KABANATA 4: Valentine's day P2

146 6 3
                                    

    WARNING:

    SOME SCENES ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCE. PLEASE SKIP THIS CHAPTER IF POSIBLE. (Pero kung matigas ulo mo, bahala ka hmp)

    Halos hindi ako makatingin ngayon kay Lucas. Ewan ko ba kung bakit parang nawala ang angas ko nang makita ko siya ulit. Maging yung pagdampi ng balat niya kanina sa akin ay nakakadagdag ng kaba ko.

    Normal pa ba ito?

    "Masarap ba?" biglang tanong niya. Para naman akong mabibilaukan dahil sa tanong niya. "Masarap ba yung pagkain?" aniya kaya napatingin ako sa kaniya.

    "Ah o-oo masarap." naiilang na sabi ko. Halos manginig ako dahil alam kong nakatingin siya sa akin ngayon.

    Sa sobrang taranta ko ay kinuha ko yung soup sa may kanan ko at basta-basta ko nalang ito hinigop. Hindi ko alam na sobrang init pa pala ng soup na yun kaya nang hinigop ko yung sabaw ay bigla akong napaso.

    "Ouch!" daing ko at mabilis na pinaypayan yung parte ng bibig ko. Sobrang init! Nawala yung pustura ko dun ah!

    Nagulat ako nang biglang tumayo si Lucas at lumipat ng puwesto sa tabi ko. Pero ang mas kinagulat ko pa nang hilain niya yung upuan ko habang nakaupo ako dito. Tuloy ay sobrang lapit namin sa isa't-isa.

    "Okay ka lang?" bakas sa mukha niya ang pag-aalala habang nakatitig sa may labi ko. Naramdam ko din naman na nangangapal na din ang nguso ko gawa nang napaso ito.

    Kitang-kita ko kung paano siya napalunok nang bigla kong kagatin ang ibabang labi ko. Bigla akong napahawak sa dibdib ko, ang lakas ng kabog nito. At pakiramdam ko ay sasabog na ito ano mang oras.

    "A-Ayos lang ako." sabi ko at agad na binawi ang sarili sa kaniya. Maging siya ay natigilan dahil sa ginawa ko. "Bakit nga pala gusto mo akong makita?" tanong ko upang maiba ang topic naming dalawa. Ang akward kasi ng paligid matapos nang nangyari.

    "Gusto kitang makilala." aniya kaya nalingon ako sa kaniya. "Kamukhang-kamukha mo kasi ang asawa ko." daretsong sabi niya na siyang kinagulat ko.

    Alam ko naman na yun ang dahilan niya kaya gusto niya akong makita e. Hindi ko lang siguro talaga ineexpect na sasabihin niya sa akin ng daretso iyon.

    "Hmp." bigla akong nasamid dahil sa pagiging straight forward niya. Agad niya akong inabutan ng tubig kaya tinanggap ko yun, pero nang ibabalik ko na yung baso ay muli akong napatingin sa kaniya.

    He staring at me! Yung klase ng tingin na alam kong longing sa isang tao.

    "Joyce..." wala sa sariling aniya at unti-unting inilapit ang mukha niya sa akin. Sa oras na 'yon ay tila na blanko ang isip mo. Hinayaan mong tangayin ako ng  emosyon at sitwasyon.

    Naramdaman kong gumapang ang kamay nia mula sa aking mga braso, hanggang sa ikulong na niya ko sa kaniyang bisig.

    Kahit na pareho kaming nahihirapan sa posisyon namin ay hindi namin iyon alintana. Dahil sa lapit namin sa isa't-isa ay napahawak ako sa dibdib niya. I stares at his eyes. Sobrang ganda no'n at nangungusap. Ramdam ko ang lakas ng pintig ng puso niya lalo na't nasa dibdib niya ang palad ko.

    "L-Lucas..." sambit ko sa pangalan niya pero huli na ang lahat. Agad niyang inilapat ang kanyang labi sa akin. Sa una'y gulat na gulat ako. Sino ba naman ang hindi magugulat, lalo na't unang beses namin itong magkasama. But at the same time, hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko.

