Hot 18

17.1K 493 140
                                    


Chapter 18

Gael Sevirino Torres

Kahapon pa ako hindi mapakali na makita ulit si Santi. Hindi ko alam kung anong binabalak niya, pero sa nakikita ko mas lalong nasasaktan ang Mama niya.

Pilit ko na lang siyang iniintindi dahil sa mga pagkakamali namin. Hindi ko lang maipapangako sa kan'ya na maiintindihan ko pa rin siya once na may mangyari sa mag-iina ko. He's already out of the line this time.

Mas lalong nag-init ang tenga ko sa galit nang makitang nakikipaghalikan na naman siya katulad ng pinaggagawa niya kahapon. Nasa mas public nga lang sila ngayon dahil nasa bench sila kung saan kami palaging tumatambay.

Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya at hilahin ang kwelyo niya patayo kahit busy siya sa pakikipaghalikan. Sinuntok ko siya sa mukha dahilan para matumba siya sa lupa.

“Babe!” sigaw noong babae na hindi ko naman kilala. Nilapitan niya si Santi na nanatiling nakaupo sa lupa.

Nanginginig na nakakuyom ang mga kamay ko sa galit. Hindi lang iyan ang makukuha niya sa akin kapag may nangyari sa Mama niya at sa kambal.

“Kung gusto mong sirain ang buhay mo, siguraduhin mo lang na hindi makakarating sa Mama mo. Wala kang utang na loob.” I gritted my teeth.

Nakakaubos na siya ng pasensya. Ayos lang sana kung wala naaapektuhan sa mga ginagawa niya, pero hindi. Marami.

I let out a deep sigh before I turned away from him.

Sayang lang ang oras ko.

“Nagsalita ang may utang na loob. Pwe.” I heard him mumble and bitterness in his voice.

I suddenly felt my feet stop from what I heard.

“Pre, huwag mo na lang pansinin,” rinig kong sabi ni Thiago na lumapit sa akin.

“Kami na bahala kay Santi, Pre. Mauna ka na do'n.” Tinapik ako ni Aziel.

“Oh, bakit hindi ka nagsasalita? Nahihiya kang malaman nila ang totoo?” ani pa ni Santi.

“Dali na, Pre. Umalis ka na,” pagtataboy pa sa akin ni Aziel.

Nanatili akong nakatayo, nagtitimpi sa kung ano ang maaari kong gawin. Wala naman kasi akong planong patulan siya at baka mas lalo lang humaba ang gulo.

Sapat na ang isang suntok para sa Mama niya.

Masasayang lang din ang oras ko sa kan'ya kaya aalis na lang ako. Mas maigi pang makipag-usap sa kambing kaysa sa katulad niyang kasing ugali na ng Lola niya.

Napailing na lang ako at naglakad paalis sa mala-impyernong lugar na iyon. Nandoon nga pala si Santinas.

Mahal ko si Santi kaya hanggang doon lang ang kaya kong ibigay. Mahirap na at baka makarating din ito sa pamilya namin.

Nagtungo ako sa kotse ko para makauwi na. Tapos na naman ang klase ko. Father's job naman ako ngayon.

Habang nagmamaneho pauwi biglang nag-ring ang cellphone ko kaya tumabi agad ako para sagutin ang tawag. Bahagyang kumunot ang noo ko nang makitang si Ate Rheone ang caller ID na nasa screen.

Bakit kaya siya biglang napatawag?

She's an Engineer at palaging busy sa malalaking projects na hawak niya. Kaya sobrang dalang nilang tumawag sa aking lahat.

Nagkibit-balikat na lang ako sinagot ang tawag niya.

“Hello, Ate?” sagot ko.

“Nasaan ka ngayon?” bungad na sagot ni Ate na bakas ang pag-aalala.

✔ || Hot Mom Where stories live. Discover now