Hot 19

17.1K 534 219
                                    


Chapter 19

Thobias Christian Gutierrez

“Galit lang ako pero hindi ko magagawang ipahamak si Mama.”

Nananahimik na nga lang ako, inakusahan pa akong nagsumbong ni Sevi sa magulang niya. Hindi na kami bata para magsumbungan sa mga magulang.

Kung gawain niya iyon, huwag niya akong itulad sa kan'ya.

“Akala ko kasi tuluyan mo nang kinalimutan ang Mama mo. Sa kilos mong iyan hindi imposibleng isipin naming lahat na kagagawan mong lahat 'yon,” saad niya.

“Hindi nga sabi ako. Kung ayaw mong maniwala bakit hindi mo itanong sa Mama mo?” paghahamon ko.

Kahit hubaran niya ako wala siyang mapapala sa akin. Hinding-hindi ko magagawa ang binibintang niya lalo na kung alam kong si Mama ang magdudusa.

Alam kong nasasaktan ko na rin siya sa ginagawa kong paglayo, pero nasasaktan din ako. Hindi ba valid reason 'yon?

Iisang tao lang ang gusto namin. Masakit kasi sariling ina ko pa pala ang magiging karibal ko. Tanggap ko naman na hindi niya ako magugustuhan, hindi ko lang matanggap na si Mama ang gusto niya.

Gusto ko pa rin naman silang intindihin at maging masaya para sa kanila, pero paano? Ilang taon kong tinago ang nararamdaman ko para sa kan'ya. Tapos ngayon malalaman kong buntis na si Mama at sa taong gusto ko pa.

Hindi pa rin ba valid reason 'yon?

Gusto ko lang sana intindihin din nila ang nararamdaman ko bago nila ako husgahan. Tao lang din naman ako, nasasaktan at nagmamahal.

Mahal ko silang pareho kaya mas masakit.

“Kung hindi ikaw, sino?” Tiningnan niya ako diretso sa mga mata.

Saglit akong nakipagtitigan bago ako umiwas nang tingin. “Hindi ko alam.”

I know, actually.

Iisa lang ang naiisip kong gumawa nito. Iisa lang din naman kasi ang may galit ng sobra kay Mama noon pa lang.

Umalis si Sevi sa harap ko nang wala siyang makuhang sagot sa akin. Nanatili lang din ako sa bench, nagpalipas ng oras hanggang sa magdilim na ang paligid.

Bago ako bumalik sa apartment na tinutuluyan ko, dadaan muna ako kay Lola. Mali na nagtiwala ako sa kan'ya. Hindi siya marunong tumupad sa usapan.

Madilim na kaya maingat lang ako sa pagmamaneho. Gusto ko pa rin namang makita at makasama si Mama pati na rin ang mga kapatid ko. Hindi lang sa ngayon kasi sariwa pa. Mas mabuting magkasama kami kung kelan kaya ko na at hindi na masyadong masakit.

Hindi naman kasi gano'n kadaling magpatawad at makalimot.

Pagkaparada ko ng kotse, bumababa na ako agad at walang paalam na pumasok ng kanilang bahay. Welcome naman daw ako anytime dito sa bahay nila, kaya bakit pa ako magpapaalam?

Tumigil ako sa gitna ng bahay nang makita ko si Lola at Tita Yvette, Mommy ni Sevi, na nag-uusap sa sala. I knew it.

“Oh, Santi? Gabi na, bakit napadaan ka?” ani Lola pagkakita sa akin.

Nakatingin na rin sa akin si Tita Yvette, mukhang galit pero wala akong pakialam. Hindi naman kasi siya ang pinunta ko dito.

“Sinabi mo pa rin kahit nangako ka sa akin na hindi mo sasabihin sa Mama ni Sevi. I trusted you, Lola.” Patago kong kinuyom ang dalawang kamay ko para pigilan ang aking sarili na sumabog.

Hindi niya deserve ang respetuhin.

Imbis na makonsensya siya sa ginawa niya, nginitian pa niya ako. “Ah, 'yon ba kaya ka napadaan? Nagbago na kasi ang isip ko. Gusto ko na palang sabihin kay Mrs. Torres. Nag-aalala kasi ako sa kaibigan mo.”

✔ || Hot Mom Where stories live. Discover now