CHAPTER 18

18.1K 261 3
                                    

Connections

MATAPOS ang iyakan nina Aly at ang kanyang mga anak kanina ay agad na sinugod nila sa hospital si Bonziel Eshion. Sumama na rin si Azriel na wala na namang emosyon ang mukha at tila may malalim na iniisip.

Dumating na nga ang panahon, ang kinatakutan ni Aly na tuluyan nang hindi makakakita pa ang anak niya. Siya na ina na sobra-sobrang nasaktan dahil sa naging kahinatnan ng kanyang anak. Napakabata pa nito upang maranasan ang maghirap ng ganitong katindi at wala siyang nagawa kundi ang yakapin lamang ito. Kung puwede lang ipasa ang sakit nito sa kanya ay gagawin niya.

"Iwan ko na muna kayo saglit, ha? May gusto ba kayong kainin? Hindi pa kayo nakapag-breakfast," namamaos ang boses ba sambit ni Aly sa kanyang mga anak.

Nasa emergency room sila. Nanatiling nakahiga sa hospital bed si Bon na hilam ang mga luha sa pisngi. Mugtong-mugto ang mga mata nito na maging ang kakambal na si Azriel.

"Azriel," tawag ni Aly kay Azriel pero nanatili itong nakayuko at nakaupo lang sa dulo ng bed ni Bon.

"Yes, Mom. Bumalik ka po," malumanay ang boses na wika nito without looking at his Mom.

"Masakit pa ba, baby?" she asked her son. Hinaplos niya ang dibdib nito. Ang sabi kanina ng anak niya ay sobrang kumirot daw iyon. Just because of Bon. He can feel his pain too.

"Si Bon po, Mommy. He should be okay for me not to feel this pain too much that I can't handle," sabi nito at nilingon ang kakambal na hindi makatingin sa kanila nang diretso.

"I'm fine. I'm sorry. I'll be fine naman. N-Natakot lang ako at first...kasi nga...but I'm fine, Mom. I'm sorry, Azriel..." hinging paumanhin ni Bon.

Parang maiiyak pa rin si Aly. Malaki ang koneksyon ng kambal sa isa't isa. Nasabi na 'yon ng psychology doctor na kung nasa panganib ang isang kambal o may dinaramdam ito na kahit anong sakit ay pati ang kakambal nito ay apektado. Na mas higit pa ang mararamdaman.

"Okay, bantayan mo ang kakambal mo, Azriel," bilin niya sa kanyang anak na tumango lang.

"Does it still hurt, Azriel?" tanong ni Bon sa Kuya Azriel niya nang tuluyang umalis ang Mommy nila.

Pilit na tinitingnan nang mabuti ni Bon ang paligid pero sadyang ang dilim lang ang kumakain sa paningin niya.

Kanina pagkagising niya na labis na kinatakutan niya. Akala niya ay handang-handa na siya na dumating ang araw na ito pero hindi pala.

"Yeah," maikling sagot ng kakambal niya.

Napabuntonghininga si Bon at tinapik-tapik ang dibdib. Ramdam niya ang kirot nito.

"I'll be calm my heart."

Sa isang araw lang ay naramdaman ng tatlong bata na ang koneksyon nila sa isa't isa at nakaguhit na rin sa mga palad nila ang pagkakataon na magkikita-kita sila.

Sa kabilang banda naman, sa hospital bed lang ay nakahiga naman si Chzean. Tanging puting kurtina lang ang nakaharang sa pagitan ng magkakakapatid.

"Nurse, pakitingnan po ang anak ko sandali," bilin ni Laven sa isang nurse.

"Yes po, Sir."

"Nasa labas si Lolo, honey. Dito ka na muna, okay?" paalam niya sa kanyang anak at tumango lang ito. Ibinigay niya ang phone niya rito para may pagkaabalahan ang bata. Panatag naman siyang iwan ang anak niya.

Dahil doon lang naman sa labas ang punta niya.

Umupo si Chzean at kinalikot ang cellphone ng Daddy niya. Muntik na siyang mapahiyaw dahil sa naramdaman na kirot sa dibdib. Heto na naman...

A Wife's Cry (COMPLETED)Where stories live. Discover now