Thirty- One

79 1 0
                                    

Chapter 31.

My Decision is Final.

I tried to step back but fvck! Wala na akong maatrasan dahil kung susubokan ko, posibleng aatakehin nila ako sa dala nilang patalim.

Think, Danity! Mag-isip kang gaga ka!

"Kathy! Don't move a muscle there! Papunta na ako diyan!" nang marinig ang sinabi ni Felix ay hindi man lang naibsan ang kabang nararamdaman ko. "Listen to me, Kathy... Kumalma ka lang. I taught you how to do that--" I cut him off.

"Bilisan mo, Felix. Nagmamakaawa ako." ayaw ko mang iparinig sa kaniya na natatakot ako, hindi ko na kaya.

What I said made him silent on the other line. Umiba na ang paraan ng paghinga ko lalo na noong may isa nang tumatangkang atakehin ako ng sipa at suntok.

Mabilis ko namang nasalag ang paa niya pero ang kamao, muntikan na akong matamaan. Tahimik na ring nagsisimulang kumilos ang iba at bago pa nila ako mahawakan sa katawan ay minadali akong umikot para sipain ang dalawa sa kanila.

Humugot ako ng hininga at tiningnan isa-isa ang labinlimang lalaking gusto akong patumbahin. Gustohin ko mang tumakbo, hindi ko magawa dahil mas magkakagulo lang kapag gagawin ko iyon.

"Give up now, bitch." saad no'ng isa na nasa likuran ko.

Nilingon ko siya sabay taas ng middle finger ko. "I don't want to." taas-noong tugon ko na nagpamura sa kaniya.

Another one tried to attack me but just like what happened to the three, natumba siya. Sinasadya nilang paisa-isa nang umatake dahil alam nilang mapapagod ako. Ang lalaki ng katawan nila at pahirapan silang patumbahin.

Napaimpit ako sa sakit nang maramdaman ang malaking kamay na hinihila ang halos lahat ng buhok ko.

"Putek!" naisigaw ko at nanlaban.

Mas humigpit ang pagkakahila dahilan para mapaupo na ako sa sahig. Napapikit na ako sa sobrang sakit. When I felt that someone is trying to get my gun, I immediatelty hit his face and spit on it.

I heard how they stiffened because of what I did so I suddenly got the opportunity to pull back my own hair. Matalim kong tiningnan ang lalaking humila sa buhok ko.

Bago pa siya makaatake ay ang kamao ko na ang nagpatigil sa kaniya.

"Not my hair, motherfvcker." I hissed.

May narinig akong tumatakbo at nang malingon ko ang kanang gawi ay parang nabunotan ako ng tinik dahil si Trevor ang nakita ko. Ang gwapo din talaga nitong lalaki na 'to. Bahala na si Felix kahit siya ang gusto kong magligtas sa akin rito.

Half of the men started to attack Trevor and Trevor is the coolest man I saw fighting with an emotionless face. Mabilis niyang napatumba ang mga lalaking umaatake sa kaniya.

Samantalang ako, ginagawa na din ang dapat gawin.

Panay ang pag-atake ng mga kalalakihan nang mapansin kong nadadagdagan sila.

Where the hell is Felix?! Akala ko bah papunta na siya? Bahagya kong nilingon si Trevor na nakatitig na pala sa 'kin. He raised his thumb, akala ko ay nagtatanong siya kung ayos lang bah ako pero nang tinuro niya ang likod niya ay agad ko siyang naintindihan.

Sa abot ng makakaya ay mabilis akong tumakbo patungo sa kaniya habang pinaulanan ng suntok ang mga humaharang.

"Protect Clarity Desma, Kathlyn." saad ni Trevor bago ko siya malagpasan.

He'll Be Mine (Mine Series #2)Where stories live. Discover now