KABANATA 41: Lie

77 6 3
                                    

    "Asahan mong makakarating ito kay Lucas." sabi ko at tinalikuran na siya. Pero nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang buhok ko.

    "Hindi mo gagawin yun!" sigaw siya sa akin habang sinasabunutan ako.

    "Bitawan mo siya." ani Nate pero bago pa man niya akong mabawi ay sinuntok na siya nung lalaking kasama ni Julia.

    "Bitawan mo ako!" sigaw ko at pilit na inaabot yung buhok niya pero halata mong sanay na sanay siya sa ganoong bagay dahil sa bilis niyang iwasan ang kamay ko.

    Halos maluha na ako habang sinasabunutan niya ako dahil pakiramdam ko ay anytime ay mabubunot na niya yung buhok ko. Ang sakit!

    "Hoy! Magtigil kayo!" nabitawan ni Julia anh buhok ko nang may guard na papalapit na sa amin. Mabilis silanv umalis nung lalaki.

    "Are you okay? Sorry hindi kita naprotektahan." ani Nate at niyakap ako. Hindi ko maiwasang maluha lalo na't sobrang sakit talaga ng anit ko.

    Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang niloloko lang niya si Lucas. I know how he is excited for that child. Pero it turns out na hindi pala sa kaniya yung bata.

    "We need to go home Nate. Kailangan malaman ni Lucas ang lahat." umiiyak na sabi ko na siyang tinanguan naman ni Nate at dali-dali kaming sumakay ng kotse niya.

    Habang nasa byahe kami ay iniisip ko na kung paano ko sasabihin kay Lucas ang nalaman ko. Part of me ay natatakot dahil baka mamaya ay masaktan siya sa nalaman ko. But he deserve to know the truth.

    "Nandito na tayo." ani Nate kaya agad akong napalingon sa labas at tama siya. Nasa tapat na kami ng bahay namin ni Lucas pero dahil nga malalim ang iniisip ko ay hindi ko na talaga namalayan.

    "Kinakabahan ako." sabi ko na siyang kinakunot ng noo niya.

    "Bakit ka naman kinakabahan?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko. "Kahit na hindi ko gusto ang lalaking yun ay hindi naman niya deserve ang mag*go ng ganito, kaya sige na. Pumasok ka na." sabi niya kaya agad akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay.

    "Lucas?" tawag ko pero hindi siya sumasagot. Pumunta ako sa kusina pero tulad ng inaasahan ay wala siya doon. Dali-dali akong umakyat ng second flour upang puntahan siya sa kuwarto pero lakibg pagtataka ko dahil wala siya roon.

    Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan siya. Hindi naman nagtagal ay sinagot niya ito.

    "Hello?" bungad niya.

    "Nasaan ka?" agad kong tanong.

    "Papunta ako ngayon kay Julia. May emergency daw." sabi niya na siyang kinataranta ko. Hindi pwedeng magkita sila ni Julia. Natatakot ako na baka baligtarin ako ng babaeng 'yon.

    "Huwag mong pupuntahan yang babaeng yan." natatarantang sabi ko pero halata mong naguguluhan na siya sa akin.

    "Hindi pwedeng hindi ko siya puntahan baby, alam mo naman ang sitwasyon namin." sabi niya na siyang inilingan ko.

    "Lucas may kailangan kang malaman sa babaeng 'yan." hindi ko pa man  natatapos ang sinasabi ko nang marinig ko ang boses ni Julia sa kabilang linya. Kasunod noo'y naputol ang linya. Sh*t! Yung babaeng yun!

    Agad akong lumabas ng bahay. Mabuti naman at hindi pa nakakaalis si Nate.

    "Nasabi mo na?" tanong niya pero hindi ko siya pinansin at dali-dali akong sumakay sa kotse. Natataranta naman siyang pumasok at naguguluhan akong tignan.

    "Anong nangyari?"

    "Puntahan natin yung babaeng yun." sabi ko pero kunot noo niya lang akong tinignan.

    "Alam mo ba kung saan siya nakatira?" natigilan ako sa tanong niyang iyon. Doon ko lang naalalang hindi ko nga pala alam kung saan siya nakatira at wala din naman akong alam  tungkol sa kaniya.

    Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Paano na ito? Paano ko pipigilan si Lucas? Paano ko sasabihin sa kanya ang nalaman ko?

    --

    Lucas Berdin Ajero Point of View:

    "Bakit mo ginawa 'yun?" inis na sabi ko kay Julia. Hingal na hingal siya habang tinitignan yung basag kong cellphone dahil sa binato niya ito.

    "A-Ano kase." sabi niya pero nagulat ako nang bigla siyang umiyak ng malakas. Mabuti nalang talaga ay walang tao kundi ay nakakahiya kung makita nila kami sa ganitong estado.

    "Nakita mo ba to?" sabi niya sabay turo ng pasa sa mukha niya. Kunot noo ko naman tinignan yun. "Alam mo bang si Myka ang may gawa nito?"

    "Kung sisiraan mo lang ang fiance ko ay itigil mo yan." sabi ko at tangkang aalis.

    "Nagsasabi ako ng totoo!" aniya at humagulgol ng iyak. "Nakakatakot siya Lucas. Halos bugbugin niya ako para lang malaglag ang bata sa sinapupunan ko. Natatakot ako para sa magiging anak natin." aniya na siyang lalong kinakunot ng noo ko.

    "Bakit ako maniniwala sa'yo? Alam kong hindi magagawa ni Myka—"

    "At bakit ko naman isasaalang-alang ang anak ko para lang siraan yung babaenh yun?" seryosong aniya. "Kahit hindi ko pa naiiluluwal ang batang ito ay mahal na mahal ko na ito. Maniwala ka sakin Lucas despirada na si Myka. Gusto niyang mawala ang anak natin para maguloy ang kasal niyo."

    Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng awa sa kaniya. I can see na nagsasabi siya ng totoo. Ramdam ko ang takot niya para sa batang nasa sinapupunan niya.

    Niyakap ko siya para ipanatag ang loob niya. She hugged me back.

    Magagawa ba ni Myka yun? Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko. Mahal ko si Myka. Mahal na mahal ko siya. Pero paano naman ang anak ko? Sariling dugo't laman ko yun at hindi ako papayag na mawala siya.

    "At alam mo ba kung bakit niya ako binugbog?" aniya kaya inilayo ko siya sa akin at tumingin sa mga mata niya.

    "Lucas matagal ka nang niloloko ng babaeng yun. I saw her kissing that man. Pinagtataksilan ka niya. Narinig ko kung paano ka nila pagtawanan habang ikaw ay nilalaban mo yung relasyon ninyong dalawa." hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Julia. Totoo kaya? Niloloko ako ni Myka? Pero bakit?

    Bigla kong naalala yung mga oras na nasaktan ko siya. Ito ba yung ganti niya? Kaya ba out of nowhere ay bumalik siya sa akin? Kaya ba nakipagbalikan siya para saktan ako sa huli?

    "I'm sorry Lucas kung sakin mo pa nalaman ang lahat ng ito. Sorry." aniya at niyakap ako.

    Bakit mo nagawa sa akin to Myka? Minahal kita ng totoo...

HER SHADOW [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon