko.

Mariin na napapikit si Felix at niyakap ako ulit. "Please calm down... Muntik nang malagay sa panganib ang anak natin," I gasped. "Shhh... He is fine now. Naagapan agad ng doktor ang nangyari but please... Control yourself for now. Mamaya ko na tatawagan ulit si Elena at Vittorio."

Dahan-dahan akong tumango at humiga sa kama. May nag-aalalang ekspresyon sa mukha si Mommy habang lumalapit sa akin. Nilingon niya si Felix.

"Proteksiyonan mo ang apo ko, hijo." sambit niya.

"Yes, Mama..."

Tiningnan ako ulit ng aking ina. "Nagpadala rin ng tauhan ang Daddy mo sa isla para masigurado ang kaligtasan ni Fatima," nakahinga ako nang maluwag roon. "Sumama rin ang Daddy mo sa kanila para mas sigurado." I nodded.

"Salamat naman..." sabi ko.

"Ako na muna ang magbabantay sa kaniya, Mama." si Felix at pumayag naman si Mommy.

"Okay, hijo." tugon ng ina ko.

Bibili na muna siya ng makakain habang maghihintay kami sa signal ng doktor kung pwede na bah akong iuwi sa bahay. I bit my lower lip and stared at my husband.

Hinawakan niya ang kamay ko at marahan itong pinisil-pisil. Malungkot akong ngumiti. "Kasalanan ko lahat ng ito. I am sorry, Felix..." umiling siya at nilagay ang aking kamay sa kaniyang labi. "Hindi ako naging maingat. There's a big possibility na ikaw ang susunod nilang babantaan."

"No. That's not going to happen. I can protect myself, Kathy. Kayang-kaya kong proteksiyonan ang sarili ko."

"Paano kung hindi?"

He swallowed some air. "Trust me okay? Just trust me," nagkatitigan kami. "You trust your husband, right?" I nodded without hesitation. "Then we are good." he said then kissed me in the lips.

Nakatulog ulit akong iniisip ang kalagayan ni Fatima. At nang magising ay may nakahanda nang pagkain sa kamay ng asawa ko. Si Felix na ang kumausap sa doktor at ang sabi ay bukas pa ako makakalabas dahil oobserbahan pa nila ako. Para na rin masigurado na maayos na talaga ako at si baby.

Habang tumatakbo ang oras ay nag-usap kami ni Felix tungkol sa pag-aaral ni Fatima. Pero bago iyon ay nag-usap kami kung saan kami unang aaksiyon para tumigil na ang mga kalaban namin.

I think of something effective but I couldn't say it to Felix. Hindi siya papayag sa sasabihin ko kaya nanatiling nakatikom ang aking bibig at hinayaan siyang magsalita.

He'll Be Mine (Mine Series #2)Where stories live. Discover now