KABANATA 43: Ama

90 8 4
                                    

    Lucas Berdin Ajero Point of View:

    "Bakit hinayaan mo siyang umalis? G*go ka ba?" ani Kyle sa akin. Kasalukuyan ako nandito sa condo niya upang mag-inom. Gulong-gulo na kasi ako at isa sa mga ayaw ko sa ugali ko ay masyado akong nadadala ng emosyon ko.

    "Dre gulong-gulo na kasi ako. Mahal ko si Myka, pero mahal ko din yung anak ko. Kung totoo man ang sinasabi ni Julia —"

    "Eh paano naman yung sinabi ni Myka sa'yo na hindi mo totoong anak yung pinagbubuntis ni Julia?" natigilan ako sa sinabi niya. "Paano kung si Myka pala ang nagsasabi ng totoo tapos napagbuhatan mo pa siya ng kamay?"

    That's it. Lalong gumulo ang isip ko sa sinabi niya. Binagabag ako ng konsensya ko na baka totoo nga ang sinasabi nila.

    "Argh!" asar na sigaw ko at sinabunutan ang sarili. Inabutan ako ng tagay ni Kyle at tiniyak niyang mataas ito.

    "Ayan, lunurin mo 'yang sarili mo sa alak. Hindi ka na natuto." umiiling na aniya. Kinuha ko naman ito at inubos.

    "Anong gagawin ko dre?" pero bago pa man ka siya sumagot ay may nag-doorbell kaya pinagbuksan niya ito ng pinto.

    "Nasaan yung kaibigan nating broken? Nasaan?" ani James pagpasok palang ng condo. Sumunod naman agad sina Jake at Pau na may dala-dalang alak at pulutan. Madalang lang kaming uminom pero kapag uminom kami ay ibig sabihin lang nun ay isa sa amin ang may problema.

    "Kawawi ka naman Berting, lagi kang iniiwan ni Myka." ani Jake na siyang sinamaan ko ng tingin.

    "He deserve it." daretsong ani Sam at umupo sa tabi ni Kyle. Alam na nila ang buong pangyayari kaya ganyan siya kaprangka sa akin.

    "Ouch!" sabay na ani Jake at James na animo'y inaasar pa ako. Sarap din pagbuhulin ng dalawang ito.

    "So anong plano mo ngayon? Papayag ka ba na mawala na sa'yo ng tuluyan si Myka?" tanong ni Sam na siyang inilingan ko.

    "Syempre hindi ako papayag." daretsong sabi ko.

    "Ayun naman pala e. So anong balak mo?" ani Kyle.

    "Kaya nga hinayaan ko munang lumayo si Myka para gawin yung plano ko." sabi ko na siyang kinakunot ng noo ni Sam.

    "Nag-iisip ka pala." daretsong ani Kyle. Alam kong kahit dinadamayan niya ako ngayon ay galit ito sa akin dahil ayaw na ayaw niyang nakakapanakit ng babae. Lalo na si Myka na kamukhang-kamukha ni Joyce na minsan na din niyang minahal. Hindi ko naman ginusto yung nangyari kagabi pero nadala ako ng emosyon ko at yun ang pinaka-ayaw ko sa ugali ko.

    "Ngayong wala na si Myka, paniguradong magiging kampante na si Julia. Ang hindi niya alam ay papaimbestigahan ko siya." sabi ko na siyang kinatango nila. "At sa oras na malaman kong niloloko lang niya ako, pagsisisihan niyang gin*go niya ako."

    --

    Myka Bolante Point of View:

    "Ate Myka?" gulat akong napatitig sa lalaking nagtitinda at doon ko narealize na siya pala yung kapatid ni Joyce.

    "Si ate Myka?" sumilip yung bunso niyang kapatid at patakbong yumakap sa akin. "Ate.."

    "U-Uy kamusta kayo? Dito pala ang probinsya niyo?" tanong ko lumapit naman si Nate sa akin at umakbay. Naningkit ang mata nung kapatid na lalaki ni Joyce at tumingin sa aming dalawa ni Nate.

    "Bakit hindi niyo kasama si kuya Lucas? Hindi ba't malapit na kayong ikasal?" aniya at talagang diniinan pa ang salitang kasal sa harapan ko. Tinaasan naman siya ng kilay ni Nate dahil alam niyang siya ang pinariringgan ng kapatid ni Joyce.

    "Kuya Tey naman, huwag ka ngang ganyan nakakahiya ka." sabi nung bunso at hinampas pa ang braso ng kuya. Pilit naman akong ngumiti.

    "Naamoy ko itong paninda ninyo. Pabili naman ako." sabi ko upang maiba nalang ang usapan.

    "Naku ate kahit huwag ka na pong bumili, libre nalang namin sa'yo tutal kamukha niyo si Ate Joyce." anang bunso at hinila ako papasok sa stall nila. Sumunod naman agad si Nate pero ganun pa rin ang tinginan nila nung lalaking kapatid ni Joyce.

    "Ano nga ulit pangalan ninyo?" nahihiyang tanong ko na siyang tinawanan naman nung babae.

    "Ako po Arreiah ate, tas siya si kuya Lester pero pwede mo siyang tawaging Tey. Actually po papunta na si Papa dito dahil pauwi na rin kami." sabi ni Arreiah. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng matinding kaba nang malaman kong papunta na ang papa nila. Ewan ko ba, parang may something akong nararamdaman kapag siya ang usapan. Siguro dahil lumaki akong walang ama? Hindi ko din alam.

    Hinapagan kami ni Lester ng mga paninda niya. Kinuwentuhan ng kakaunti habang nagliligpit na sila dahil ubos na nga ang tinda nila. Doon ko nalaman na masarap pala magluto si Joyce dahil madalas daw ay laging nagpapaluto si Lucas sa kanya.

    Nakakatuwa lang na kahit hindi kami ganoon kaclose ay nagagawa nila akong kausapin na animo'y matagal ko na silang kakilala.

    "Tinanong ko nga si Mama kung may nawawala bang kakambal si Ate pero tinatawanan lang talaga niya ako. Kasi imposibleng may kambal daw si Ate." ani Arreiah habang nakapangalumbabang nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasang mahiya dahil naiilang ako kapag may tumititig sa akin.

    "Akala ko bang nagsara na kay—" napalingon ako sa nagsalita at natigilan ako nang may isang matandang lalaki ang pumasok sa stall. Maging siya ay natigilan nang makita ako.

    "J-Joyce anak?" aniya at mabilis akong niyakap. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. First time ito na may tumawag sa akin ng anak ng isang tatay.

    Ganito pala ang feeling ng may isang ama.

    Ramdam ko ang pagtulo ng luha niya sa balikat ko habang yakap-yakap niya ako. Agad naman lumapit sa amin si Arreiah at marahang binawi ang ama sa akin.

    "Daddy hindi siya si Ate Joyce kamukha lang niya." sabi nito pero umiling lllang yung tatay niya. Hinawakan niya ang kamay ko at halata mong hindi siya makapaniwalang kamukhang-kamukha ko ang kaniyang ama. At masasabi ko din na siya ang kamukha ng anak kaya mukha tuloy kaming mag-ama.

    "Sabihin mong hindi totoo ang sinabi niya anak. Sabihin mong ikaw yan Joyce. Miss na miss ka na ni Papa." aniya at hinaplos ang mukha ko.

    Hindi ko maiwasang mapaluha dahil bukod sa mahahalata mong miss na miss na niya ang anak ay naiiyak ako dahil naiingit ako kay Joyce.

    Naiingit ako dahil mahal na mahal siya ng tatay niya samantalang ako ay bata palang ay tinalikuran na niya ako. Sana ay katulad niya ang tunay na ama ko.

    "Pasensya na po sir, pero tama po ang anak niyo. Hindi po ako si Myka. HIndi ako ang anak mo." sabi ko pero tulad kanina ay ayaw niyang maniwala.

    "Ikaw ang anak ko. Ramdam kong anak kita." pagmamatigas niya.

    "Pwede mo naman siyang maging anak Daddy, yun ay kung nagkaroon ka ng pamilya sa ibang babae." pabirong ani Lester na kinagulat ko. Bahagya naman natigilan yung tatay nila pero nakatitig lang ito sa akin.

    "Kamukhang-kamukha mo si Joyce..."

AUTHOR NOTE: PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. ALSO DO SHARE THIS TO YOUR FRIENDS AND FAMILY.
STAY TUNE MALAPIT NA TAYO MATAPOS

HER SHADOW [COMPLETE]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant