KABANATA 16: Let's be friends

81 4 0
                                    

    "Okay ka lang?" tanong niya na siyang kinagulat ko. Kitang-kita ko kasi ang pagiging sinsero ng tanong niya.

   

    Agad kong binawi ang sarili ko at bahagyang lumayo sa kaniya. Kahapon lang ay nagawa niya akong saktan, tapos ngayon ay tinatanong niya kung ayos lang ba ako?

   

    Pinagtitripan ba ako nito?

   

    "I'm sorry." aniya pa na siyang lalo kong kinagulat. Hindi siya yung Kyle na nakilala ko sa mga oras na 'yun. Walang galit o ano man sa mga mata niya. Alin ba talaga ang totoong Kyle? Yung una kong nakilala o itong tao na nasa harap ko ngayon?

   

    "B-Bakit ka humihingi ng tawad?" utal pang tanong ko. Mabuti nalang at walang masyadong tao dito.

   

    "Look Myka, hindi ako masamang tao. Tulad nga ng sabi ko sa'yo saksi ako kung paano nagmahalan yung dalawa. Kaya ganoon nalang ang pagtutol ko sa inyo." aniya at umupo sa isang bakanteng table na malapit dito sa dulong bahagi ng party.

   

    Bumuntong hininga naman ako at sumunod sa kanya. Nakatingala lang siya sa itaas habang ako naman ay nakatitig lang sa mukha niya. I was wondering kung ano ba ang iniisip niya.

   

    "Kyle." tawag ko sa kaniya kaya humarap siya sa akin. "Nakita ko yung video nung farewell concert ninyo." bahagya siyang natigilan sa sinabi ko pero umayos lang siya ng upo at tumingin sa akin. Nakatingin lang siya sa akin at handang makinig sa ano mang sasabihin ko.

   

    Bumuntong hininga naman ako at umiwas ng tingin. Naalala ko na naman kasi yung nangyari sa concert na 'yun. Sa sobrang bigat nun ay everytime na naaalala ko ito ay hindi ko maiwasang maluha.

   

    "Tama ka nga na mahal na mahal nila ang isa't isa. Tama ka din na may posibilidad na kaya lang naman ako ginusto ni Lucas ay dahil kamukha ko si Joyce. Pero mali ka kung inaakala mong gusto kong palitan si Joyce sa buhay ni Lucas." sabi ko at tumingin daretso sa mata niya. Nag-umpisa nang tumulo ang luha ko. Pero ang kinagulat ko ay pinunasan ito ni Kyle. He gently touches my face and wipe my tears.

   

    "Don't cry Myka." aniya na puno nang panunuyo. Pero imbes na tumahan ako ay mas lalo akong humagulgol. This is the first time na wala akong naramdamang pagkailang kay Kyle.

   

    Para bang sa oras na iyon ay sobrang panatag ako habang nagkukwento sa kaniya tungkol sa napanood ko sa internet. Para akong bata na nagsusumbong sa kuya.

   

    "Gusto kong alagaan si Lucas, samahan siya kapag masaya siya, yakapin siya kapag malungkot siya, pagsilbihan siya kapag nagkakasakit siya. Gusto kong gawin ang lahat ng mga bagay na hindi nagawa ni Joyce kay Lucas." lumuluhang sabi ko. He patted my shoulder and smiled at me.

   

    "Panatag na ako." aniya kaya nilingon ko siya. Sobrang gaan ng awra niya ngayon. Hindi katulad noon na animoy lagi niyang pasan ang daigdig.

   

    "Panatag saan?" tanong ko pero ginulo niya lang ang buhok ko.

   

    "Sorry kung nasaktan kita kahapon. Sorry kung tutol na tutol ako sa inyong dalawa ni Lucas. Tulad nga ng sabi ko sayo ay nakita ko kung paano nila minahal ang isa't-isa. Kaya naman noong nalaman ko ang plano ni Lucas na i-date ka niya ay sobrang nagduda ako." hindi ko naman alam kung ano ang irereact ko sa mga sinasbai niya. Basta nakatingin lang ako at nakinig lang sa mga sasabihin niya.

HER SHADOW [COMPLETE]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang