18

378 11 5
                                    

Messenger

Solvien Mateo Zerienio
5:32 p.m.

Sol

nakauwi ka na?

Yup
Thank you sa pagtuturo kanina

Sus, wala 'yon, basta ikaw
nahihirapan ka pa ba rin?

Oo eh
Lalo na sa problem solving
Nahihirapan akong mag-analyze ng problems

Kapag hindi mo makuha agad 'yung problem, basahin mo lang nang dahan-dahan.
Gumagana sa akin ang gano'n

Hahaha i don't think p'wede 'yan sa quiz bee since may time limit

Kahit pa anong bilis mo sa pagbabasa noong problem kung magkukulang ka sa comprehension, masasayang lang din.
Sanayin mo muna ang sarili mo sa pag-intindi kahit mabagal
Slowly but steady
Kapag kasi dinalas mo yung sarili mo sa pagsasagot, p'wedeng magdala 'yon ng pressure sa'yo, mas lalo ka lang hindi makakapagfocus

Wow, Solvien

bakit?

May nasabi ka ring matino

hoy, grabe ka na sa'kin ha
may mga matino naman akong nasasabi dati pa!

Yes, but hindi katulad ngayon na tuloy-tuloy hahahah

Ah, basta, huwag mong masyadong isipin muna ang finish line, tumingin ka muna sa dinaraanan mo.
Oh, panis! Words of wisdom of Solvien the great! Hahahaha

Hahahahah
But seriously, thank you so much for helping me

Wala nga 'yon, basta si Ayla ang tutulungan, basic lang sa akin ang lahat hahahah

Solvien

Hmm?

Why did you push me
away before?
Bakit mo ako hinayaan na lang na sumama kay Mommy kahit sinabi kong mags-stay ako rito sa Pinas?

Naaalala mo noong mawala si Tito?
hindi ba't sabi mo no'n, hindi mo kayang mawalan pa ng isang magulang sa tabi mo?
Tapos kinausap ako noon ni tita, sabi niya, mas mababantayan ka n'ya kung sasama ka sa kanya
At alam ko namang gusto mo ring kasama s'ya dahil iyon ang palagi mong sinasabi sa akin.
Kaya noong nalaman ko na ako lang ang inaalala mo kung bakit hindi ka sasama sa kan'ya, wala akong choice kundi ang sabihin sa'yong umalis na papuntang ibang bansa.
Ayun, kahit anong reasons ko naman, may mali pa rin ako
Alam kong mali ang pagdedesisyon ko para sa'yo dahil may sarili ka namang pag-iisip.
Kaya sorry, Lovi

Oh...
Ilang years tayong walang contact sa isa't isa dahil sa simpleng misunderstanding?!
Dapat sinabi mo agad sa akin!

Ay wow, hahahaha
Lahat ng social media accounts mo, deactivated noon kaya hindi kita macontact
Tapos noong nagtagal na at nagbalik ka sa social media, ayaw mo naman akong kausapin
Pero naiintindihan naman kita.
Dapat bago ako gumawa ng isang desisyon, nagtanong muna ako sa'yo at inisip kung magkakaroon ba ng lamat sa pagkakaibigan natin kapag ginawa ko 'yon.
Sa maniwala ka man o sa hindi, ikaw lang talaga ang iniisip ko noong ginawa ko 'yung mga bagay na 'yon dati
Ayaw kong mapalayo ka sa mommy mo.
Pero ayun, sorry pa rin kahit late na, alam kong malaki ang tampo mo sa akin.

Yes, sobrang tampo ko talaga sa'yo noong pinaalis mo ako

Oh, don't worry, lovi, ready naman akong manuyo, 24/7
Hahahah joke

Baliw!

But, really, I am sorry, dapat hindi kita pinangunahan.
Parusa rin sa akin 'yon kasi sobrang na-miss talaga kita.

I'm sorry, too.
Dapat nakinig muna ako sa'yo bago ako nagalit
Hindi ko man lang pinakinggan ang explanation mo:(

Ano ka ba? Ayos lang, Lovi
Ang mahalaga, maayos ang lagay mo.
Naging maayos naman ang lagay mo roon sa ibang bansa kasama ang mommy mo, 'di ba?

Hmm. Naging maayos naman

--

Twitter

lov🔒 @aylasecrets
It was hard... I was pressured. I couldn't do anything but to study hard para maging satisfied si mommy sa grades ko but yeah... Naging maayos naman.

Endless ButterfliesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