Chapter XVIII

1.3K 90 2
                                    

Yael's POV:

Matapos naming maglialiw ay napagpasyahan naming bumalik na sa beach hotel na tinutuluyan namin kasi maga-gabi na. Nakita ko naman yung iba na nag set up ng tent sa labas. May panggatong din kaya sa tingin ko ay magbo-bonfire sila mamaya.

Kahit na medyo kj at masungit tong kasama kong si Navier ay naeenjoy ko pa rin naman yung araw ko rito. Nakakaenjoy rin kasing asarin 'tong babaeng 'to tho minsan ako yung naaasar sa'ming dalawa. I feel like we've gotten closer which is a good thing since magkaibigan rin kami ni Briana.

Pumasok na kami sa kaniya kaniya naming kwarto. Naligo agad ako kasi ang lagkit lagkit ko na. Mabuti nalang at may sariling banyo ang mga rooms dito. Magkano kaya ang bayad dito? Malamang mahal talaga, ang engrande ba naman ng lugar. Deserve din naman namin 'to. Ilang siko kaya ang natamo namin sa kalaban, idagdag mo pa yung black eye ko. Nagsuot lang ako ng simpleng T-shirt at short. Sinuot ko na rin yung hoodie jacket ko, sure kasi akong malamig sa labas.

Pumunta ako sa restaurant ng hotel na 'to. Nagreklamo na kasi yung mga bulate ko sa tiyan. Grilled squid at garlic butter shrimp lang yung inorder ko. Maganda mag mukbang dito ngayon lalo na't yung school naman yung magbabayad ng expenses namin dito sa loob ng hotel. Pero yung mga bibilhin namin sa labas ay kami na ang magbabayad. Nakakawalang gana nga lang kumain mag-isa. Hindi ko rin kasi mahanap si Navier. Kinatok ko sa room niya kanina pero wala namang sumasagot.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako sa pwesto nila Gavin na nagbo-bonfire. Ayoko rin naman magmukmok nalang sa room ko. Mahilig ako matulog pero sa umaga lang, hindi sa gabi.

Nagpaskil naman ng mapang-asar na ngiti si Gavin nang makalapit na ako ng tuluyan sa kanya.

"Aray! Ang sweet mo talaga lagi." Daing niya matapos ko itong kaltukan. Napaka-oa ang hina kaya nu'n.

"Sabi ko sa'yo kanina na wag kang lalapit sa'kin kundi bibigwasan kita diba?"

"Ikaw naman yung lumapit sa'kin eh." Nakangusong reklamo nito. Bagay talaga 'to sa dagat. Laging nakanguso parang isdang gutom.

"Kaya nga kaltok lang yung ginawa ko." Dumukot ako ng marshmallow na bitbit niya. "May stick ka pa jan?" Tanong ko. Nag-iihaw kasi sila ng marshmallow, paborito ko pa man din 'to.

"Kapal ng mukha." Sabi nito at inabot sa'kin yung stick.

Pinalibutan namin yung bonfire. Kasama namin yung teammates namin at yung ibang SC members. Akala ko mga kj din 'tong mga nasa student council gaya ng president nila. Hindi pala, mga abno rin eh.

Pinatugtog ni Mark yung dala niyang acoustic guitar. Banyo queen yung pinatugtog amp. Syempre dahil puro abno naman kaming lahat na nandito, nakisabay nalang din kami.

Ako'y nasa Malate, alas siete ng gabi
Nakilala ko tuloy itong magandang babae
Na nakabibighani sa aking mga mata
Ang 'di ko lang alam ay manloloko lang pala

Si Nathan gumiling giling na sa harap, parang bulateng nasabuyan ng asin. Sinabayan naman ito ni Josh. Sa team namin sila yung pinaka close. Parehas din kasi silang takas mental.

When the night has come
Ah yeah at pinatay ang ilaw
Umadalas, lumalabas
Banyo queen

Sa tingin ko ay may tama na yung ibang nandito. Umiinom kasi sila ng alak na hindi ko alam ang pangalan kasi hindi naman ako umiinom. Coke lang gusto kong walwalin hindi alak. Nasa tamang edad na rin naman sila kaya hindi na ito ipinagbawal ng school. Malaki na naman 'tong mga 'to at alam na nila ang limit nila.

Nahagip ng mga mata ko si Navier. Mag-isa lang ito habang nakatingin sa baybayin. Pinuntahan ko naman ito para anyayahan siyang sumali sa kabaliwan namin. The more the merrier ika nga nila.

Switched PlacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon