Take me back
"GUSTO kong makausap ang asawa ko, Jullie," sabi ko sa kanya habang pinapakain niya ako.
Hindi na ako katulad ng dati na palaging walang ganang kumain. Pero ngayon ay ganado ako at mas lumalakas sa pagkain, kaya siya pa ang nagkusa na subuan ako.
Na madalas kahit katatapos ko lang kumain ay gusto ko ulit kumain. Tila palaging walang laman ang sikmura ko.
"For what, Aly?" nakataas na kilay na tanong niya sa akin.
"Ibabalita ko lang na may baby na kami, Jullie," nakangiting sabi ko na hindi naman umabot sa mga mata ko. Dahil may pakiramdam ako na hindi na siya babalik pa sa akin.
"Do you think, maniniwala pa siya sa 'yo, Aly? Minsan ka ng nagsinungaling kaya kahit isang beses lang iyon ay hinding-hindi ka na niya paniniwalaan pa... Nasaktan siya dahil naloko siya..."
"P-Pero hindi ko naman iyon ginusto, Jullie... Wala akong balak na magsinungaling sa kanya," giit ko pa at bumuntonghininga naman siya.
"Alam ko. Ako ang may kasalanan. Ako ang nagsimula no'n. Ayoko lang talaga na malaman ni Alica ang tungkol sa 'yo. Alam kong masama ang manghusga sa kapwa pero masama talaga ang kutob ko sa kanya, eh. I told you na hindi siya mapagkakatiwalaan. At baka siya rin ang nasa likod ng pangpa-prank sa 'yo," malamig na saad niya.
"Baka sakaling...maniwala siya, Jullie. Please? Baka babalik siya sa akin, sa amin ng anak niya. Baka ako ang pipiliin niya, kami..."
"Paano kung hindi na?" nanghahamon na tanong niya sa akin. May kirot na naman sa puso ko...
"Titigil na ako, Jullie. H-Hahayaan ko na siya," labag sa loob na saad ko.
"Sige, pagbibigyan kita. Pero huli na ito, Aly." Nakangiti na may umaagos na luhang tumango-tango ko.
Napahawak ako sa sinapupunan ko. Parang masaya rin ang baby ko na makikita namin ulit ang Daddy niya.
***
NAPATINGALA ako sa condominium ng asawa ko. Dito kami unang nanirahan habang pinapagawa pa niya ang bahay namin. Masakit isipin na rito niya rin dinala ang pinsan kong si Alica. Pero kahit nasasaktan ako ay nangingibabaw sa akin ang saya.
"Dito siya tumutuloy pansamantala, Aly. Kasama niya ang malanding higad na 'yon. Bibigyan lamang kita ng ten minutes para makausap siya. Kapag hindi ka nakabalik kaagad ay susunod ako kasama ang security," parang nanay na sabi sa akin ni Jullie.
"Ten minutes lang?" nakangiwing tanong ko.
"Sige 15 minutes."
"30 please?" tawad ko pero umirap lang siya sa akin.
"20 minutes, that's final, Aly."
Wala na nga akong nagawa kundi ang sundin ang utos niya. Thankful pa rin ako na pinagbigyan niya ako pero walang alam si Raven dito.
HINDI NA ako nag-abala pa na pindutin ang doorbell dahil alam ko ang pass code ng asawa ko. Birthday ko. M-Mahal pa rin ako ng asawa ko dahil hindi niya pinalitan ang passcode ng unit niya.
Kaya umaasa ako na sana maniniwala siya sa akin. Sana sumama na siyang bumalik sa akin. Miss ko na siya.
Pumasok ako sa loob at ang malamig na aircon kaagad ang humalik sa balat ko.
Dito nga natutulog ang asawa ko. Hinanda ko na ang sarili ko sa kung ano man ang madadatnan ko sa loob.
At katulad ng inaasahan ko ay mayroon nga. Para akong sinasakal sa leeg at nahihirapang huminga. Magkatabing nakaupo lang sila sa couch at nakayakap siya sa kay Alica.

YOU ARE READING
A Wife's Cry (COMPLETED)
RomanceTRIGGER WARNING It is a mistake to hide the fact that you knows it will hurt the person you love, you should be aware of the consequences, and it's also stupid to be led by anger because you know that if you say something bad, someone will get hurt...