Hot 11

23.3K 497 62
                                    


Chapter 11

Gael Severino Torres


Since, I'm working to do better and be the best version of myself, I'm planning to talk to my parents as a first step. I just wanna know what is the best thing to do right now.

Gusto ko lang naman panagutan si Tita Crisanta, pero hindi ko alam kung paano magsisimula. I really want to do the right thing.

Buong buhay ko, ngayon lang naman ako nakabuntis
Yes, malandi ako, pero hindi ako fvckboy. Pagdating lang talaga kay Tita Crisanta nanghihina at nawawala na ako sa sarili.

I just want her to be mine.

Timing pa nga na nandito silang lahat sa bahay, pati ang tatlong ate ko na bakasyon ngayon.

You heard it right, I have three ate at ako ang bunso. Palagi silang wala dito sa bahay. Nagta-trabaho na kasi 'yong dalawa, at ang isa naman nasa medical school.

My parents? Palaging out of town dahil sa business. Kaya palagi akong nasa bahay nila Santi.

Minsan lang kami maging kumpleto, kaya ngayong araw nasa bahay ako maghapon. May dinner din kami kaya may pagkakataon na ako para makausap sila.

“Ate RJ, nasaan sila?” tanong ko kay Ate RJ, stands for Revel Jaime, pagkababa ko ng hagdan. 

Siya iyong nasa medical school, kaya ayon naabutan kong nagbabasa pa rin ng libro kahit nasa bakasyon siya ngayon.

Nag-angat nang tingin si Ate bago tinuro ang direksyon ng garden. “Nasa labas, nagluluto.”

“Ah, sige. Salamat.” Nginitian ko lang si Ate at iniwasan siya ng tingin.

“You forgot something, Sev.”

Natigilan naman agad ako sa sinabi ni Ate at muli siyang nilingon. Pupunta na dapat ako sa labas, kaya lang si Ate RJ, nakakatakot minsan kapag nagsasalita.

She's pointing her left cheek like she's reminding me to kiss her. Yeah, right! Hindi ko pa pala sila na-ki-kiss simula nang umuwi sila.

Little brother duties, kiss your big sisters.

Nakangisi akong humakbang palapit kay Ate RJ bago yumuko at inabot ang pisngi niya. I kissed her on the cheek, just like the old times.

“Osige, do'n ka na sa labas. Kanina ka pa nila hininhintay,” pagtataboy niya sa akin pagkatapos ko siyang halikan. Nagbasa na ulit siya na parang walang nangyari.

Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan siya. Sanay na ako kay Ate RJ, wala nang bago. Simula bata pa lang kami, siya na 'yong palaging seryoso sa buhay. She's not the eldest, but she's a lot more mature to handle any situation.

Pagdating ko sa garden naabutan ko silang nagluluto ng barbecue. Actually, si Ate Lavisha lang ang nagluluto since she's the chef of the family. Si Mama, Papa at Ate Rheone, nag-uusap naman sa may table.

Hindi ko alam kung sino ang pupuntahan ko, pero nagugutom na ako at sobrang bango ng barbeque, kaya sa direksyon ni Ate Lavisha naglakbay ang mga paa ko.

Barbecue party!

“Ate, can I have one?” bungad ko pagkalapit kay Ate Lavishs.

“Sevirino,” she said in her sweet voice. “Kiss muna.” She smiled and pointed her cheek just like Ate RJ did.

Napangiti na lang ako hinalikan din siya sa pisngi.

“What about me, baby boy?!”

Napalingon naman agad ako sa direksyon nila Mama at nakita si Ate Rheone na nakangising tinuturo rin ang kan'yang pisngi.

✔ || Hot Mom Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon