KABANATA 37: Birthday Celebration

87 5 5
                                    

    Myka Bolante Point of View:

    "Happy birthday anak!" agad akong napalingon sa pinto at doo'y nakita ang isang ginang kasama ang dalawa nitong anak. Agad naman silang sinalubong ng yakap ni Lucas kaya agad akong napatayo.

    Sila na siguro ang kapamilya ni Joyce.

    "Sobrang namiss ko kayo tita." sabi ni Lucas habang nakayakap pa rin sa ginang.

    "Noong nabalitaan namin na may surprise birthday party sayo ay talagang lumuwas kami para puntahan ka." sabi nung ginang.

    "Balae." bati ni tita Mylene at bumeso sa ginang.

    "Ate?!" nagulat ako nang niyakap ako nung babaeng anak nung ginang kaya napukol ang atensyon nilang lahat sa amin. Hindi ko naman alam kung ano ang iaakto dahil nagulat ako sa ginawang pagyakap sakin nung bata.

    "Jusko." anang ginang at nanginginig na lumapit sa amin. Patuloy pa rin sa pag-iyak yung bata habang yakap-yakap ako.

    "H-Hindi po ako si Joyce." sabi ko pero tulad ng anak ay lumuluha din siyang yumakap sa akin.

    Ewan ko pero sa oras na 'yon ay naging emosyonal ako. Bigla ko kasing namiss si Mama. Namiss ko yung niyayakap niya ako. Namiss ko siyang mahawakan at makausap.

    "Tita hindi po siya si Joyce." ani Lucas at marahang inilayo ang ginang sa akin. Nakatulala lang ako sa umiiyak na ginang. Nararamdaman ko ang pangungulila niya sa anak.

    "Pero kamukhang-kamukha niya si Joyce anak." aniya at pinipilit niya akong abutin. Sinenyasan ko si Lucas na ayos lang ako kaya binitawan na niya ang ginang kaya nilapitan niya ako muli.

    Tinititigan niya ako na animo'y kinakabisado niya ang bawat detalye ng mukha ko. Hinaplos niya ang mukha ko na animo'y hinahaplos ang sariling anak.

    "Pwede ba kitang mayakap muli?" aniya na siyang tinanguan ko. Kung nandito lang si Mama ay hihingi rin ako ng yakap sa kanya. Pareho kaming nangungulila sa mahal namin sa buhay.

    --

    "May I have this dance." napalingon ako at doo'y nakangiti si Lucas habang nakalahad ang kamay niya.

    Ngumiti naman ako at malugod na tinanggap ang kamay niya. Tapos na din ang live nila kaya hindi na ako nahihiyang lumapit sa kaniya. Kahit pa alam na ng buong fandom ang relasyon namin ni Lucas ay nahihiya pa rin ako. Alam ko kasi kung gaano karaming tao ang nagmamahal sa kaniya. Kahit pa sabihin nating tanggap na nila ang relasyon namin ay alam kong may makakaramdam pa rin ng selos, at yun ang ayaw kong maramdaman nila.

    Hinila ako ni Lucas sa gitnang bahagi ng studio. May mga kumuha ng video sa amin pero hindi ko na pinansin yun. Nakangiti lang ako habang nakatitig sa mukha niya.

    Dahan-dahan niyang inilagay ang kamay ko sa balikat niya. Samantala siya naman ay inilagay niya ang kamay niya sa magkabilang bewang ko. He pulled me closer kaya halos magdikit ang mukha naming dalawa.

    "Thank you Lo—baby." aniya na siyang kinatawa ko. Alam ko kasing love dapat ang itatawag niya sa akin. "Sorry."

    "Love." sabi ko na siyang kinagulat niya. "From now on, I will call you love."

    "Okay lang naman sa'kin kahit Lucas—" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya nang bigla ko siyang nakawan ng mabilis na halik. Natawa ako dahil sobrang kinagulat niya yung ginawa ko. Halos lahat naman ng nasa paligid namin ay naghihiyawan, lalo na yung apat.

    "Myka tumira ng tres!" sigaw ni Sam na siyang inilingan ko.

    "Ang punto ko lang naman baby ay baka isipin mong si Joyce ang naaalala ko sa tuwing tatawagin kitang Love. Ayaw kong maramdaman mo yung naramdaman mo dati." mahabang paliwanag niya. Niyakap ko naman siya habang patuloy pa rin ang pagsayaw namin.

HER SHADOW [COMPLETE]Where stories live. Discover now