Chapter 6

54 13 0
                                    

Chapter 6

I checked his profile and namukhaan ko agad siya. Siya ang nag-abot sa akin ng mga binili nilang foods kahapon at kanina.

I clicked the accept button because why not?

I stalked his profile and nakita ko ang mga tagged post sa kaniya ng mga kaibigan and classmates niya at nakita ko ang kuya ni Notch pati ang iba pa nilang kasama kaya sure akong siya 'yon.

Pero hindi siya nagpo-post ng picture lahat ay puro tagged posts lang, sa memes and sa pictures. He just react to the post and sometimes he comment.

Dahil sa kaka-stalk ko nalaman ko na he's graduating this year because of the meme that his classmates shared and tagged him.

I also saw a lot of pictures of them that they're cooking so I'm pretty sure his course is about cooking. Culinary Arts maybe.

Nang magsawa na ako sa kaka-stalk ay bumalik na ako sa news feed ko and scroll down para malibang.

Medyo nabored ako kaya tumingin naman ako sa videos at ang bumungad sa akin ay mga videos na puro pagkain.

Hindi ko maiwasang hindi panoorin ang mga taong kumakain, lalo na ang mga Koreans na kumakain.

Hindi ko alam but I always find it satisfying, ang satisfying nila kumain.

At dahil sa napapanood ko ay bigla akong nagutom kahit kakaubos ko lang ng fries ko.

Kaya naman tumayo ako at lumabas ng kwarto habang hawak pa rin ang phone at nanonood ng mukbang.

Nilabas ko sa paper bag ang mga pagkain na binigay sa akin. Binuksan ko 'yon isa isa at mas lalo akong natakam dahil sa amoy.

Dahil nga kanina pa 'tong hapon ay malamig na sila so I threw them in my microwave dahil mas masarap kung mainit.

Kumain ako habang nanonood ng videos ng mga Koreans na kumakain din. Hindi ko rin namalayan na naubos ko na pala ang pagkain ko at nang marealize ko na ay do'n ako tinamaan ng busog.

Napasandal ako sa upuan at hinawakan ang aking t'yan. Grabe nabusog ako.

Naghintay lang ako ng ilang minuto bago tumayo at niligpit ang pinagkainan ko. Umupo muna ako sa sofa sa living room at binuksan ang TV.

Nanood nalang ako ng balita para naman may kaalaman ako sa mundo at kung umuunlad ba ang bansa.

Natapos ang programa pero wala silang nabanggit na pag unlad ng bansa puro lang pagtaas ng gasolina at mga bilihin.

Kaya naman pinatay ko nalang hindi rin naman ako mahilig manood ng mga Teleserye sa TV. I preferred Anime, mahilig ako sa action.

Pumasok ulit ako sa kwarto at humiga nagpatugtog nalang ako ng mga malumanay na songs at pumikit.

I suddenly remember him. He didn't call me after that, naputol ang tawag namin dahil may tumawag sa kaniya at kailangan na niya raw umalis.

I was wondering how he got my number, I'm a bit scared because what if ipagkalat niya ang number ko and they eventually call me?

Siya pa nga lang ay naiinis na ako sila pa kaya. I really hope na hindi niya ipagsabi ang phone number ko.

But if they reach me out I will immediately change my number. I'll immediately throw my sim card away, I don't want to talk to them.

I'm not yet ready.

Hindi mawala sa utak ko ang mga boses nila habang binabato ako ng mga masasakit na salita.

Kinabukasan ay maaga ako nagising pero tamad na tamad pa akong bumangon kaya kinuha ko nalang ang phone ko sa tabi.

I just opened my Facebook dahil wala naman akong magawa. Bumungad sa akin ang isang post na naka-tag kay Cyan, ang kaibigan ng kuya ni Notch.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm in love with you, Ma'amWhere stories live. Discover now