Meeting Chzean
NAKASUOT na ito ng pink pajamas at mukhang matutulog na. May yakap-yakap pa rin itong doll na hindi naman kalakihan.
"Kayga yin po si Chzean, 'Ito Rayen," malambing na sabi nito at yumakap ang maliliit na braso nito sa leeg niya.
Natawa siya at wala siyang choice kundi buhatin ang pamangkin niya. May kabigatan si Azriel kaya napangiwi pa siya nang maramdaman ang pagbigat ng magkabilang braso niya. Si Chzean din.
"Nakauwi ka na, Raven?"
'Speaking of the devil', bulong ni Raven sa sarili niya.
Sinilip ng Kuya niya ang karga-karga niyang batang lalaki at maging si Chzean ay ganoon din ang ginagawa. Mag-ama nga ito...
"Hulaan mo kung kaninong anak ito, Kuya," nakangising tanong niya.
Kaagad na kumunot ang noo ng Kuya Laven niya at mas lumapit pa sa kanila.
"Akin na. Mukhang nakatulog," sabi nito at hinayaan niya na makuha ang anak nito mula sa bisig niya.
'Kuya, anak mo 'yan. Pero gago ka, eh. Iniwan mo ang nanay niya,' sabi pa niya.
Umungot bigla si Azriel at nalukot ang matangos nitong ilong.
"Papa... Papa..." mahinang sambit nito. Raven laughed. Umaandar na naman ang kakulitan ng pamangkin niya.
Siya ang tinatawag nitong Papa sa tuwing nararamdaman nito ang hindi pamilyar na presensiya ng isang tao. Lalo na kung lalaki pa ito.
"Papa..."
"Chzean, baby. Down ka muna, ha? Iiyak pa yata ang anak ko," saad niya at tumango lang ang pamangkin niya.
"Put me down," narinig nilang sambit ni Azriel sa malamig na boses.
Doon lang nakilala ni Laven ang bata. Kaya ibinaba niya ito at nagmamadaling lumapit sa kapatid niya. Nagtago ito sa likod ni Raven at yumakap sa paa nito.
Parang dinaganan ng malaking bato ang puso ni Laven nang makita ang reaction ng bata.
Hindi niya ito nakikitaan nang takot, bagkus...tila galit na galit sa kanya. He even glared at him without emotion on his face.
"Azriel," Raven called his nephew.
"Anak mo, Raven?" naguguluhang tanong ni Laven kay Raven at hindi niya matanggal-tanggal ang mga mata niya sa batang lalaki na nagtatago sa likod ng kapatid niya.
Instead of answering, he asked,
"Kamukha ko ba, Kuya?""Y-Yeah," kinakabahan na sagot pa niya at sinulyapan niya ang kanyang anak.
"He looks exactly like Chzean," wala sa sariling sabi niya.
"It's Azyiel, 'Addy. I know him. He's Azyiel."
"Kilala mo siya, baby?" Raven asked his niece.
"Yup, 'Ito Rayen. We'ye classmates!" masiglang sagot nito.
"Oh, tadhana nga naman. Siya ang gumagawa ng paraan para magkikita-kita kayo!" Raven said with amusement on his face.
"It's Azyiel Devon Sullivan, 'Addy! He's my cousin ba, 'Ito Rayen?"
"You're too loud! You're annoying," malamig na komento ni Azriel.
Alam ni Laven na sa mga oras na iyon ay iiyak na ang anak niya. Pinakaayaw nito sa lahat ang pinagtataasan ng boses at pinapagalitan ito. Naaalala lang kasi nito ang ginagawa ng asawa niya sa kanilang anak.

YOU ARE READING
A Wife's Cry (COMPLETED)
RomanceTRIGGER WARNING It is a mistake to hide the fact that you knows it will hurt the person you love, you should be aware of the consequences, and it's also stupid to be led by anger because you know that if you say something bad, someone will get hurt...