Twenty- One

80 1 0
                                    

Chapter 21.

Don't Force.

"Try to kick more faster," seryusong saad ni Felix habang umiilag sa pagsipa ko. Kung makaturo siya sa 'kin ngayon, parang hindi niya ako kilala.

Nagsalubong ang dalawa kong kilay at mas dinoble ang bilis ng pag-atake. Halatang inasahan niya ang pagkainis ko sa pagbabago ng treatment niya sa akin dahil mas dumoble din ang bilis niya sa pag-ilag sa mga sipa at suntok ko.

Habang ilag siya nang ilag ay unti-unti kong binabasa ang mga galaw ni Felix hanggang sa magkaroon ako ng tiyempo na sipain ang leeg niya pero sa gulat ko, nauna siyang itulak ako.

I did not let my body lay on the floor but positioned myself like a frog and stood up.

Malamig ko siyang tiningnan at malamig niya rin akong tiningnan.

"What's wrong?" he asked with his serious tone. 'Di ko siya sinagot at walang sali-salitang umatake na naman.

I kept kicking, turning around then kick again to punch his face. Wala akong pakialam kung masugatan ko man ang pagmumukha niya dahil ang gusto ko, matalo siya o mapahiga man lang sa sahig. Dalawang beses na akong nahiga sa sahig kanina at ginamit niya ang braso niya para masakal ako.

Hinabol ko ang sariling paghinga, hinayaan ang pagtagaktak ng malalaking pawis galing sa ulo ko pababa sa pisngi ko. I gritted my teeth and with full force, I pushed him and let him taste my kick.

Sa unang pagkakataon matapos ang tatlong oras na pag-eensayo ay napatumba ko siya.

Matalim ko pa din siyang tinititigan habang tahimik na tumayo sa pagkakatumba. He tilted his head with a playful smirk on his lips.

"Walang nakakatawa sa pagmumukha ko, Felix." matigas kong saad na nagpatawa sa kaniya. I ran and jumped to do another kick. "Hah!" hiyaw ko nang sumipa ako but one thing I noticed is...

Sinasadya niya nang magpasipa.

Umatras ako at tinitigan siya. "Hoy! Ba't hindi ka na nakakailag?! Nananadya ka 'noh?" tanong ko kahit siguradong-sigurado na ako.

Hawak ang sariling pisngi, nginitian niya ako. "Well, my guilt kept overflowing every time I see you gritting your teeth so..." sumipol pa siya at pinagkrus ang dalawang braso.

Napabuga ako ng hangin at naiyukom ang kanang palad, handang-handa nang paulanan siya ulit ng malalakas na suntok. I licked my lower lip and ran towards him.

This time, nagpaikot-ikot ako para mahilo siya at matapos ang tatlong ikot ay doon na ako nag-ambang sipain siya sa braso pero ganoon nalang ang pangamba ko nang nilingon niya ako bigla at hinawakan ang kaliwa kong paa na nag-aamba nang sumipa at masyadong mabilis ang pangyayari...

Nakapikit ako pero alam kong nakahiga na naman ako sa sahig.

"'Wag umatake ng padalos-dalos, Kathy. Hindi mo alam na sa pag-atake mo, magiging katapusan mo na 'yon." I looked at Felix when he stated those words.

Bumangon ako. "Tsk! So iyan pala ang dahilan mo bakit mo ako inaasar-- hindi! Hindi pang-aasar ang ginagawa mo sa akin dahil ginalit mo talaga ako!" sigaw ko at nakita ko lang ang pag-irap niya.

Padabog akong tumayo.

"The main reason why I did that is because you need to control your temper," nagkatitigan kaming dalawa. I raised a brow and rolled my eyes. "I made myself as an example of our enemies, Kathy. Sa oras na asarin ka nila, huwag kang umatake kaagad dahil sa galit. 'Di mo alam na isa lang patibong ang pang-aasar nila."

He'll Be Mine (Mine Series #2)Where stories live. Discover now