Chapter 17: Nate

99 8 1
                                    

    Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito. Tahimik lang ako sa gilid habang pinapanood sina Nate na ngayon ay nagpe-perform sa harapan namin.

   

    I didn't expect na pinsan pala ni James si Nate. Tunay nga na sobrang liit lang ng mundo.

   

    "Hindi naman sila magaling." rinig kong himutok ni Lucas habang masama ang tingin kay Nate na ngayon ay halos patapos na din sa performance nila.

   

    "Ang bitter mo dre ah." ani Kyle naman na nasa kanan ni Lucas samantalang ako naman ay nasa kaliwa niya at naka-akbay siya sa akin.

   

    "Magaling naman sila Lucas e." sabi ko kaya napatingin siya sa akin. Para naman akong manliliit dahil sa tingin niya sa akin. Nakakunot ang noo nito at seryosong natingin daretso sa mata ko.

   

    Patay! Bakit ko kasi siya kinontra?

   

    "Sino mas magaling? Ako o si Nate?" tanong niya na siyang kinamaang ng bibig ko. Natawa naman si Kyle dahil kaming tatlo lang ang nag-uusap-usap samantalang yung iba naman ay tutok na tutok sa panonood kina Nate.

   

    "Malay ko. Hindi pa naman kita nakitang sumayaw." nahihiyang sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya.

   

    "Ay dre, parang gusto niya yatang sayawan ko siya." ani Lucas na siyang kinagulat ko. Agad akong umiling dahil tatayo na sana siya. Hinila ko nalang talaga siya paupo ulit sa upuan.

   

    "Baka kapag sinayawan ka n'yan, humimlay ka bigla." ani Kyle tapos ay nag-apir pa silang dalawa. Best pal talaga itong dalawang 'to. Magkasundong-magkasundo sa mga kalokohan.

   

    "Sabihin mo lang kung gusto mong sayawan kita sa bahay." bulong niya sa tenga ko na siyang nagdulot ng matinding kilabot sa buong pagkatao ko. Hay*p na yan. Ang kalat ng utak ko!

   

    Natigil lang kami sa pagkukulitan ni Lucas nang matapos ang performance nila Nate. Nagulat nga ako na pagkababa na pagkababa nh mic niya ay tumakbo ito agad sa direksyon ko at niyakap ako.

   

    "Hoy po! Respeto." saway ni Jake pero di siya pinakinggan ni Nate.

   

    "Anong ginagawa mo dito?" nakangiting tanong niya nang maghiwalay kami ng yakap.

   

    "Magkakilala kayo?" gulat na tanong ni James sa aming dalawa. Ramdam ko namang pinalupot ni Lucas yung braso niya sa akin kaya napalingon ako sa kaniya.

   

    "Magkababata kami." sabi ko kay James nasiyang tinawanan ni Gelou. Maging sina Kyle at Jame ay tumawa din kaya lalo tuloy akong naguluhan.

   

    Bakit sila tumatawa?

   

    "Yare Lucas magkababata daw oh. Seems familiar right?" tatawa-tawang aniya. Tumingin naman ako kay Lucas na ngayon ay nakangiwi lang. Hindi ko alam pero sobrang cute niya kapag ginagawa 'yon. Gusto ko tuloy siyang kurutin sa pisngi.

   

    "Don't tell me siniship din kayo sa isa't-isa." hirit pa ni James na siyang kinatawa ni Nate.

HER SHADOW [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon