Entry 1. 04.17.15

465 16 7
                                    


Dear Mr. Wrong-person-in-a-wrong-time,

Bakit kasi late kana dumating sa buhay ko e di sana hindi ako naguguluhan ngayon.

Mahal ko sya e. Mahal na mahal nya ako. Mahirap kaya humanap ng lalaking mas mahal ka. Five years narin kami. Kilalang kilala ko na sya. Kilala na rin nya lahat ng kamag-anak ko at tanggap narin ako ng pamilya nya. Magkalapet lang ang bahay namin. Makati at The Fort lang. Palage nya akong sinusundo. Minsan Mustang ang dala nya at most of the time ay ang gwapong gwapong Lamborghini. Pero di tulad ng karamihang naka-sports car, mas gwapo sya sa sasakyan nya. He's every girl's dream. Every woman's prospect. And every cougar's fantasy. He's just.. everything. Alam mo ba yon??

We have a lot of things in common too. Pareho kami ng genre. Pop rock. Pareho kami ng idol. Si Pink. Tulad ko, ang gusto nyang luto ng adobo ay yung kati na. Yung wala ng sabaw.  Paborito din nya ang saging. Hindi kompleto ang tanghalian namin kung walang lakatan. Mahilig din syang manuod ng Tom & Jerry kahit ilang beses na naming napanuod hindi humihina ang aming halakhak. Pareho din kami ng paboritong movie. Forrest Gump. Crush nya si Angelica. Crush ko si John Lloyd. 'The Alchemist' is my life's book. 'The Godfather' is his. We both read the other and we both liked it nonetheless. See?? We're made for each other!

In fact, I think we are custom-made for each other. Plus, we had an extraordinary love story. Pampelikula. Mala-fairytale. Putik at ginto. Simple girl meets Prince Charming. Dukha na minahal ng pinakamayamang playboy. Playboy na nagbago nang makilala si Cinderella. Ganyan katindi ang aming love story kung alam mo lang! Of course alam mo. Kinuwento ko nga pala sa'yo.

Marami pa ngang humadlang sa aming pagiibigan e. Maraming naging kontrabida. Pero lahat sila walang nagawa. My happy ever after is right into my finger tips. Damang dama ko na e. Damang dama ko na. Eto na yon eh. Ito na.

BAKIT KAILANGANG UMEKSENA KA PA??!!!


Naguguluhan tuloy,

thegirlinawhitehat





©2015 tornbetweennolovers

Ledger and The Journal [Maiden]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon