Entry 7. 05.13.15

108 6 0
                                    


Dear Mr. Wrong-person-in-a-wrong-time,

Tang*na ba't ganun?!

Ikaw ba 'yung nakita ko sa Trinoma kanina?

Ikaw ba 'yung nasa billboard sa may Megamall?

Ikaw ba 'yung nasa cover ng Cosmo?

Ikaw ba 'yung nasa commercial?

Sideline mo ba magkonduktor? 'Kaw ba yung sumisigaw ng ''Muwa'' kanina?

Nagtitinda ka na ba ng mani sa bus ngayon?

Ikaw ba yung nagalok sa 'kin ng credit card?

'Yung nabunggo ko sa may MRT, ikaw ba 'yon?

'Yung nagbebenta ng simcard sa overpass, 'kaw din ba 'yon?

Taong grasa ka na ba?!

Tongue inah bakit kahit saan ako tumingin ikaw ang nakikita ko?! Bakit? Bakit?????!!!!!!

At bakit nakita ko sa bag ko 'yung pang wedding ring nyo sana? Sinadya mo bang ilagay 'yon doon?
Bwisit ka akala ko ba tinapon mo na 'yon?! Maghapon ka tuloy tuma-tumbling sa isip ko!!!


Bigo,

thegirlinawhitehat



©2015 tornbetweennolovers

Ledger and The Journal [Maiden]Where stories live. Discover now