KABANATA 1: Sino ka?

725 15 7
                                    

"Dre bumangon ka d'yan." ani Kyle pero hindi ko siya pinansin.

Nakahiga lang ako sa tabi ng puntod ni Joyce. Halos alos otso na din ng gabi at kanina pa umalis ang mga nakiramay sa akin.

"Dre what if sundan ko nalang si Joyce?" sabi ko habang nakatitig sa mga bituin, alam ko love isa ka na sa mga 'yan. Alam kong binabantayan mo ako sa mga oras na ito.

"Gag* ka ba?" malutong na mura sa akin ni Kyle. Siya nalang kasi ang natira dito para samahan ako. "Sa tingin mo ba ay gugustuhin ni Joyce na sayangin mo ang buhay mo?"

"Hindi ko yata kakayanin na mabuhay na wala si Joyce dre. Mahal na mahal ko siya" wala akong pakialam kung mukha man akong tanga na umiiyak sa harapan niya. Nasasaktan ako at nanghihinayang para sa aming dalawa ni Joyce.

I found the love at the wrong time.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tinitigan ang lapida ni Joyce. "I love you..."

--

Kinabukasan, halos ayaw kong kumilos. Maging pagligo ay kinatatamaran ko na. Nakapikit lang ako dahil si Joyce lang din ang naaalala ko sa bawat sulok ng condo.

"Kamahalan..." napamulat ako nang marinig ko 'yon. Agad akong bumangon at nakita ko siya na kaupo sa tabu ng kama ko.

"Love!" tawag ko at yumakap sa kaniya. Hindi siya gumagalaw at hinayaan niya lang akong yakapin siya. "Love buhay ka."

Humiwalay ako sa yakap at tumingin sa kaniya. Nakatingin lang siya daretso sa mata ko.

"Magpatuloy ka sa buhay Kamahalan." aniya at hinawakan ang kaliwang pisngi ko. Napapikit ako habang umaagos ang maiinit na luha mula sa mata ko.

"Paano? Love wala ka na." garalgal na sabi ko. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Lagi lang akong nandito." sabi niya at itinuro ang dibdib ko. Umiling ako. Ayaw ko siyang mawala. Yayakapin ko sana siya pero unti-unti na siyang naglaho sa harapan ko.

"Love!"

Napahawak ako sa dibdib ko habang hinahabol ang aking hininga. Hindi ko maiwasang maluha dahil panaginip lang pala 'yun.

Napalingon ako sa side table ko at napatitig sa larawan ni Joyce noong mga panahong Personal Assitant pa namin siya.

"Magpapatuloy ako Love, tulad ng gusto mo."

---

ISANG TAON na ang nakalipas simula nang mawala si Joyce. Hindi ko alam kung paano ko nalampasan ang bawat araw na lumilipas na wala siya. Tangin pinanghahawakan ko ay ang pangako ko sa kaniya na magpapatuloy ako.

"Hi Love! Happy Anniversary!" masayang bati ko. Kasalukuyan ako ngayong nandito sa puntod ni Joyce. Isang taon na ang lumipas simula noong huli kong punta dito. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko kakayaning tuparin ang pangako ko sa kaniya kung lagi ko siyang pupuntahan dito.

Umupo ako sa tabi ng puntod at inilapag ang lahat ng mga dala ko.

"Nagbake ako ng cake para sa araw na ito Love. Sayang hindi mo na siya matitikman." malungkot na sabi ko at hinaplos ang kaniyang lapida.

"Alam mo ba Love, si Chelsea buntis na." nakangiting kwento ko. BIgla kong naalala noong nalaman namin na nagdadalang tao na siya ay lahat kami'y tuwang-tuwa dahil sa wakas ay magkakaroon na ng panibagong miyembro ang grupo. Panibagong biyaya.

"Hindi nakatiis si Sam, sinabihan ko na noon na huwag muna nilang gagawin yun nang hindi pa sila kasal e." kwento ko na para bang nasa harapan ko lang siya. Namimiss ko na talaga siya.

"Pero syempre blessing yun from above, nakakatuwa lang dahil madadagdagan na naman ang mga pamangkin ko." bumuntong hininga ako, kung sanang buhay pa siya ay paniguradong maging kaming dalawa ay magkakaroon na ng sariling pamilya.

"Si Kyle sobrang laki na ng kumpanya niya, hanggang sa ibang bansa ay may branch na yung clothing line niya." nakangiting kwento ko. "Aba'y dapat lang na magsipag siya dahil bestfriend ko yata yung girlfriend niya." kahit pa magmukha akong baliw na nagsasalita ay wala akong pakialam. Gusto ko lang talaga maramdaman na parang buhay siya at kasama ko siya sa importanteng araw na ito.

Gusto ko lang maramdaman na buhay ang asawa ko.

Kumuha ako ng kapirasong cake at kinain 'yon. Walang kupas, masarap pa rin akong magbake. Ngumiti ako na animo'y nasa harap ko lang si Joyce.

"Yung bestfriend mong si Jake at si Rose, ayun parang aso't-pusa pa rin. Away-bati, pero hindi naman mapaghiwalay." natatawang sabi ko habang inaalala sila. "Parang si James at Jesse lang, sobrang cute ni Prayed Love! Lalo na ngayon na lumalaki na siya." muli kong hinaplos ang lapida niya.

"Sana bago ka man lang nawala ay iniwanan mo man lang ako ng remembrance di'ba?" biro ko pero sa totoo'y dinadaan ko nalang talaga sa biro ang lahat. Ayaw ko na kasing dibdibin pa ang mga bagay-bagay.

Habang abala ako sa pagkukwento ay nagulat ako nang may bolang lumanding sa cake na binake ko.
"Hay siya ka! Roberto tatanga-tanga ka!"

Gulat akong lumingon sa pinanggalingan ng boses. Pero mas nagulat ako sa bumungad sa akin.

Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Tama ba itong nakikita ko? Hindi ba ako namalik-mata?

Para akong binuhusan ng malamig na tubig na nakatingin doon sa babae.

"Joyce?!" gulat na sabi ko pero hindi niya ako pinansin. Nakatingin lang sa doon sa bola na nasa cake ko ngayon.

Tama naman ang nakikita ko hindi ba? Hindi ako nag-iimagine lang?

Dali-dali akong tumayo sa kinauupuan ko at patakbong lumapit sa kanya. Dala na rin ng matinding pangungulila ay agad ko siyang niyakap. Hindi siya gumagalaw kaya mas hinigpitan ko ang yakap sa kaniya.

"Love..." bulong ko habang yakap-yakap ko siya.

"Hoy bitawan mo ang pinsan ko!" nagulat ako nang bigla akong sinuntok ng kasama niya. Pero hindi ko iyon ininda. Nakatingin lang ako kay Joyce.

"Joyce... Love..." lumuluhang sambit ko. Sobrang saya ko sa oras na 'yon dahil sa wakas ay nakikita ko na siya ulit. Na nasa harap ko ulit ang babaeng pinaka mamahal ko.
Pero may kung ano sa mata niya na hindi tulad noon. Parang may iba.

"Sino ka?"

HER SHADOW [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon