Entry 11. 05.18.15 10:01am

109 5 0
                                    


Dear Mr. Wrong-person-in-a-wrong-time,

Kanina pa ako nagpapanggap na busy. Sa pagtatrabaho. Padaan daan pa naman yung boss ko buti nalang break time na sa wakas. Hindi ko na mahintay pa ang gabi para isulat ito. I need to talk to you. I need to let this out. It's getting serious. My stalker side is making a big comeback.

Kanina ko pa kaulayaw si Google as if naman mabibigay nya lahat ng kailangan ko. May future yata ako sa pagiging spy. Mala-CIA agent ang peg ko ngayon.

Sinimulan ko ang masusing imbestigasyon mula sa isang bagay na naikwento mo noon at hindi ko pinaniwalaan but I thought its worth a try kaya 'yun yung naging starting point ko.

Di 'ba pinagyayabang mo noon habang naglalakad tayo sa Lake Marathon na nakompleto mo 'yung 20km Nike We Run Manila 2014. Ang saya ko nga nun eh nung naisip ko 'yon. Ang galing galing ko! Madali na kitang mahahanap, I'll just get the list of those who finished the race at 'yun na. Konti nalang 'yung pagpipilian ko.

Pero langya ka naman! Nung sinearch ko wala naman palang We Run Manila 2014! Taon taon ino-organized daw yun ng Nike pero tinigil nila last year. May saltik ka rin talaga e noh! Feeling athletic ka talaga pinagyayabang mo pa 20 kilometer ampusa non-existent naman pala! Ano 'yun nag-fun run ka magisa?

Hindi naman talaga ako naniwala eh pero bakit dito pa ako nagsimula ng detective work ko. Ayan tuloy wala akong napala.

So eto ako ngayon, malalim ang iniisip, inaalala ang lahat ng mga naikwento mo hoping na may makuha akong clue. Sana habang sinusulat ko 'to makakita ako ng liwanag.

Hint naman dyan oh!


Malayo na ang narating,

thegirlinawhitehat

Ledger and The Journal [Maiden]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora