53

212 10 0
                                    

Messenger

Tita Myla
8:09 a.m.

Hindi ka raw kumain kagabi?
Tapos kape lang ngayong umaga
Ayla naman
Magkakasakit ka n'yan

May kailangan pa po kasi akong tapusin
And, tita, pasabi sa board members, hindi ako papayag na palitan na lang basta ang CEO
Pagbotohan natin
May inihanda rin akong presentation

Hija
Kaya ko naman ang kompanya
Huwag mo namang pahirapan ang sarili mo
Ang bata mo pa para sa posisyon

Sa akin ang malaking share ng kompanya, tita
Ano naman kung bata pa ako?
Marami akong kayang gawin kahit ganito pa ang edad ko

Pero mas gusto ng board members na may kasanayan na ang mamahala, Ayla

Paano ako magkakaroon ng kasanayan kung hindi n'yo ako pagbibigyan sa p'westo?
Please, listen to my presentation on our upcoming meeting then decide fairly.
Huwag n'yong tignan sa edad, tita, that's not fair.

I know...
But how about your youth, Ayla?
Malaking responsibilidad ito at kung ibibigay namin sa'yo, are you ready to lose your youth?

I had a great youth with my friends in the Philippines
Ayos na 'yon, tita

--

Sol🌞
8:56 a.m.

Hoy
Kakatapos ko lang kumain
May klase ka ba ngayon?
Ang aga pa
Tulog ka pa?

9:06 a.m.

Graduation na namin next week
Civil Engineering kukunin ko
Payag naman sina Mama kasi makakatulong 'yon sa negosyo nila
Kapag nakatapos na ako at nakapasa sa board, gagawan kita ng ilang branch ng bake shop mo
Libre na lang kasi malakas ka sa'kin eh hahahaha

10:55 a.m.

Nasa school ka na ba?
Tagal mo nang walang paramdam:(
Sana okay ka lang
Gusto sana kitang puntahan d'yan eh pero nakakahiya naman kung ang gagamitin kong pera ay 'yung pera ng magulang ko
Kapag nakaipon na lang ako, bisitahin kita riyan

4:09 p.m.

Hello
Tutulog na ako, ha?
May pasok pa ako mamaya
Madaling araw na rito hahaha
Hinihintay ko lang talaga ang reply mo
Pero baka busy ka pa kaya tulugan na muna kita hahahaha
Mamahinga ka, ha?
H'wag mong pababayaan ang sarili mo riyan
I miss you, Lovi

Endless ButterfliesWhere stories live. Discover now