    Alam kong mali ito dahil hindi ko pa siya lubos na kilala. Pero mismong puso ko na ang nagmamando sa katawan ko. Sa oras na 'yon ay tila nawala ako sa bait. Binaliw ako ng init na 'yun kaya hinayaan ko nlaang talaga na tangayin ako ng kapusukan naming dalawa.

    He groan as I cling my arms around his neck to deepen our kiss. Habang patagal ng patagal ay palalim ng palalim ang bawat halik na pinagsasaluhan naming dalawa.

    Nagulat ako nang bigla niya akong hinawakan sa magkabilang braso at pinilit niya akong itayo nang hindi pinuputol ang halik na 'yon. Hinayaan ko lang siyang manduhan ako sa oras na 'yun. Ramdam kong maging siya ay kinakabahan din sa ginagawa namin, pero hindi ko na pinansin 'yon. He pulled me closer tuloy magkadikit na ang aming katawan. Sa totoo lang ay ramdam na ramdam ko na siya sa oras na 'yon, pero hindi ko alam pero hindi ko magawang mabastusan sa kaniya. Lalo na't sa bawat halik niya ay ramdam na ramdam ko ang 'pagmamahal'? I don't know.

    Ang kaninang halik lang ay sinamahan na ng malilikot naming kamay. We explore each other na tila may sariling buhay ang kamay namin na naglalaro sa katawan ng bawat isa.

    Ramdam kong bumaba ang halik niya mula sa labi, gumapang ito sa aking pisngi. Mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang mainit niyang labi sa may tenga ko. Nagdulot iyon nang matinding kilabot sa buong katawan ko. Napayakap ako ng mahigpit sa kaniya nang bumaba ito at natunton ang leeg ko.

    "L-Lucas..." garalgal na sambit ko sa ngalan niya habang nakapikit at dinadama ang sensasyong idinudulot niya.

    "Sir..."

    Agad kaming napalingon sa may pinto at kiutang-kita namin kung paano nagulat yung staff kanina habang makatingin sa amin. Agad namang humarang si Lucas sa akin lalo na't halos wala na akong saplot.

    "Naku pasensya na po!" mabilis na sbai niya agad sinara agad yung pinto.

    Ang akward!

    Halos hindi kami makatingin ni Lucas sa isa't-isa. Mabilis kong inayos ang sarili ko at umupo ng maayos. Pakiramdam ko ay binuhusan kami ng malamig na tubig ngayon dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko.

    Nando'n na kami eh! Bakit pa kasi pumasok 'yun? Nakakahiya tuloy!

    Habang pinapagalitan ko ang sarili ko ay nagulat ako nang bigla siyang umupo ulit sa tabi ko.

    "Im sorry Myka..." panimula niya kaya agad akong napatingin sa kaniya. "Nadala lang ako-"

    Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at mabilis ko siyang ginawaran ng halik sa labi.

    "Don't say sorry. Pakiramdam ko tuloy ay hindi mo ginusto yung nangyari." sabi ko na siyang kinatigil niya.

    "Nagustuhan mo?" he ask. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil iba yata yung dating ng sinabi ko sa kaniya.

    Pansin niya siguro na hindi na ako kumportableng pag-usapan pa yun kaya agda niyang kinuha yung pagkain at nilagyan muli ang plato ko.

    "Kain nalang tayo?" aniya na siyang nginitian ko.

    --

    Natapos ang gabing iyon na parang walang nangyari o mas pinili lang talaga namin na huwag nalang pag-usapan iyon. Imagine, napaka-akward kung buong gabi yun yung pag-usapan namin di'ba? Hindi nakakadalagang pilipina yun!

    "Salamat sa paghatid." sabi ko nang makababa kami ng sasakyan niya. Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay ko. Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at hinawi ang iilang buhok na nakasagabal sa mukha ko at inipit ito sa may tenga ko.

    "Napakaganda mo." aniya habang naktingin daretso sa mata ko. My face immediately turns red dahil sa hiya. Binawi ko agad ang sarili ko.

    "Uwi ka na. Salamat ulit." sabi ko at tinalikuran na siya.  He called my name pero hindi na ako lumingon ulit. Kaya natigilan ako nang pigilan niya ako.

    "Myka..." sambit niya sa pangalan ko kaya tumingin ako daretso sa mga mata niya. Lumapit siya muli sa akin and stares at me intently. "Myka please date me..."

HER SHADOW [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon