Chapter 3

56 13 0
                                    

Chapter 3

Pagkatapos ng klase ko sa first year ay umuwi na rin ako dahil wala naman na akong gagawin.

Pag-uwi ko ay agad akong nagpahinga dahil naglakad lang ako pauwi. Wala exercise at saka hindi na ma-araw kaya ang ganda maglakad lakad dahil hindi mainit.

Habang nagpapahinga ako ay tinitignan ko ang assignment ng mga alaga ko. They designed the bears in such unique way.

Mayroong may unicorn horn, meron naman 'yong may angel wings, meron naman ay nilagyan ng sunglasses, tuxedo at kung ano ano pa.

And they made them so colorful.

Habang tinitignan ko ang mga gawa nila ay nakaramdam ako ng gutom kaya naman tinabi ko muna ito sa side cabinet ko, nagbihis muna ako ng pambahay at lumabas na ng kwarto para magluto.

Kinuha ko ang fries and chicken nuggets sa freezer at binabad muna ito dahil sobrang frozen. Habang hinihintay ko ay nanonood ako ng TV at maya maya ay narinig kong may kumatok.

Kaya naman agad kong binuksan 'yon. Bumungad sa akin si Aling Cantia.

"Hija, ito oh. Pangmeryenda mo." Inabot niya sa akin ang isang maliit na bowl ng ginataang bilo bilo at isang plato ng spaghetti.

"Maraming salamat po, Aling Cantia!" Nakangiti ko 'yong tinganggap. "Ibabalik ko nalang po 'yong plato mamaya." Tumango lang siya at nagpaalam na para umalis.

Sinara ko ang pinto gamit ang paa at inilapag ang mga dala sa lamesa. Tinakpan ko muna para hindi langawin.

Pagkatapos ng ilang minuto ay niluto ko na ang fries ang nuggets. Hindi ko na dinamihan dahil baka hindi ko maubos at saka may pagkain pang binigay si Aling Cantia.

Habang hinihintay kong maluto ang fries ay tumunog ang phone ko.

Kinuha ko 'yon at tinignan kung may nag message ba. It's ma'am Nel.

From: Ma'am Nel
Ma'am umalis kana pala, sana hinintay mo kami :(

To: Ma'am Nel
Sorry, ma'am. Umalis na ako kasi wala naman na akong gagawin hehe.

From: Ma'am Nel
Sayang, ma'am! Meron pa naman ditong umasa na maihahatid ka sa bahay mo! Hahaha

To: Ma'am Nel
Ah, hehe. Sa susunod nalang ma'am.

Napailing nalang ako at pinagpatuloy na ang pagluluto. Gumawa rin ako ng sauce na inihain na para kainin.

Habang kumakain ako ay tumunog nanaman ang phone ko kaya tinignan ko 'yon.

Nagchat ang isa sa mga mommy ng estudyante ko. Agad ko itong tinignan dahil baka importante but it's a voice mail.

I turn my volume up and click the play button.

"Hi ,teacher! I miss you!" I smiled when I heard Notch's voice.

Hello, baby! Reply ko sa kaniya.

Nagreply naman agad siya ng voice mail ulit. "Teacher do we have school tomorrow?"

Yes po.

"Can my brother and his friends come?"

Of course! Sila ba ang maghahatid sayo?

"Opo, teacher!"

"Teacher can you use voice mail too? Please?" Dagdag niya pa.

Kumakain ako habang nagrereply sa kaniya. Why?

"Nothing, I want to hear your voice."

Natawa ako, pinindot ko ang microphone at nagsalita.

"Why, baby? You always hear my voice." and send it to her.

I'm in love with you, Ma'amWhere stories live. Discover now