Chapter 5

50 13 0
                                    

Chapter 5

"Busy sila ma'am Rina kaya hindi sila nakasama," sabi niya habang naglalakad kami papuntang parking lot.

Siguro ay inaasikaso nila ang mga exams ng students nila dahil karamihan sa kanila ay hindi pa tapos.

Pumayag na ako sa pagyaya niya ng lunch dahil birthday niya naman na rin bukas.

Nang makarating kami sa kotse niya ay agad niya akong pinagbuksan ng pinto sa front seat.

Pumasok na ako at sinara na niya ang pinto. Umikot na siya papunta sa driver's seat at pumasok.

He started the engine at nag-maneuver bago kami makalabas sa parking ay binati muna siya ng guard doon.

Lahat ng mga tao sa school ay kilala si sir dahil sobrang friendly niyang tao, halos lahat kaibigan niya pati ang mga students.

Pero minsan ay naririnig ko ay strict siya pagdating sa subject niya specially sa pagbibigay projects, exams and quizzes.

Hindi nadadaan sa floor wax and walis ang mga bagsak na grades pagdating sa kaniya.

Well, maganda rin 'yon dahil mas matututo ang mga students na mas maging responsable sa pag-aaral.

Napansin kong mahigit limang minuto na kaming nagbabyahe. Akala ko ba malapit lang ang restaurant na pupuntahan namin?

Hinayaan ko nalang at hindi nalang ako nagtanong dahil baka nagbago ang isip niya na doon kumain.

Tahimik lang ang buong byahe ako ay nakatingin lang sa unahan at tinitignan ang dinadaanan namin.

Maya maya ay huminto kami sa isang steakhouse, he parked his car at ako naman ay inalis ko na ang seat belt ko at kinuha ang pouch na dala ko.

Binuksan ko na ang pinto at lumabas, mula sa labas ay sobrang bango nakakatakam agad!

"Let's go?" Tumango ako at sinasabayan siyang maglakad. Medyo nahiya pa ako dahil pagpasok namin ay parang nagtinginan lahat ng tao sa amin.

And they all wearing formal attires! Pang mayaman ata 'tong resto na 'to. May lumapit sa amin na isang waiter at dinala kami sa table na pang dalawahan.

Inabutan kami ng waiter ng menu at umalis na rin siya after. Tinignan ko ang mga nakasulat sa menu at napalunok ako sa mga presyo.

Pero mukhang masasarap naman ang mga pagkain nila dito kaya nakita ko palang 'yong mga pictures takam na takam na ako.

I love steak so much! It's my favorite.

"What do you want?" Rinig kong tanong ni sir.

"Uhm– this one nalang with fries." Medyo nag-alangan pa ako dahil kulang kulang limang daan siya and isang putahe lang.

"And?"

"And iced tea nalang." Sinara ko na ang menu dahil inaakit pa ako ng ibang pagkain kung hindi lang mahal ay siguro marami akong o-orderin pero syempre ako magbabayad.

Tinawag na ni sir ang waiter at sinabi ang orders namin kinuha na ng waiter ang menu at umalis na.

"Ang ganda rito." Sabi ko habang nililibot ang ang tingin sa kabuuan ng restaurant.

May malalaking chandeliers and 'yong mga tables ay parehas sa mga movies na napapanood ko may puting tela, mayroon ng placemats and napkin.

Pang mayaman talaga ang dating at sa bandang dulo ay may double door na glass and may mga tables din sa labas no'n.

Parang balcony and ganda siguro doon kapag sunset and sa night dahil kita ang city lights.

Pero walang tao doon dahil hapon at sobrang init, tirik na tirik ang araw.

I'm in love with you, Ma'amWhere stories live. Discover now