Entry 9. 05.16.15

91 5 0
                                    


Dear Mr. Wrong-person-in-a-wrong-time,

Seryoso. Nakabalik ka na ba dito sa Pinas?

Parang nakita talaga kita kanina. Hindi na hallucinations lang. Sigurado ako. Totoong ikaw yon. Hinabol pa nga kita eh ibabalik ko sana 'yung singsing mo. Ambilis mo naman kasing maglakad ang bingi mo pa. Lahat na nga ng naging pangalan mo nung magkasama tayo tinawag ko sa 'yo baka sakaling ma-gets mong tinatawag kita pero hindi ka manlang lumingon hanggang sa humalo ka na sa karamihan.

Ano palang ginagawa mo sa MOA kanina? Di ba sabi mo sa 'kin noon ayaw mo sa lugar na maraming tao lalo na pag mag-isa ka lang. May katagpo ka ba dun? Nagbalikan na ba kayo nung ex-future-wife mo? Antanga mo naman!!

Nakakainis ha! Mukha akong tanga kakasigaw kanina. Pinagtitinginan ako ng mga pips kasi iba ibang pangalan tinatawag ko.

Pano ba naman, diba sabi mo sa 'kin noon:

"If your name's Helen, then I am Paris."

"If you're Rose, then I'm Jack."

"If you're Delilah, then I'm your Samson."

"If you are Kate, then I'll be your Prince.."

Bakit parang naiiyak ako habang sinusulat ko 'to? Bakit kasi napaka-romantic mo? Kainis! Kahit corny nakakamiss!!

Pano kita hahanapin nyan e hindi ko alam pangalan mo, gusto ko lang naman isuli 'yung wedding ring mo e. Yun lang talaga ang dahilan. Yun lang. Yun lang.



Your Juliet,

thegirlinawhitehat









Ledger and The Journal [Maiden]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن