17

3.5K 110 45
                                    

Azrael


"Where the hell are you? " Malamig na boses ang bumungad sa akin pagkasagot ko palang ng tawag.

" Why? " tanong ko dito habang palinga-linga sa mga stalls ng prutas.

" Don't ask why! Just answer me! Damnit! " napapikit nalang ako at nailayo ang cellphone sa aking tenga ng tumaas na ang boses nito.

" I'm still here in the market, buying your cravings. " Sagot ko dito at lumapit sa isang ale na nagtitinda ng mga grapes.

" Get your f*cking ass over here! Right Now! "

" Wh-what?! " Naguguluhang tanong ko dito.

" I swear to God, kapag wala ka pa dito sa loob ng sampung minuto...makikita mo ang hinahanap mo. " Nanlaki ang matang napatingin ako sa aking cellphone.

" Y-you're kidding me, r-right babe? " Kinakabahang tanong ko sa kanya.

" Don't test my patience Azrael. 10 minutes or wala ka nang madadatnan dito."

" B-babe? " Makikiusap pa sana ako dito ngunit naka end call na ito.
" Shit! " Malakas na sambit ko at napahilamos sa aking mukha na ikinatangin sa akin ng nagtitinda.

" Miss, okay ka lang ba? "
Nag-aalalang tanong nito.

" 'Nay may tinda po ba kayong kambal na ubas? " Nakangiwi at malayo sa tanong na sagot ko dito.

——————


Nagmamadaling pumasok ako ng bahay ng makasalubong ko si Troy na karga si Tracey, ang napakacute na baby nya.

" Where's your sister, Troy? " Hinihingal na tanong ko.

" Nasa kwarto nyo, kasama sila Dad. " Naaawang tumingin ito sa akin at bahagyang tinapik ang aking balikat.
" Good luck, best. " sabi pa nito bago ako lampasan.

Bagsak ang balikat na umakyat ako sa hagdan para pumunta sa aming kwarto. Malayo palang ako ay rinig ko na malakas nitong hikbi at ang pagpapakalma ng mga magulang niya sa kanya. Hindi muna ako pumasok at nasa may pintuan lang para panuudin sila.

" See? I told you, she doesn't love me anymore. " Umiiyak na wika nito habang nakaupo sa aming kama at nakatakip ang dalawang kamay sa kanyang mukha.

" She loves you, sweet heart. " Wika ni Mommy Trisha na hinahaplos ang likod nito para pakalmahin.

" You're Mom is right, anak. " Dugtong naman ng daddy niya.

" If she's still love me bakit wala pa din siya? Siguro may nakita na syang magandang babae duon at pinagpalit na ako." Muli ay humagulhol na ito ng iyak. " Napapangitan na sya sa akin kasi ang taba-taba ko na. I— ahmm no longer beautiful in her— " tumigil ito sa pagsasalita at muling umiyak ng malakas . "—in her sight. "
Nagkatinginan lang ang mag-asawa at tila na-aawa na sa kalagayan ng kanilang anak.

Gustuhin ko mang matawa ay hindi ko magawa kase ang cute-cute nya. Namumula ang mukha nito lalong lalo na ang mga mata at ang ilong niya na mas lalong nagpaganda sa kanya. Kabaligtaran ng kanyang mga sinasabi.

" Babe? " tawag ko sa kanya na nagpa-angat sa kanyang tingin. Nagliwanag ang mukha nito at tila sabik na sabik na makita ako. Hindi ko na matiis na panuurin sya sa kanyang pag-iyak kahit nag-eenjoy ako sa panunuod. Yeah ang sama ko. Pumasok ako sa loob na ikinahinga ng maluwag nila Mommy.

Tumayo ang mga ito at nagpaalam para lumabas at iniwan kaming dalawa.

" What took you so long? " Namumugto ang mga mata nito ng lumapit ako sa kanya. " May nakita ka na bang mas maganda at mas sexy sa akin? Ipagpapalit mo na ba ako? " Sunod-sunod na tanong niya na ikinangiti ko.

Umiling ako dito at masuyong dinampian ng halik sa kanyang malambot na labi.

" Nope! Wala akong nakitang mas maganda at mas sexy kesa sayo kaya hindi kita ipagpapalit. At kung meron man..." Tumingin muna ako sa kanyang magagandang mga mata . " ...wala akong pakealam sa kanila kase para sa akin ikaw lang at wala ng iba. " I smiled at her lovingly that makes her blush.

Agad nag-iba ang mood nito at matalim akong tiningnan.

" Where's my grapes? " Nakataas ang kilay na tanong nito.

" H-huh? "

" Nasaan yung grapes ko? " Ulit niya sa kanyang tanong at mas lalong hindi maipinta ang kanyang mukha.

Kung kanina ay para itong bata na hindi nasunod ang gusto ngayun naman... Jusko! Ang hirap nyang basahin. 

Nasa first trimester of pregnancy na sya at napakalala ng mood swings niya ganundin ang kanyang mga cravings. At eto nga hinahanap niya ang kanyang pinabiling ubas.

"Ah eto na. " Abot ko ng plastic sa kanya na pinaglalagyan ng ubas.

Malawak na ngiting inabot niya ang plastic at masayang binuksan iyon.

Nagning-ning ang kanyang mga mata nang makita nya ang matagal na niyang hinihingi sa akin.

" Oh my gosh... It's a twin grapes! " Muling nanubig ang mga matang tumingin sya sa akin. " They are so cute. " Sabi pa nito at tuluyan na ngang umiyak.

Aligaga ako sa pagpapatahan sa kanya hanggang sa makatulog na ito.

Napabuga nalang ako ng hangin at kinintalan ng halik ang kanyang ulo, pisngi at labi.

Sa susunod talaga kapag gusto pa nya ng isang anak ay ako nalang ang magbubuntis para makabawe naman.
Just kidding.

Napangiti ako nang bumalik sa akin ang lahat ng mga pangyayare mula nung una naming pagkikita hanggang sa nawalan ako ng ala-ala at muling pagbabalik niya.

Naging okay ang lahat simula ng makabalik kami galing sa private island na pagmamay-ari niya.

Nasagot lahat ng mga katanungan ko sa tulong nadin ng kanyang mga magulang at naging okay na ulit kami ni Troy. Nakasama narin niya ang kanyang mag-ina.

About sa amin namang dalawa ni Loraine ay we're happily married couple na. Almost one year na din at malapit nang madagdagan ng bagong myembro ang pamilya.

Bumalik narin sya sa pagtuturo after kong maka-graduate. Sya ang may gusto nuon kaya pinagbigyan ko narin para narin iwas sa maga issues at problema. Nagbago na din siya kahit papaano, naging pasenyosa ng kaunte ngunit mas lalong nadagdagan ang kanyang pagiging selosa na mas ikinagusto ko.

It makes me love her more..even her flaws and her past.

Siya lang ang babaeng pakamamahalin ko habang buhay.

" I love you so much, babe." Tumabi ako sa kanya at kaagad naman syang sumiksik sa akin .

" I love you too, baby. " inaantok na sgot niya at ibinaon ang kanyang mukha sa aking leeg.

Natulog akong may ngiti sa labi at yakap-yakap ang babaeng itinitibok ng puso ko. I'll do everything just to be with her.






Fin.

































Obsessed With My Brother's Best friend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon