Forty- Seven

75 4 3
                                    

Chapter 47.

Still Going to Marry.

I can clearly tell now that I already gave up in this shit. Hindi naman ako nangako kay Tita Rita na ipaglalaban ko talaga hanggang dulo ang pagmamahal ko sa anak niya.

Sobrang sakit na talaga eh. Punong-puno na ako.

Bumuga ako ng hangin habang pinagmamasdan ang paglubog ng haring araw. My tears are still falling but I am not going to cry so hard anymore. Wala akong napala sa kaniya kundi hinanakit at galit. He's being selfish-- Kahit saang banda. Alam ko sa sarili ko na may kasalanan ako sa kaniya at nasaktan ko siya pero hindi ibig sabihin no'n na kung ano ang ginawa ko sa kaniya noon ay gagawin niya rin sa akin ngayon.

He's not a man for me. Makasarili siya.

Pinunasan ko ang pisngi ko at muling bumuga ng hangin. I should've told myself that I prepare when he hurt me so bad. Mas maganda sana kung hinanda ko nga ang sarili ko.

"Hmmm... 'di nga ako nagkamali," napantig ang tenga ko sa pamilyar na boses na aking narinig.

"K-Kuya..." it was my brother who is still wearing his teacher uniform.

Tinaasan niya ako ng kilay at pinagkrus ang dalawang braso. "It makes me wonder why my little sister is standing here alone, silently crying while watching the sunset?"

Napanguso ako at hindi na napigilan ang sariling mapaiyak nang malakas.

He opened his arms. "Go on, Danity. Hug your handsome brother." at niyakap ko nga siya nang napakahigpit.

I cried so hard in his chest. I missed this side of him. My sweet brother. Alam niya talaga kung kailan eeksena sa buhay ko. I missed him so much. Hindi man kami vocal sa feelings para sa isa't isa, ramdam ko naman na mahal na mahal niya ako.

Para akong bata na umiiyak habang yakap-yakap siya. He caressed my hair and tapped my head. "Hush now, Danity... I'm already here. You don't have to cry again and again just because of that stupid ugliest man in the world."

Suminghot ako. "Ang sakit, Kuya eh... Ginawa ko naman ang lahat pero bakit sinasaktan niya pa rin ako?" umiiyak na tanong ko.

Wala akong nakuhang sagot. Hinayaan lang ako ng kapatid ko na yakapin siya hanggang sa mapagod ako kakahikbi. I got tired from crying so he decided to bring me to the nearest mall. Good thing that he brought shades to cover my swollen eyes.

Kumain kami sa isang common na fastfood chain.

Habang kumakain ay may napansin akong mga babaeng estudyante na napapasulyap sa kapatid ko.

"Hala... si Sir Kyle iyon, 'di bah?" nagbubulongan pero rinig na rinig ko sila. "Kasama niya 'yung little sister niya! Carmel! Tingnan mo!"

Napansin ni Kuya ang masamang tingin ko sa mga babaeng estudyante. Nilingon niya ito at marahan siya na natawa saka kinawayan ang mga bata na nangisay agad sa kilig.

"Famous ka na sa lagay na iyan?" mataray na tanong ko.

He chuckled. "Kahit hindi pa ako naging teacher, I'm already known to the girls." pagyayabang niya.

Napangiwi ako. "Talaga lang huh? Alalang-alala ko pa nga kung paano mo landiin si Yza noon," nagsalubong ang dalawang kilay niya kaya ngumisi ako. "Try mo ideny. Sa labas ka talaga matutulog ngayong gabi."

Bumuntong-hininga siya. "I guess I don't have a choice..." aniya na nagpatawa sa akin nang malakas. "Stay in our house."

"Wow... salamat naman--"

He'll Be Mine (Mine Series #2)Where stories live. Discover now