Chapter 1

62 13 0
                                    

Chapter 1

"Teacher can you open this po, please?" Lumapit sa akin si Rachel at inabot ang isang maliit na box ng Ferrero Rocher.

Kakatapos lang ng pasko at new year kaya naman itong mga alaga ko ay puro chocolate ang mga baon.

Pero hindi lang basta mga chocolate, 'yong mga chocolate na baon nila ay mga imported.

Kanina ay narinig ko pa silang nag-aaway kung kanino ang may pinakamasarap at pinakamahal na chocolate. Agad ko naman silang sinabihan dahil baka mauwi sa malaking away at may umiyak.

"Thank you, teacher!" Masayang saad ni Rachel ng nabuksan ko ang Ferrero niya. Kumuha siya ng isa at inilapag ito sa table ko. "Sayo nalang po, teacher."

"Salamat." She just smiled at lumapit sa mga kaklase niya.

It's their break time naman so pwede silang maglaro laro muna.

I only have twelve students mabuti na nga lang at magkakasundo silang lahat. Tuwing break time nila ay nagkukumpulan silang lahat at naghahati hati sa mga baon nila.

Tinitignan ko lang sila, nang maubos na ang mga chocolates nila ay naglabas naman sila ng mga panibagong chocolates.

"Don't eat too much chocolates, it's bad." Paalala ko sa kanila. Baka kasi biglang magsakitan ang mga ngipin.

"Yes po teacher!" Sabay sabay nilang sabi.

"Teacher do you have chocolates too?" Reina asked.

Umiling ako at tumayo para lumapit sa kanila.

"Why teacher?"

"I don't really eat chocolates." Sabi ko at umupo sa tabi nila. Gulat naman silang napatingin sa akin parang hindi makapaniwala.

Well, yes. I don't really eat chocolates because I have no money! Sakto lang ang pera ko sa pang araw araw ko at saka kung bibili man ako hanggang Curly Tops lang ako.

"Why?! Chocolate is so good po, teacher!"

"Opo, teacher! Chocolate is the best!"

"Everyone eats chocolate."

"Everyone loves chocolates!"

Natawa nalang ako sa pinagsasabi nila. After ng break time ay we proceed to our activities.

At dahil kinder palang sila ay puro numbers, alphabet, and coloring. Kaunti lang ang pinapagawa ko sa kanila at hindi mahihirap.

Pero 'yong iba ay nahihirapan minsan kaya agad kong lalapitan at aalalayan sa pagsagot.

Pati ang mga parents nila ay mababait din.

I'm so lucky dahil sila ang napunta sa section ko. Mukhang tinuruan ng mga magulang ng magandang asal bago ipasok sa paaralan.

Pero hindi rin naman maiwasan minsan na lumalabas ang pagka-spoiled nila, kaya agad ko naman silang sinasabihan ng maayos.

Most of my students came from a wealthy family. Kaya nga may mga pa imported na chocolates

Hindi naman ako nahirapan sa kanila dahil mababait at mga tahimik. Isang salita lang ay makikinig na sila.

Mabuti nalang at sila ang mga pinakauna kong estudyante. Yes, kakasimula ko palang magturo.

After I passed the boarding exam naghanap na agad ako ng pwedeng pagtrabahuan na school.

Hindi naman ako nahirapan dahil ang kapitbahay ko ay teacher din at pinasok niya ako sa school kung saan siya nagtatrabaho.

I'm in love with you, Ma'amWhere stories live. Discover now