Chapter XXVI

1.4K 123 33
                                    

Yael's POV:

Kasalukuyan akong nasa basketball court, naglalaro ng football. Kidding, syempre basketball 'no. May papalapit na naman kasi kaming laro at ang mas nakakakaba pa ay yung totoo kong skwelahan yung makakalaban namin, jusmiyo. Gusto ko magback out pero ayokong takasan ang responsibilidad ko as the captain of the team.

Velasco's basketball team is no joke. I was once a student there and was astounded by how talented their team's players were. How much more ngayon? Malamang may malaking improvement din sa galawan nila.

Dati ko pa talagang gustong makalaro ang mga players ng Velasco pero hindi ko ito nagawa ni isang beses. They are a tough team which excites me even more. I like challenges.

I am certain na mamumukhaan talaga ako ng ibang estudyante sa Velasco university lalo na't parehas kami ng hairstyle ni Kael ngayon pero gagawan at gagawan ko ito ng paraan. Bwesit naman kasi eh, sa kay daming university ang makakalaban namin ba't dun pa?

The game will happen right after the final exam. Ewan ko ba sa paaralang 'to, kung kelang finals na saka pa mag oorganize ng basketball match. May balak atang patayin kami mentally and physically. Pag talaga ako natigok, mumultuhin ko talaga yung kalbo naming principal.

"Last one lap!" sigaw ko. Pinatakbo ko sila sa loob ng court to increase their stamina. Pansin ko kasing madali lang mapagod yung iba syempre hindi kasali sila Gavin, Josh, at Nathan dun. Nagpapaunahan pa nga silang tatlo sinong mauuna ngayon eh. Mga halimaw. Pwede na ipangpalit sa kalabaw pang araro.

"Pang ilang last na ba 'to?"

"Captain pa enroll ka nga ulit sa kinder. Taena college ka na di ka pa rin marunong magbilang"

"Gago ang bigat na ng binti ko"

"Ang unfair, ikot ka rin dito kapitan!"

"Puro takbo nalang kami rito captain. Nagdadalawang isip na tuloy ako kung basketball ba talaga ang sasalihan natin at hindi running contest"

"Magreklamo pa kayo kung gusto n'yong may isang last pa" banta ko sa kanila.

"Potangina magsitahimik na kayo!" sigaw ni Calix.

For weeks, ginawa kong abala ang sarili ko sa training. Mas mainam na rin 'to para maiwasan ko si Navier at may oras pa akong makapag-isip. I need to sort out my feelings. Moreover, I should refrain myself from flirting with her. Potek naman kasi, ba't nagiging malandi ako pagdating sa kanya.

I never had a crush before, to be honest. Siya pa lang. I never expect na ang magiging kauna unahang crush ko ay babae pa. But it's just a mere crush, paghanga. Alam kong mawawala rin 'to.

Samantalang yung relasyon naman nila Briana at Bree ay nananatiling sikreto. Kami pa lang ni Bianca ang nakakaalam. It's Briana's decision.
Pag magkakajowa talaga ako, dapat ako rin yung batas gaya ni Briana.
Ngayon ko lang nakitang maging UNDERstanding 'tong si Bree. Si Briana lang pala ang katapat ng mala machine gun na bunganga nito eh.

Yung pagpapanggap ko naman bilang lalaki ay hindi pa rin nalalaman ni Briana. Kahit na ayoko na itong itago pa sa kanya since alam ko na rin naman ang sikreto niya pero kailangan. Wala pa namang preno minsan ang bunganga ng babaeng yan, baka madulas pa.

Hingal na hingal naman na tumigil ang teammates ko sa harapan ko. Nakailang ikot ba sila? Ewan, di ko na binilang. Inabutan ko naman sila isa isa ng towel. Ang dudugyot ng mukha, ako nalang ang natitirang fresh dito.

"10 mins break. Huwag muna kayong uminom agad ng tubig baka mamatay kayo, kasalanan ko pa" paalala ko sa kanila.

"Gawin mo ng 20 mins kapitan, parang mamamatay na ang paa ko" hinihingal na saad nito

Switched PlacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon