67

214 7 12
                                    

Gmail

From:

solmateozerienio@gmail.com

Ayla, how are you? Sana maayos ang lagay mo riyan. Kakatapos lang ng graduation ko kanina, malapit na akong maging Engineer! Ikaw? Chef ka na ba? Or businesswoman? Basta kahit anong piliin mo, magiging masaya pa rin ako para sa'yo. Huwag mong masyadong kapagurin ang sarili mo, ha? Okay lang kahit baby steps; ang mahalaga, umuusad.

I wrote this email because I finally made up my mind, Ayla. Alam mo, sa ilang taon na wala ka, ikaw lang palagi ang iniisip ko sa bawat kilos ko. Hanggang ngayon na sinusulat ko 'to, ikaw pa rin ang naiisip ko.

Magagalit ka ba kapag tumigil na ako?

Magtatampo ka ba kung... ako naman ang isipin ko?

Susubok na ulit ako, Ayla, ha? Ang hirap kasing manatili sa atin nang walang kasama. Ang hirap palang maging consistent kapag nawawala na 'yung nararamdaman.

I'm sorry. Hindi ko yata matutupad 'yung "palagi" ko. Sorry kung sarili muna ang pipiliin ko.

Meet new people, okay? Ganoon din ang gagawin ko. At kung pagbibigyan ulit tayo, sana totoong sigurado na at sana totoong palagi na.

Pero kung alam natin sa isa't isa na wala ulit kasiguraduhan ang pupuntahan nating dalawa kapag nagkita ulit tayo, tumalikod na lang tayo sa isa't isa at humanap ng mas magandang path kung saan walang magkakatagpong Sol at Ayla.

Ayla... I'm sorry, I got tired of waiting. Titigil na ako, ha? Okay lang ba? Kasi baka mawala ang sarili ko sa paghahanap ng daan papunta sa'yo.

Hindi ko alam kung sasagot ka sa email kong ito pero ayon, gusto ko lang ipaalam sa'yo para at least wala na sa atin ang maghihintay pa.

Be happy, okay? Mahal kita--hindi na nga lang palagi.

Endless ButterfliesWhere stories live. Discover now