Chapter 4

51 13 0
                                    

Chapter 4

"Ma'am! Tara na!" Napatayo ako ng marinig ko na ang boses ni ma'am Alez kinuha ko na ang bag ko at lumabas na.

Lumabas na kami ng school at pumunta kami sa isang restaurant na malapit lang.

Birthday kasi ni Sir Rhiz sa Saturday kaya ngayon nalang daw kami magcelebrate dahil sa mismong birthday niya ay uuwi siya sa parents niya.

"Just order what you want." Sabi ni Sir Rhiz kaya nagdiwang naman ang mga kasama namin.

"Ikaw ma'am Ari, ano gusto mo?" Bulong niya. Magkatabi kami ng upuan, pinagtabi talaga kami ng mga teachers.

"A-ah kung ano n-nalang sa kanila." Medyo malapit siya sa akin kaya naiilang ako.

"Wala ka bang gusto?" Tumaas ang balahibo ko ng lumambing ang boses niya. Shit.

"K-Kahit ano lang naman ako, s-sir." Naramdaman ko ang mga tingin ng mga kasama namin kaya mas nailang ako.

Nakahinga ako ng maluwag nang may lumapit na waiter kaya napaayos ng upo si Sir Rhiz.

Sinabi na rin nila ang order nila hindi na ako nag-order dahil masyado nang marami. Siyam kaming lahat hindi nakasama ang iba dahil busy daw.

Ang mga ulam naman na iseserve ay pangmaramihan. Pumili nalang ako ng dessert which is cookies and cream ice cream. My favorite.

Habang hinihintay namin ang mga pagkain ay naguusap usap sila. Nakikisali rin naman ako minsan pero nawawala ang atensyon ko sa kanila dahil kay Sir Rhiz, medyo naiilang ako.

"Ma'am Ari, diba malapit lang dito 'yong apartment na tinitirhan mo?" Tanong ni ma'am Nel.

"Opo ma'am." Sagot ko. Sa susunod kanto lang ang apartment ko.

"Hatid ka na namin!" Aniya.

"A-ah sige po."

"Ma'am tell us about yourself, hindi ka pa namin ganon kakilala dahil hindi ka naman namin lagi nakakasama." Sinangayunan naman ng lahat ang sinabi ni ma'am Isabelle.

Oo nga hindi pa nila ako ganon ka kilala kahit magiisang taon na ako sa school, lagi rin kasi ako nauuna umuwi at maaga ako pumapasok.

"Arithany lang ba talaga pangalan mo, ma'am?" Tanong ni sir Calan.

"Arithany Juels po." Sagot ko.

"Ah may Juels ka pala! Akala ko Arithany lang."

"Ang ganda naman ng name mo."

"Kasing ganda niya." Lahat kami napatingin kay Sir Rhiz ng sabihin niya 'yon.

"Yes naman!"

"Baka Sir Rhiz yan!"

"Lover boy namin yan!"

Pang-aasar nila kay Sir Rhiz ako naman ay napatungo nalang dahil sa hiya. Alam kong pulang pula na ang mukha ko.

Ang awkward!

Mabuti nalang at dumating ang waiter, nilagyan kami ng plato, baso, spoon and fork isa isa. Dala na niya rin ang inumin na inorder.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung tuloy pa rin sila sa pang aasar. Si Sir Rhiz naman ay parang gusto niya pang inaasar kami.

Hindi ko alam pero unti unti na akong naiinis dahil sa walang sawang pang aasar nila.

Plus yung mga students din, mas malala.  Hindi ako manhid para hindi maramdaman si Sir Rhiz, noong first day ko sa school ay nagkakilala na agad kami ni Sir Rhiz.

Ilang araw lang ang lumipas ay napapansin kong dumadalas ang pagpunta niya sa room namin tuwing break time and lunch.

Kahit na sobrang layo ng room niya. Lagi rin siya nagaalok na ihatid ako sa bahay pero lagi ko rin yon tinatanggihan.

I'm in love with you, Ma'amWhere stories live. Discover now