Hot 23

16.6K 439 149
                                    


Chapter 23

Gael Sevirino Torres

Tatlong araw na kami dito sa Batangas, pero wala pa rin kaming balita kay Tita Crisanta. Pipilitin namin matapos ang paghahanap ngayong araw para makauwi na kami bukas. Nagpunta na rin kami sa ibang kalapit na lugar para maghanap.

Nakakapagod sa sobrang init, pero hindi iyon ang makapipigil sa amin ni Santi. Hindi kami titigil hangga't hindi namin nakikita ang mag-iina ko.

Tumingala ako at nilahad ang aking palad sa ere. Para kasing may tumutulo at unti-unti na akong nababasa.

Shit.

It's raining!

Hinanap agad ng mga mata ko si Santi sa paligid. Hindi kami naghiwalay ngayon dahil maraming tao dito sa pinuntahan namin.

Kainis. Ang init-init kanina tapos biglang bubuhos ang ulan.

Pinatong ko ang aking isang palad sa ulo. Tatakbo na rin sana ako sa pinakamalapit na tindahan nang nahagip ng mga mata ko si Santi.

Natigilan ako at marahang binaba ang kamay ko. Pinagmasdan ko si Santi na hindi pa rin tumitigil sa pagtatanong sa mga tao kahit umuulan.

Kung pagod ako, mas pagod ang lalaking 'to. Halos ayaw na niyang tumigil mahanap lang si Tita. May inaasikaso pa siyang business nila na binilin sa kan'ya.

Ang swerte ng mga taong nakapaligid sa kan'ya, kaya nasisiguro kong sobrang swerte naman ng taong mamahalin niya.

I know, he confessed to one time, but I don't deserve it. He deserve more than he could give.

I sigh. “Santi!” tawag ko at naglakad palapit sa kan'ya.

“Oh, bakit?” tanong niya, napapapikit dahil sa ulan.

Basang-basa na kami. Kung hindi kami sisilong baka umuwi kami na parehong may sakit bukas. Mas mahirap kumilos kapag may nararamdaman.

“Tara na? Lumalakas na ang ulan,” anyaya ko.

“Saglit lang, tatapusin ko lang 'to.” Tinalikuran niya ako at ipagpapatuloy pa ang pagtatanong.

I took a deep breath before I grabbed his arm. “Tara na sabi! Baka magkasakit ka pa sa ginagawa mo. Kulit.” I tsked and then pulled him.

Nagtatakbo kami papunta sa kotse niya at nagmadaling pumasok sa loob. Galit na galit pa siya pero wala akong pakialam. Kapag nagkasakit siya baka siya pa ang mapagalitan ko.

Akala siguro niya matutuwa si Tita Crisanta sa ginagawa niyang pang-aabuso sa sarili niya. Baka mapagalitan pa siya no'n.

Kaya habang wala siya, ako muna ang tatayong magulang ni Santi. Since I'm going to be his step father. Soon.

Magrereklamo pa siya? Pogi ng Tatay niya. Tsk.

Pag-uwi namin naligo agad kami at nagpahinga. Maaga pa kasi kami bukas.

“Kuya Sevi!” sunod-sunod na katok at sigaw ang narinig ko mula sa labas ng kwarto namin ni Santi.

Nagkatinginan kami ni Santi at sinenyasan akong tumayo. “Ikaw ang hinahanap, huwag kang tumingin sa'kin,” aniya.

Napakamot na lang ako sa ulo bago tinatamad na tumayo. Binuksan ko ang pinto at naabutan si Janela na pinsan kong naghihintay sa akin.

“Bakit?” bungad na tanong ko.

“Kung kakain pa raw ga kayo ni Kuya Santi, sabi ni Lola.”

Umiling ako. “Hindi na. Kumain na kami sa labas kanina.” I lied.

✔ || Hot Mom Where stories live. Discover now