Chapter IX

1.4K 93 9
                                    

Yael's POV:

Kumatok ako sa pinto ng student council's office. Maya maya ay may bumukas naman nito.

Bumungad sa'kin ang iba pa nilang miyembro na hindi ko naman kilala. Sa tingin ko ay kakatapos lang ng meeting nila since nagliligpit na sila.

"Anong kailangan mo?" Tanong nung babaeng bumukas ng pinto.

"Ah, pinapunta ako ni Navier dito." Sagot ko at nilibot ang mata ko para hanapin siya.

"Umalis saglit, hintayin mo nalang sa loob." Sabi nito at tinuro sa'kin sa'n ang pwesto ni Navier.

"Thank you."

---

Maya maya pa ay pumasok si Navier. Kaming dalawa nalang ang nandito kasi nagsiuwian na yung mga kasama niya.

"You're lucky you're not late because if you were, I would have left right away." Bungad nito at umupo sa upuan na nasa harap ko. Pero pag siya pwede ma late? Angas.

"So, what is chemistry?" Agad na tanong nito at pinagkrus na naman ang kamay niya sa kanya dibdib. Favorite pose mo yan te?

"Us, we've got chemistry together." Malokong sagot ko at kumindat.

Bat kasi ganyan tanong niya? Kahit naman nagpapaturo ako alam ko naman kahit papa'no ano yung chemistry no.

What's chemistry? Edi subject duh.

"I'm now sure that you don't have boron, radium, iodine, and nitrogen." Mataray na wika nito. Kakaiba makipagbardagulan ang matalino no, mejo masakit sa utak kalaban.

At dahil saulo ko pa naman hanggang ngayon ang mga symbols ng periodic table elements ay naintindihan ko yung sinabi niya.

"I have a brain, missy." I retorted.

"It's not a mere display, use it." Pairap niyang sabi. Bastos talaga bunganga nito. 'Di ba pwedeng nagbakasyon lang saglit sa Maldives yung utak ko?

"For a person who doesn't speak much, you sure know how to get on someone's nerve." Iritado kong sabi.

"Stop this nonsense and get your pen and notebook."

---

It's already 6:52 PM at masasabi kong magaling nga talagang magturo ang isang 'to pero hindi na keri ng smol kong utak. Full storage na talaga ito.

Nakasuot siya ng eyeglasses ngayon. Sa tingin ko hindi naman talaga malabo ang mata niya since sinusuot niya lang 'to pag nasa klase or nag-aaral siya.

"Staring is rude." Biglang sabi nito.

"Gold, copper, and sodium." Sabi ko. Anong akala niya, siya lang marunong ng ganyan?

"What?" Taas kilay na tanong nito.

"Au Cu Na." Sabi ko at sinubsob ang mukha ko sa mesa.

"Ok, you can leave." Walang emosyong sabi nito.

"Hatid na kita. Ako naman ang dahilan ba't nandito ka pa eh." I offered. Alangan namang iwan ko siya rito no.

"Gusto mo talaga panindigan ang pagtawag ko sa'yo ng driver no?" Sarkastikong saad niya.

"Magaling akong driver eh. Wanna ride?" Malokong sabi ko at tinaas-baba ang kilay. Ewan ko ba, ba't gusto ko asarin at pagtripan tong babaeng to.

Hindi naman niya ako pinansin at naunang lumabas sa office. Bastos kausap.

Naka kotse pa rin ako ngayon kasi di ko pa napapayag sila mama na magmotor ako. Nakakabingi ang katahimikan sa kotse. Pa'no ba naman kasi hindi na naman umimik 'tong kasama ko.

Switched PlacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon