28

270 10 2
                                    

Messenger

Danny girl>~<
6:46 p.m.

dannyy:(
Sorry sa nasabi ko kanina

Hoy gagi wala 'yon
Okay lang 'yon

But still, nag-aalala ka lang naman tapos ganoon pa ang sinabi ko

It's okay to not talk to someone kapag pagod ka
'nu ka ba!
'Tsaka good thing nga na sinabi mong saka ka na lang makikipag-usap sa akin para hindi na kita kulitin at magkaroon ka ng time for yourself

Danny girl:(

Ayla girl:)

I'm so swerte that I have a friend like you🥺

Kalma beh, ako lang 'to
Sino ba namang ayaw maging kaibigan ko, 'di ba?
God! This is Daniella!

Hahahaha
Daniella Mondragon

No!
It's 💅Daniella Mukhang-Dragon💅

Hahahahaha😭

--

Solvien Mateo Zerienio
9:56 p.m.

Hoy

Oh?

Pugto ang mata mo?

Medyo:(

Maglagay ka ng kutsara sa ref n'yo tapos kapag malamig na, ilagay mo sa mata mo

Okay, sige

Tutulog ka na ba?

Hindi pa

Nag-aaral?

Nope
Sabi mo, 'di ba? Pagpahingahin ko muna 'yung mind ko
Pero alam mo

Hindi pa
Ano ba 'yon?

I am feeling anxious pa rin
I feel like, I should study na ulit since last quarter na 'to
I'm aiming for higher grades😭

Hay naku, Lovisa Ayla

What, Onyok? Hahaha

Hindi pahinga ang pag-ooverthink
Set aside your negative thoughts, and refresh your mind

HOW?!?!
hindi ko kayang hindi isipin:(

Hahahaha ako na lang isipin mo

Ulul

Isipin mo kung bakit mo ako gusto😏

Nood na lang tayo ng movie?
Samahan mo akong manood!!

Hahahaha bakit mo binabago ang usapan

Anong magandang panoorin?

Sige, wala naman kasing kailangang dahilan para magkagusto ka sa isang tao, 'no?

SHUT UP, SOLVIEN MATEO

--

Twitter

Sol @solmateo
Hahahaha all caps pa nga.
| @loveayla replied: ano ngang magandang panoorin, eh😾
| @solmateo replied to @loveayla: galit ka na n'yan? Hahahaha

for lovi🔒 @lostsol
Hahahaha pero in fairness, ang tapang ko sa part na 'yon
| @lostsol replied: confident yarn? hahahah

Endless ButterfliesWhere stories live. Discover now