5

2.8K 114 5
                                    

Azrael

Lutang ang isip ko habang nakatingin sa pintuan ng store. It's been what--- 5 days simula nung mangyari ang aksidenteng paghalik ni Ma'am Loraine sa akin sa opisina nya kung aksidente ngang maituturing yun.

Para akong bangag habang naglalakad pabalik sa silid namin ng araw na yun kaya ang lahat ng mga kaklase ko ay nagtatakang nakatingin sa akin pagpasok ko at deri-deritsong nagtungo sa aking upuan. May ilan ding nagtanong kung pabalik na ba si Ma'am Anderson pero hindi ko makuhang makasagot.

Ang isip ko ay litong-lito sa inakto nito kanina. At ang malala pa sa lahat ay ang pagkuha nito sa aking unang halik... Impit na tili ang pinakawalan ko. Halos lahat ay napatingin sa aking gawi kaya nahihiyang ibinaon ko nalang ang aking mukha sa lamesa na sa mga oras na iyon ay kasing pula na ata ng kinamot na itlog dahil sa kahihiyan at-- kilig?

Kagaya ng iba ay naghintay din ako sa pagbabalik nya sa room pero hindi na ito bumalik kundi ay may isang member ng student council ang pumunta sa aming silid para kuhanin ang aming test papers. Sinabi lang nito na may urgent matter na inaasikaso si Ma'am Anderson kaya hindi na ito makakabalik pa.

Pag dating sa aking shift sa store ay ilang beses din akong napagalitan ng ilang customer dahil sa pamali-maling pagbibigay ko ng sukli o kaya ay hindi ko agad sila naaasikaso. Nakarating din sa mag-asawang Anderson ang mga naging kapalpakan ko kaya kinausap nila ako ng masinsinan.

Kapag nagpatuloy pa ang mga kapalpakan ko ay mapipilitan na silang alisin ako sa trabaho kung sakali mang may problema ako sa school kaya nagiging pabaya ako sa aking tungkulin ngunit napakiusapan naman sila ni Troy.  Kung alam lang nila na ang kanilang panganay na anak ang dahilan nang pagiging lutang ko ay ewan ko lang talaga.

Napabuga ako ng hangin ng muling sumagi sa aking isip ang mukha ng babaeng ilang araw ng umiiwas sa akin. Kung dati ay nakukuha pa nitong tumingin ng deretso sa akin ngayon ay hindi na. Lagi na ding maiinit ang ulo nito sa klase kahit ang mga walang kamalay- malay sa kanyang pagta- tantrums ay nakakatikim sa kanyang pagmamaldita.

Nang minsang niyaya siya ng lunch si Troy at nakita nyang kasama ako ay kaagad itong tumanggi. Napakamot nalang sa ulo si Troy at tumingin sa akin ng alanganin. Sa totoo lang ay medyo nakaramdam din ako ng kunting kirot dahil sa pagtanggi nito tapos nadagdagan ng kunti pa ng makita namin itong masayang kumakain kasama ang isang guro din ng university na halos kaedarin rin nya. Gwapo ito at mukhang desinte.

Dahil sa pag-iisip tungkol sa mga nangyari nitong nagdaang araw ay hindi ko napansin ang isang babae na matamang nakatingin sa akin.

" Ah penny for your thoughts, miss? "
Napatingin ako sa nagsalita at halos ikalaglag ng panga ko ang kagandahan nitong taglay pero mas maganda parin ang Loraine ng buhay ko... charrrrrr.

Nakangiti ito na syang nagpalitaw ng dimples sa magkabila nitong pisngi.

Namumula ang mukhang  nagiwas ako ng tingin dito na syang ikinalaki pa ng kanyang pagngiti.

" Sorry, Miss. " Nahihiyang sagot ko dito.

" Nope. it's okay though kanina pa akong nakatayo dito. Mabuti nalang walang ibang customers, noh. " She teasingly said habang nakangiti pa rin ito at tila aliw na aliw sa mga nangyayare.

" Ahmm i- again... I'm sorry Miss. "

" Hahaha you're so cute, what's your name, missy?" Bahagya pa nitong pinisil ang aking pisngi.

Hindi naman masakit pero nakakaramdam ako ng kung anong matatalim na bagay ang bumabaon sa aking katawan. Weird pero wala naman or it's just in my imagination.

" Ahmm Azrael po. " Sagot ko habang ini-scan ang pinamili nito.

" Wow that's cool and unique just like you... By the way I'm Samantha." Inilahad nito ang kanyang palad para makipagkamay at aabutin ko na sana ng may biglang sumulpot sa tabi nito na may bumabalot na madilim na aura.

" Naghihintay ako sayo labas ng napakatagal tapos you're just here... flirting.!" Habang sinasabi nya ang mga katagang iyon ay sa akin lang ito nakatingin at binigyang diin pa ang huling salitang binitiwan nito.

" I'm sorry Raine. But this cute fella here is kinda amusing... She pick my interest, Ya know." Tila nagnining-ning pa ang mga mata nitong tumingin sa akin at muling ngumiti na ginantihan ko naman  ng alanganing ngiti o ngiwi?.  Ngunit hindi sya pinansin ng kausap na mataman lang nakatingin sa akin.

" Next time don't flirt with your customer." Malamig na sabi nito.

" B-but I'm not flirting. " Nag-init ang sulok ng mga mata ko dahil sa akusasyong binintang nito sa akin at kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang emosyong gustong kumawala.

" Whatever! " Sagot nito at agd na hinila paalis si Miss Samantha.

Naiwan akong nakatanga sa pintuang nilabasan nila at napatingin sa supot na hawak ko na naglalaman ng pinamili ni Miss Sam.

Maya-maya pa'y bumukas ulit ang pintuan at ang hindi maipintang mukha ni Miss Loraine ang bumungad sa akin.

"We're not done yet." Madiing saad nito bago kuhanin ang supot nasa kamay ko at muling umalis kasunod ang malakas na pagsara ng pinto.

" Okay, anong nangyare dun? " Naguguluhang tanong ng kasama ko na hindi ko pinansin.



Obsessed With My Brother's Best friend Where stories live. Discover now