CHAPTER 7

10.5K 151 0
                                    

Oppression

"LAVE, please! P-Pakinggan mo muna ang sasabihin ko, p-please..." naiiyak na saad ko at sumunod pa sa kanya.

Desperada akong magpaliwanag sa kanya at hindi ko hahayaan na hindi niya ako pakikinggan. Mas magiging komplikado lang ang lahat...

Pero hindi siya tumigil, nanatili siyang nagbingi-bingihan at nagdire-diretso lang sa mabilis na paglalakad niya. Patungo sa garahe namin. Galit talaga siya. Nagalit talaga siya sa akin... Paano ko maipapaliwanag sa kanya ang lahat?

"Laven!" naiiyak na tawag ko sa kanya.

Mabilis na sumakay siya sa kotse niya at bago pa niya maisara ang pintuan ng sasakyan niya nang hinablot ko siya sa kanyang braso para pigilan siya sa tuluyan niyang pag-alis.

Ayoko nang ganito kami... Nasasaktan ako.

"L-Laven...please. H-Honey... p-pakinggan mo muna ako," nakikiusap na sambit ko. Halos pumiyok ang boses ko.

"Aly... How? P-Paano pa kita pakikinggan k-kung...nalaman ko na ang lahat..." nanghihinang sabi niya, ramdam ko sa boses niya ang sakit...

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya pero tinabig niya lang ito at bahagya akong tinulak.

Nagawa niya iyon sa akin. Na kung dati-rati ay hindi niya ako nagagawang saktan. Hindi siya marahas sa akin. Kung hinahawakan niya nga ako ay palaging may pag-iingat.

"Laven!" sigaw ko sa pangalan niya nang maisara na niya ang pintuan at mabilis na pinausad ang sasakyan niya palayo.

Hinabol ko pa ito habang wala pa ring tigil sa pagbuhos ang mga luha ko.

"L-Laven!" Halos maputol ang ugat ko sa leeg dahil sa lakas nang pagsigaw ko sa pangalan niya. Na kahit narinig man niya ay hindi pa rin niya ako pinansin. Nanatiling matigas ang loob niya sa akin.

Napadausdos na lamang ako sa sahig nang hindi ko na magawang habulin pa ang kotse ng asawa ko.

Sumikip ang dibdib ko at tanging pag-iyak na lamang ang nagagawa ko.

"L-Laven... I'm s-so sorry..."

Hindi ko alam kung umabot ba ako nag oras doon sa kakaiyak at bago ako pumasok sa bahay namin na hinang-hina...

S-Sobrang sakit...nangyari na nga. N-Nangyari na nga ang kinakatakutan ko...

A-Akala ko maiintindihan ako ng asawa ko. Akala ko imbis na magalit siya sa akin ay i-co-comfort pa niya ako. Pero hindi, iba ang inaasahan ko.

Iba ang nangyari at hindi ko inaasahan na masasaktan ako nang ganito...

A-Ang sakit...

Kinuha ko ang phone ko sa bedside table namin na nasa kuwarto naming mag-asawa at tinawagan ko ang pinsan ko.

Dalawang ring lang ay sinagot na niya ang tawag ko. Pero hindi ako nakasagot kaagad, tanging paghikbi at pag-iiyak lang ang nagawa ko.

"Nangyari na ba ang kinakatakutan ko, Aly?" tanong niya sa kabilang linya. Mas sumikip lang ang dibdib ko. Napakabigat nito...

"J-Jullie..." Iyon lang ang lumabas mula sa bibig ko at dimilim ang paningin ko.

The next thing I knew, I lost my conscious.

Third Person's POV

Aly lost her conscious after talking with her cousin over the phone...

Nasa loob siya ng kuwarto nilang mag-asawa sa mga oras na iyon. Nasa gilid ng kama at bumagsak siya sahig.

Nabitawan niya ang kanyang cellphone at may luha pa rin ang lumalandas mula sa kanyang mga mata, pababa sa kanyang pisngi.

Mula sa hindi naka-lock na gate nila ay pumasok ang dalawang kapatid ni Laven.

Victory and smirks are written on their faces. Nagmamadali silang pumasok sa bahay. Na tila nasasabik silang makita ang sister-in-law nila.

"Where's that bitch?! Aleixha Medley!" sigaw ng nakatatandang kapatid na babae ni Laven. Si Coilla.

