6

2.8K 110 9
                                    

Azrael

" Hey? What's wrong, may problema ba? " Tanong ni Troy sa akin at bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. Nandito kami sa quadrangle para magpahangin sakto kasing nagsabay ang aming vacant.

" H-huh? "

Napapalatak ito at tumingin sa akin ng matiim. " Kanina pa ako nagsasalita dito pero parang wala akong kausap. May problema ka ba?"

" W-wala naman. " Umiwas ako ng tingin dito ngunit hinawakan nito ang magkabila kong pisngi at iniharap sa kanya.

" Now tell me.... what is it? "

" Ano- s-sa mga school works lang. Medyo madami na kase." Inialis ko ang kanyang kamay sa aking mukha at hinayaan naman nya.

Umayos ito ng tayo at pinagkrus ang mga braso sa kanyang dibdib .
" Sigurado ka ba? Pwede kong kausapin sila Dad para mabago ang schedule mo sa store."

Napailing ako dito. Nakakahiya na sa kanyang parents puro palpak na ako nitong nakaraan tapos ito pa.

" Hindi na kailangan, Troy. Okay pa naman eh. Kaya pa. " Ngumiti ako dito ng pilit at alam kong hindi sya naniniwala sa akin.

Totoo naman kase halos sunod- sunod na yung mga projects na kailangan ipasa tas nagpapaka-feeling major yung ilang minor subjects. Isa pa idagdag na din yung kapatid nyang daig pang nasa menopausal stage na.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan nya at ngumiti din sa akin ng nakakunawa. " Alam mo naman na pwede kang magsabi sa akin di ba. I'm your best friend. Kahit ano pa yan bastat makakaya ko. I'll do it for you."

Wala sa isip na yumakap ako dito. He flinched in my sudden action pero agad din sya nag relax at yumakap ng pabalik sa akin. Tinapik-tapik pa nito ang aking likod.

He's right, after my parents died in that accident-- he never left my side. Ang mag-asawang Anderson na din ang tumayong guardians ko kaya i treat him as my older brother but when it comes to his sister, I don't know. There's something in my heart that I don't want to treat her as my older sister. I want more than that.

" Troy. " nanigas ako ng marinig ang malamig na boses ng babaeng iniisip ko lang kanina.

Agad namang kumalas sa pagkakayakap sa akin si Troy at para bang nakakita ng multo.

" A- ate! K-kanina ka pa dyan? " Tarantang tanong ni Troy sa kapatid at bahagya pa itong lumayo sa akin.

" Not that too long. Why? Is there something that you don't want me to see? " May kung anong kilabot ang gumapang sa aking katawan ng tumingin ito sa akin na tila ba may ginawa akong krimen.

" W-wala naman, ate. Hehehe " Troy awkwardly chuckled while scratching his nape. " Ah una na ako may klase pa kami. Elle, kapag may problema sabihin mo lang sa akin. Ate... Usap na muna kayong dalawa. "

Tatakbo itong umalis na halos ikadapa pa nya. Pigil ang tawang sinundan ko ito ng tingin.

" You really like him, noh? "

Hindi ako sumagot bagkos ay nagumpisa na akong maglakad. Hindi ko kayang tumigil sa isang lugar na kasama sya.

" And now you're avoiding me." She frustratingly sigh. " Tell me, what did i do this time? "

" Nothing, ma'am. If you'll excuse I'll go ahead fir--"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng bigla ako nitong hinawakan sa braso at madilim ang mukhang hinila ako papunta sa kanyang opisina.

" Ma'am! Teka lang--"

" Shut the fuck up! And don't you dare. " Mas lalo pang nagsalubong ang kilay nito at hinigpitan ang pagkakahawak sa akin ng tangkain kong tanggalin ang kanyang kamay.

Walang nagawang nagpatianod nalang ako sa kanya.

Bakit ganito na naman sya? I can't understand her. Sya itong unang umiwas na kahit anong pag-approach ko sa kanya ay hindi nya pinapansin.
Pinaratangan nya na rin ako ng kung anu-ano na pinalampas ko kahit nakakasakit na. Tapos ngayon na ako ang umiiwas eto sya na at parang ipinaparamdam sa akin na ang laki- laki nag kasalan ko sa kanya.

Marahas nitong binuksan ang pintuan nang kanyang opisina at pabagsak na sinarado ito.

Tahimik lang akong nakatayo sa gitna ng silid habang sya ay agad nagderitso sa --bar section?

Napakunot ako ng noo ng magsalin ito ng alak sa baso at inisang inom ang laman  nun.

" Now talk. " Nakatalikod pa rin ito sa akin at kita kung paano magtaas-baba ang balikat nito na para bang pinapakalma ang sarili.

" Ano po ba ang dapat kong sabihin? " Kahit anong inis ko sa kanya ay hindi ko pa din sya pwedeng sungitan. Professor ko pa din sya at nirerespeto ko.

Tumingin ito sa akin na tila ba hindi makapaniwala sa sinabi ko. " The fucking reason why are you acting in that way! "

Napapitlag  ako ng biglang tumaas ang tono ng boses nito. Agad namang lumambot ang ekspresyon nito ngunit sandali lang dahil bumalik ito sa pagiging malamig.

" Why are you avoiding me? " Malumanay ngunit malamig na tanong nito sa akin. " I want you to be honest this time."

" You want me to be honest? "

" Yes. " Kumislap ang mga mata nito dahil sa kung anong emosyon na dumaan dito.

" Because--" tumigil ako sa aking sasabihin at buong tapang na sinalubong ang mga mata nya.

" --I like you. "


Obsessed With My Brother's Best friend Where stories live. Discover now