Special Chapter

518 11 10
                                    

Ayla's POV

"Congrats, Ayla girl!" Daniella is jumping in happiness while pulling me for a hug. Sumubsob ako sa kaniyang balikat at hindi maiwasang mapaiyak sa saya. I sobbed.

"Thank you, Danny," I cried. Agad siyang kumalas sa yakap at takang pinagmasdan akong umiiyak.

"Bakit ka umiiyak?!" She wiped my tears using her fingers. "Dapat happy lang. Look! Opening na ng bakery shop mo!"

I smiled at her. Pumasok kami sa loob ng shop. Marami na ang nandito. Karamihan ay mga kabataan at barkadahan. I couldn't help but to have a flashback in my high school days. Ganitong-ganito rin kami dati...

"Pupunta ba raw sina Xadrian?" I asked. Tumango naman ang aking kaibigan.

"Aba! Oo naman, 'no! Hindi nila dapat palagpasin ang opening ng shop mo!" Ngisi nito. Lumapit siya sa akin at ipinulupot ang braso sa akin. "Ayla... Kasama yata si Rain, okay lang ba?"

I laughed. "Of course! Moved on na ang lola n'yo, ano! Tsaka nakausap ko na rin si Rain. Alam ko na talaga kung bakit siya nagustuhan ni Solvien. Sobrang bait..." I beamed, genuinely.

Totoo naman kasi. Sobrang bait niya. Ilang beses na kaming nagkita pero palagi pa rin niyang kinoconsider kung ayos lang ba raw ako o ang nararamdaman ko. She's very sensitive and caring even if we're not that close. Parehas sila ni Sol.

"Eh bakit ayaw mo pa ulit sumubok?" She asked. Mapait akong ngumiti at umiling.

"I'm busy working on my life, Danny. Darating din iyan sa akin."

The truth is... Maybe I got stuck. Yes, I've moved on, but sometimes, I feel so scared. Baka mamaya ay mangyari na naman 'yung dati. Baka masayang lang ulit ang ilang taon na paghahabol sa pagmamahal na iyan. Baka... Hindi lang talaga para sa akin ang ganiyan.

Sumubok naman akong makipagkilala sa mga tao ngunit nahihirapan akong maglaan ng interes para sa kanila. Kalaunan ay nawawalan lang ako ng gana. Hindi ko na ulit maramdaman 'yung galak na naramdaman ko noong kabataan ko. Siguro ay dahil sa pagtanda, mas dumarami na rin ang priorities ko sa buhay.

I'm not complaining, tho. Masaya akong nakakapag-explore ako nang mag-isa.

Darating din 'yung para sa akin. Ayaw ko nang maghabol at maghanap. This time, I'll put myself before anything else. For years, palagi ko na lang pinapagod ang sarili ko para habulin ang mga bagay at tao sa aking buhay. Ngayon, gusto kong ipunin ang sarili ko at hindi na muling maubos para sa iba.

"Oh, nariyan na pala sila, eh!" I chuckled. Kumaway ako sa mga kaibigang nakasuot ng magagarang kagamitan. They look successful. They indeed reached their dreams.

"Ayla! Congrats!" Masiglang bati sa akin ni Rian at patakbo akong nilapitan upang yumakap. Ganoon din ang ginawa ni Xadrian bago humalik sa nobya niyang si Daniella.

Lumapit naman ako kina Rain at Solvien na ngayon ay malalawak ang ngiting iginagawad sa akin.

"Hindi na kita ma-reach, Madam Ayla!" Biro ni Solvien. Tinapik ko ang kaniyang balikat. "Congrats! Finally!" Mabilis na yakap ang iginawad niya sa akin.

"Salamat sa paggagawa ng shop ko, Sol. Malaking tulong sa akin ito." Kumalas ako sa yakap at tumingin kay Rain.

"Congrats, Ayla--oh wait, Chef and CEO Formalejo pala!" Hagikhik ni Rain at lunapit para yumakap.

"Sus! Nambola pa siya oh..." I joked. "Thank you sa pagpunta, Rain."

We decided to sit on the long table. Nagkasiyahan ang lahat at hindi maiwasang mag-asaran lalo na 'yung tatlong lalaki. Lumipat ang aking paningin sa dalawang magnobyong nagbubulungan habang nakatingin sa akin. I smiled at Daniella and Xadrian. Maya-maya pa ay lumapit na sa akin si Danny habang pinagmamasdan siya ng boyfriend na parang sinasaulo pa rin niya ang galaw ni Daniella.

Endless ButterfliesWhere stories live. Discover now