"Aleixha!"

Hinanap nila ito sa kusina at nang hindi nila makita sa living room.
Nang makitang wala rin doon ay sa kuwarto nila Aly sila pumasok.

At doon nila nakita si Aly na nakahandusay na sa sahig at walang malay.

"Aba, ang bruha natutulog sa sahig?" ngising saad ng kapatid ni Laven at mabilis na lumapit kay Aly.

Kahit alam nilang walang malay si Aly ay hinila nila ang buhok nito pataas. Wala silang pakialam kung masaktan man nila ito.

"We should punish her for being a big liar!" nagngingit-ngit na saad ng nakatatandang kapatid.

"Gumising ka, sinungaling!" Isang sampal ang ibinigay nito at dumapo sa kanang pisngi ni Aly, dahilan na nagising siya bigla.

ALY's POV

Ramdam ko ang hapdi sa kanang pisngi ko at hindi pa man ako nakare-recover sa lakas nang pagkakasampal sa akin nang marahas na hinila nila ang buhok ko.

"A-Aray!" daing ko at napapikit ako sa sakit. Walang awang kinaladkad nila ako palabas ng kuwarto namin ni Laven.

"A-Ate...bitawan mo po ako," naiiyak na pakiusap ko sa kanila pero isang ngisi lang ang sinagot nila.

"Ano'ng akala mo, Aleixha tatagal ka sa pamilya namin? You are wrong bitch!" sigaw nito sa pagmumukha ko. Muli nila akong sinampal at napapikit na lamang ako. Iniinda ang sakit na ibinibigay nila sa akin.

Kinaladkad nila ako papuntang pool area, pagkatapos.

Masyadong mahigpit ang pagkakahila nila sa buhok ko at pakiramdam ko makakalbo na ako.

Hinawakan ko ang kamay nilang mahigpit na humihila sa buhok ko at pinipilit na tanggalin ito pero bigla nilang hinaklit ang braso ko. Napapangiwi ako dahil bumaon ang kuko nila sa balat ko.

"You deserve this!"

Namimilog ang mga mata ko nang tinulak nila ako sa pool at naramdaman ko kaagad ang malamig na tubig sa katawan ko.

Oh...God... Help me, please!

"Magdusa ka!"

"Napakasinungaling mo talaga!"

Narinig kong sigaw nila at akmang aahon na ako nang inapakan nila ang mga kamay ko sa gilid ng pool para sana roon kumuha ng suporta.

Ang sakit-sakit, napakasakit ang mga ginagawa nila sa akin ngayon at para bang nanalo sila sa isang pustahan dahil na rin na may himig na pagwawagi ang kanilang mga boses.

Parang mariin na pinipiga ang puso ko. Nalaman nila agad ang sekreto ko. Nalaman nila agad ang totoo na hindi kami magkakaanak ng Kuya nila. Na hindi ko man lang kayang bigyan ng anak ang asawa ko.

Nararamdaman ko ang mga luha na dumadaloy lamang sa pisngi ko. Kahit basang-basa ako ng tubig ay wala na ring tigil ang mga luha ko sa kabubuhos nito.

"Sinungaling ka! Nagawa mo pang lokohin ang Kuya namin!" sigaw ni Coilla at sinabunutan ako sa aking buhok at sinubsub ang ulo ko sa tubig.

Bakit hindi ko magawang lumaban? Bakit nanghihina ang mga katawan ko? Bakit hindi ko sila kayang pigilan?

Para akong kakapusin ng hininga nang diniinan talaga nila ang ulo ko na lumubog sa tubig.

Mariin na kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para lang na hindi ako makainum ng tubig. Ngunit nabigo ako dahil mas lalo lang akong makaiinum nito.

"You deserve it! Mas bagay sa 'yo ang mamatay na lang, bitch!"

"You're such a big liar!"

"Ate!"

"What the hell, Ate?! What did you do to her?!" Narinig kong saad ni...Raven Oskey at naramdaman ko ang pagbitaw nila sa akin.

Para akong nanghihina at nanginginig ang mga tuhod ko. Iminulat ko ang aking mga mata pero nanlalabo lamang ito.

Bago ako tuluyang mawalan nang malay ay naramdaman ko ang mga bisig na umahon sa akin mula sa tubig.

"I'm sorry, I'm late..."

A Wife's Cry (COMPLETED)Where stories live. Discover now