Hot 32 ( OLD VERSION)

13K 385 197
                                    


Chapter 32

Crisanta Gutierrez

“Ma! Kumusta? Masakit ba manganak? I heard cs ka raw kasi nawalan ka ng malay. Are you okay? Gusto pa sana kitang makita kaso...” Tumigil siya sa pagsasalita at umiwas nang tingin. Tears suddenly dripped from his eyes.

He sniffed and wiped his tears before looking back at the camera. He forced to smile. “Nakita ko na pala ang kambal, Ma! Ang pogi nilang pareho, mana sa akin.” He giggled with his eyes flooded with tears.

He stay silent looking and smiling at the camera for a few minutes until his tears continuously falling from his eyes.

“Ma, maybe before you watched this... y-you already know what happened. And I'm sorry... sorry if I decided to do this. I need to... a-and I want to. Huwag ka pong magagalit sa akin, ha? Mahal na mahal ko po kayo. S-si Sevi... magiging mabuting ama po siya sa kambal. Maaalagaan niya po kayo... k-kaya tiwala po ako na mapupunta sa tamang tao itong puso ko. S-sorry kung... kung iiwan ko na po kayo. S-sorry kung hindi na po tayo magkikita ulit. Gusto ko lang naman po maramdaman ng mga kapatid ko na... k-ko na magkaroon ng kumpletong pamilya. At kung mawawala si S-sevi... hindi na po nila mararamdaman na magkaroon ng ama. Alam ko po 'yong pakiramdam na p-parang may kulang... p-parang may nawawala kahit alam mo namang punong-puno ka nang pagmamahal. K-kaya ayoko pong maramdaman 'yon ng mga kapatid ko. S-sorry, Ma. Sorry. Mahal na mahal po kita. Mahal na mahal ko po kayong lahat.” Ngumiti siya kahit basang-basa na siya ng kan'yang mga luha.

P-pa... ready na po ako.”

Tatlo. Lima. Sampu. Hindi ko na alam kung ilang beses kong pinanood ang video ni Santi. At sa ilang beses na iyon, gano'n din karami ang luhang nailabas ko.

Ilang araw na ang nakakalipas pero parang dinudurog pa rin ang puso ko. Iniisip ko pa lang na wala na ang anak ko parang gusto ko na lang din maglaho.

Buong buhay ko sa kan'ya lang umiikot ang mundo ko, at ngayong wala na siya... parang gumuho lahat. Lahat ng binuo ko. Lahat ng meron ako. Wala na... wala na si Santi.

Bakit kasi ang daya ng mundo? Kami na lang palagi ang pinag-iinitan niya.

“S-santi...” Humagulgol ako nang iyak at niyakap ang camera na hawak ko.

“Crisanta.” Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Manang Linda.

Simula nang umuwi ako dito sa bahay, one week ago, halos hindi na ako lumalabas ng kwarto. Nandito naman ang kambal kasama ko kaya wala ng rason para lumabas pa ako.

✔ || Hot Mom Where stories live. Discover now