Hot 1

51.1K 1K 833
                                    


Chapter 1

Gael Sevirino Torres

Mag-iisang linggo na akong hindi makabisita sa bahay nila Santi. Nahihiya kasi ako kay Tita Crisanta sa ginawa kong kalokohan noong gabing 'yon.

I know what I'm doing that night. Alam na alam ko at malinaw sa akin lahat. Hindi lang ako makapaniwala na nagawa ko talaga siya sa tinagal-tagal kong pinipigilan ang sarili kong gawin 'yon.

Yeah, I like my bestfriend's mom. Since high school pa. Bata pa ako noon kaya talagang pinipigilan ko ang sarili ko. Ayoko namang idamay siya sa magiging gulo kung ipipilit ko ang sarili ko sa kan'ya.

And now that I'm in the right age, wala na sigurong masama doon hindi ba? Single ako at single rin naman siya.

Fvck! Tita Crisanta is so fvcking hot!

“Sevi, tara sa bahay mamaya? Tinatanong ka na ni Mama bakit hindi ka na raw bumibisita.”

Pakiramdam ko'y lumaki ang dalawang tenga ko sa sinabi ni Santi. Kung papalarin na maging kami ng Mama niya, magiging anak ko siya at talagang bibigyan ko siya ng allowance oras-oras makarinig lang ako ng ganitong good news sa kan'ya.

Hulog ka talaga ng anghel, Santi, kahit kapangalan mo si Satanas.

“Huwag mo nga akong binibiro. Kilala ko ang Mama mo, tingin pa lang no'n parang pinapalayas na ako sa bahay niyo. Pero seryoso nga, hinahanap niya ako?”

Hindi uso sa akin maging assuming. Sa dami ng babaeng nakakasama ko, never pa naimbento ang salitang 'yon sa akin. Now pa lang siguro.

Pagdating kay Tita, kahit anong salita siguro pagaganahin ko mag-work lang kaming dalawa.

Tiniklop ni Santi ang notebook niya bago matalik ang tingin na humarap sa akin. “Gago ka ba? Bakit ka naman hahanapin no'n? Tinatanong lang kung bakit hindi ka na pumupunta, hindi ka hinahanap. Magkaiba 'yon.”

My jaw just dropped. Right. Bakit nga naman ako hahanapin ni Tita. As if naman nagustuhan niya ang ginawa namin noong birthday ni Santi para hanapin niya ako.

Sa dinami-dami kong nakikitang lalaki na inuuwi ni Tita Crisanta, halata namang walang-wala pa ako sa mga 'yon. Successful, at higit sa lahat malapit sa edad niya.

Nakakagago naman! Bakit kasi sa dami ng babaeng magugustuhan ko doon pa sa Nanay ng kaibigan ko?

“Ano, pupunta ka ba o hindi? Para masabi kong dagdagan ang lulutuin sa bahay. Masiba ka pa namang gago ka.”

I shook my head. “Pag-iisipan ko kung may gagawin ako mamaya. I'll chat you na lang.”

“Ikaw bahala. Pupunta pa naman sana si Papa---”

“Anong gagawin ng Papa mo? Magkakabilakan na ba sila ni Tita Crisanta?”

His brows knitted. “Gago hindi!” He slapped my arm. “Bibisita lang, kasama pamilya niya. Kaya nga pinapapunta kita para naman hindi awkward. Ikaw lang kasi ang kilala kong gago na walanghiya.”

I guess this is my calling. Ayoko namang magmukhang kawawa si Tita sa harap ng Daddy ni Santi. If he needs a boyfriend na ipapakilala, available naman ako. Anytime.

“Sige na nga, pupunta na ako. Mapilit ka talaga kahit kelan. Formal ba o casual lang?”

“Ha?” His mouth fell open.

“Nevermind. Sige na, see you later. May pupuntahan muna ako.” I tapped his shoulder before I left him.

Hindi ko na rin siya hinintay na magsalita. Last class na kaya hindi na rin ako papasok. Sa tingin niya ba mapapakalma pa ako sa isang tabi pagkatapos ng isang linggo kong hindi nakakaharap si Tita.

✔ || Hot Mom Where stories live. Discover now