Chapter IV

1.6K 94 12
                                    

Yael and Izzie are in the media above.


Yael's POV:

"What do you want to eat, baby?" Tanong ni Navier sa bata habang karga karga ito. Mukhang hindi naman siya nahirapan kargahin ito since maagaan lang naman yung bata.


"Is it ok po? I don't have money po kasi ate eh." Naka-pout na sabi nung bata. Ang cute, sarap ibulsa.


"It's fine baby. My treat," nakangiting sabi ni Navier. Dapat pala laging may dalang bata 'to para hindi na magsungit.


"Yeeyy! Thank you po ate. You're the best!" Magiliw na sabi ng bata at hinalikan yung malambot na pisnge ni Navier. Malambot naman talaga yun, napisil ko na dati yun no, duh.


"Hoy Briana order ka na, libre raw ni Navier sabi niya," sabi ko kay Briana na busy kakatipa sa cellphone niya.


Lumingon naman sa gawi ko sa Navier at sinamaan ako ng tingin.


"Baby ka ba?" Mataray na tanong niya.


"I can be your baby if you want though." I smirked. Umatake na naman ang pagkapilya ko.


"You wish," pairap niyang sagot.


"Mamayang 11:11," malokong sagot ko.


"Ano 'to bastusan? Harap harapan maglandian e no?" Singit naman ni Briana. Ewan ko ba sa babaeng 'to. Puro bangayan na nga kami tas sasabihing naglalandian? May ubo ba 'to sa mata?


"Shut up, Yana," suway ni Navier sa kanya. Yana, Briana ah okayedt. Hindi sure sa apelyido pa rin for the win.


"Choose, I'll pay," sabi ni Navier na naka poker face na naman ngayon. Sus, gusto rin pala ako maging baby e. Napaka irresistible talaga ng kagandahan slash kapogian ko.


"Hala shit-"


"Words Yana, may bata," putol ni Navier sa sasabihin ni Briana. Ang sweet sa bata pwede na maging nanay. Bigyan ng anak yan, char.


"Ayy sorry. Hoy Nav, Kae. Mauuna na ako ha. Hinahanap na ako ni dad. May lakad pa kami. Yari ako 'pag 'di ako sisipot," paliwanag ni Briana.


"Okay," poker face na sagot ng kaibigan niya. 


Pa'no kaya sila naging magkaibigan no? Ang ingay kaya niyang si Briana samantalang si Navier naman parang labag sa loob kung magsalita. Mas maniniwala pa ako kung si Bree naging kaibigan nitong si Briana e.


"Kayo na bahala sa bata ah. Kaya n'yo na yang dalawa. Matanda na kayo. Bye little boy," Paalam ni Briana at humalik sa pisnge ng bata.


Damn, makakasama ko na naman 'tong babaeng 'to? Maayos pa yung kanina since kasama naman namin si Briana. Eh ngayon kami lang tapos may dala pang bata.

Nilapag ko na yung mga orders namin. Karga karga niya pa kasi yung batang di ko pa alam ang pangalan kaya ako na nagdala ng mga inorder namin.

Nang kumakain na kami ay napagpasyahan kong tanungin ang bata.

Switched PlacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon