56

208 10 1
                                    

Messenger

Danny girl>~<
5:09 a.m.

Ayla:(
Miss na kita
Hindi ka na nagpaparamdam sa'min
Almost two months mo na kaming hindi nirereplyan
Nag-aalala na kami nina Sol sa'yo
Okay ka lang ba?
Maayos naman ang last na pag-uusap natin, ah?

5:12 a.m.

May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan para hindi mo pansinin nang ganito?
Please, enlighten me:(
Promise, aayusin ko kung ano 'yung mali kong nagawa
H'wag mo naman akong iignore, oh😔

6:09 a.m.

Miss ka na namin

--

Sol🌞
7:12 a.m.

Hoy
Musta na?
K'wentohan mo ako kapag hindi ka na busy

7:34 a.m.

Isang buwan na akong engineering student
Mahirap pala talaga
Parang gusto ko na lang maging semento hahahah

7:50 a.m.

Alam mo ba
Kanina, umiiyak na naman si Daniella, miss ka na raw
Kahit h'wag mo na akong reply-an, Ayla, si Daniella na lang
Inaraw-araw na no'n ang pag-iyak eh
Palaging nagdududa sa sarili kung may nagawa ba s'yang mali sa'yo
Kapag may oras ka, reply-an mo lang 'yon ng kahit isang letter, baka sobrang saya na no'n hahaha

4:52 p.m.

Hindi ako makatulog:(
Madaling araw na rito hehe
Manonood na lang akong sunrise
Send ko sa'yo mamaya

4:56 p.m.

Sana ayos ka lang d'yan
Nag-aalala ako sa'yo
Alam kong may dahilan ka
Kapag handa ka nang magsabi, open lang palagi ang convo natin dito, ha?

5:03 p.m.

And, Lovi?
Ikaw lang.
Palagi

5:17 p.m.

Ako lang din, 'di ba?

Endless ButterfliesWhere stories live. Discover now