12

2.4K 91 7
                                    

Azrael

Halos ilang linggo na din ang nagdaan simula ng dukutin ako ni Ms. Anderson, at sa loob ng mga linggong iyon ay bumalik ulit sa akin ang lahat ng nangyari na pilit kong ibinaon sa limot.

Hindi ko lubos maisip na ang babaeng nagpapagulo sa aking puso't isipan ang syang may kagagawan ng lahat ng iyon.

Kaya siguro ganuon na lamang ang pakikitungo sa akin ng mga Anderson and even Troy, na akala ko ay totoo lahat ng pinapakita sa akin iyon pala ay pawang pakitang-tao at may kapalit.

Hindi ko sinasadyang marinig ang pag-uusap nilang magkapatid through phone. Hawak rin pala ni Ms. Loraine ang mag-ina ni Troy na syang ginagamit nya para makuha ang gusto nya— para makuha ako.

Ibang iba sya sa mga ikinukwento sa akin ni Troy. Nuong una akala ko aloof lang sya dahil hindi sya pamilyar sa akin o sa eskwelahang pinagtatrabahuhan nya pero lahat nang iyon ay kasama sa mga plano nya.

Dahil sa isa syang napakamisteryosang tao ay pilit kong mapalapit sa kanya na isang malaking pagkakamali. Nahulog ako sa bitag nya at ngayon ay hindi ko alam kung paano pa ako makakatakas.

Hindi ko namalayan ang paglapit nito sa aking kinatatayuan dahil sa lalim ng aking pag-iisip kung hindi lang ito nagsalita.

" What are you thinking... Hmmm ? " lumapit pa ito sa akin at inilagay ang ilang hibla ng aking buhok  na tumabing sa aking mukha sa likod ng aking tenga.

Kumpara sa dati nitong tono na malamig ngayon ay napakaamo nito, malamyos at napakasarap pakinggan.

Ngunit kahit gusto ko syang kausapin ay mas pinili ko nalang na tumahimik. Alam ko sa sarili ko na kapag tinanggal ko ang pader na pilit kong itinatayo ay muli na naman akong masasaktan.

I'll admit... I still love her kahit na nalaman ko na sya ang may gawa ng lahat ng paghihirap ko ay sya pa din ang taong ginugusto ko.

" You know... I can wait till forever just to show you how much I love you... How much I care and I'll do everything just to prove you that I change and I truly regret all the things that i have done towards you. Just- just let me... Please... " Her voice broke that makes me look at her.

Sari-saring emosyon ang nakikita ko sa kanyang mga mata ngunit ang mas nangingibabaw duon ay ang pagmamahal at sakit.

" Okay. " Sabi ko sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo.

" Okay? What? " Naguguluhang tanong nito.

" Hahayaan kitang ipakita sa akin na that you really change, that you regret all of it in one condition—"

She stared at me. " What condition? "

" Promise me first that you'll accept it."

" It depends on what kind of condition is that. " She shrugs. " Now... what is it?" Unlike earlier her voice now is cold.

" Let Troy be with his family. "

She look shocked in a split of a second and returned to her emotionless facade.

" Okay. Consider it done. "

Ako naman ang napataas ng kilay sa sagot nito at napatitig dito.

" What? " She asked.

" Wala. " Inalis ko ang tingin sa kanya at ibinaling sa magandang tanawin na nasa aking harapan.

Napakaganda ng lugar. Daig mo pa ang nasa isang paraiso. Malamig at presko ang hangin na kahit tirik ang araw ay balewala lang.

Mula dito sa ikalawang palapag ng kanyang bahay-bakasyunan ay tanaw ang napakalawak na karagatan na napapalibutan ng maliliit na isla.

" It's almost lunch... Aren't you hungry yet? "

Umiling lang ako dito.

" You eat first. Bababa nalang ako kapag nakaramdam na ako ng gutom." Sagot ko sa kanya ng hindi pa din sya nililingon.

" You're making this hard. " may kung ano sa boses nya na hindi ko mawari. " Seriously?! I'm doing everything just to make sure that you're taken care of. "
Frustration is evident in her voice.

" Wala namang nagsabi sayo na dalhin ako dito para sa ano?!  Para ipakita sa akin lahat ng pagsi-sising sinasabi mo? You're unbelievable. First of all ikaw ang may gusto nito at ni minsan hindi ko hiningi. Kahit nga yung masuklian yung nararamdaman ko para sa iyo hindi kita inobliga. Kaya wala kang karapatan na ipamukha sa akin ang lahat ng ito! " I can't control may anger anymore. She's making me this mad.

" B-but it's the only way that— that I can get you. Just to make you mine. Just to own you. Is it to selfish?" Her cold demeanor is now gone.

" Yes... And I loathe you because of that."

Napapikit ako sa sobrang galit at napabuga ng malalim na hininga. Ng muli kong imulat ang aking mga mata ay tila nanlambot ako sa aking nakita.

She's trying to stop her sobs. Her tears streaming down her face like a waterfalls.

Gustuhin ko mang aluin sya ay mas ipinakita kong hindi ako basta-basta mahuhulog sa mga drama nya. I know... I don't like the idea of her crying and the reason is me. It feels like I've been stabbed by a thousand of knives. But I need to save myself first, before her, before anyone else.

" The condition that I talked to you earlier forget it. I don't care anymore."

I left her. I can't stay any longer with her in the same place. It's suffocating me big-time. When i almost reached the door, I heard a loud thud that makes me look at her again.

Takot at gulat ang bumalot sa akin ng makita ko syang nakahandusay sa sahig. Kipkip ang dibdib nito at tila may iniindang sakit.

I rushed to her side immediately. " H-hey! Loraine! Ghosh what's wrong with you?"

Hindi nya ako sinagot bagkus ay kumapit ito sa aking braso at duon kumukuha ng lakas.






Obsessed With My Brother's Best friend Where stories live. Discover now