PROLOGUE

17 0 0
                                    

" Ang init, ano? Sino ba kasing may sabi sa'yo na maglakad ka, e tirik na tirik ang araw dito? "

Napairap ako nang marinig ang bungad na litanya ni Kisses.

" Sino bang nagsabi na magmadali ako sa pagpunta rito? Emergency raw ampota. "

Padabog kong tinanggal ang shirt ko at inihagis iyon sa mukha niya. Leche kasi! Kasalukuyang akong nagt-trabaho sa office ko, tapos ay tatawag saakin at sasabihing may emergency raw!

" Emergency nga ito, boba! " Tinaasan ko siya ng kilay ng may kinuha siya sa bitbit niyang bag.

" Look oh, " Nilapit niya saakin ang phone niya, pero dahil hindi ko mabasa, hinatak ko 'yon paalis sa kamay niya. Hindi naman na siya nag reklamo kaya binasa ko nalang kung ano ang pinapakita niya saakin.

" Nalulugi na raw ang company niyo kaya nanghingi sila ng tulong sa isang company na pinaka ayaw mo... " Pabulong na ani ni Kisses.

Nangunot ang noo ko ng mabasa ang article na iyon.

Yarell Company?! Seryoso ba 'to? Kasi kung oo, mag re-resign nalang ako! At bakit hindi ko alam 'to? Bakit hindi ipinaalam saakin nila mommy at daddy?!

" Sabihin mong joke lang 'to. " Kunot noo kong binalik sa kaniya ang phone niya. Deretso akong tumingin sa peaceful na dagat sa harapan ko. Kung magpakalunod nalang kaya ako rito? Not a bad choice, no?

" Mukha ba akong nagbibiro, Bruha ka? Confirmed na, watch the interview. Naroon si tita and tito. " Makahulugan siyang tumingin saakin kaya lalong nangunot ang noo ko.

Ano nanaman po ito, Lord? Akala ko matatakasan ko na lahat. I thought this damn destiny had already come to an end. Mukhang hindi pa pala. It's here again, chasing the fuck out of me.

" Tangina, bahala na si batman. Lalangoy muna ako ro'n. " Paalam ko sa kaniya.

Tinanggal ko ang soot kong pants, leaving my color black undies. It's actually a two-piece, kaya ready na talaga ako magbabad doon sa dagat. Patakbo akong umalis doon sa kubo, pero agad ding natigilan nang tawagin ako ni Kisses.

" Ano?! Kung naiinggit ka, maghubad ka na! " Sigaw ko pa. Nang lingunin ko si Kisses, may tinuturo siya roon sa harapan ko kaya agad na nangunot ang noo ko.

Ano nanamang pinagtuturo nito? Kingina, hindi na ako nakalangoy!

" Ano ba-- " Natigilan ako sa pagsasalita nang mabunggo ako ng isang lalaki. Lalong nangunot ang noo ko sa inis.

" Ang tanga, sino ba kasi-- "

Agad kong naitikom ang bibig ko nang mapagtanto kung sino itong nasa harapan ko ngayon. When our gazes locked, I immediately averted my gaze. Hindi ko pa siya kayang tingnan.

I can still remember that gaze 5 years ago. 'Yong malamig niyang tingin saakin bago niya ako saktan.

Yumuko ako at inexcuse ang sarili ko. Nakaluwag ako ng mahinga nang hindi niya ako pinigilan.

Masaya ka kaya ngayon? Masaya ba na nawala ako sa'yo? You finally felt the freedom you'd always desired. Ano kayang pakiramdam noon, ano?

It's ironic that I'm asking these questions in my head when we didn't even end up together in the first place. Ginagago nalang yata talaga ako ng mundo. Wala na nga akong karapatan sa'yo, wala pa rin akong karapatang masaktan ng ganito. When will I be able to gain my rights?

Ah.. magkakaroon pa nga ba ako ng karapatan? Eh ibang tao na nga ang nagkaroon ng karapatan sa'yo.

Napabuntong hininga ako at tinitigan nalang ang dagat. Hearing its waves makes my mind at peace. Napatigil lang ako sa pagmuni muni nang maramdaman ko ang presensiya niya sa likod ko.

" Excuse me, Miss. " Malamig niyang sabi. Hindi ako kumibo at patuloy pa ring tiningnan ang dagat sa harapan ko. Ah, I want these waves to consume me. Gusto ko nalang sumabay sa pag alon nito, para tangayin ako palayo sa lahat ng problema na mayroon ako.

" Your family needs you now. Sumabay ka na saakin papunta ro'n. " Aniya pa. Umiling ako sabay lakad papunta roon sa dagat.

" No, thank you. I can handle myself. "
Malamig na sagot ko. Hindi na siya nag insist pa at agad na ring umalis. Nilubog ko ang buong katawan ko sa tubig at pumikit.

How can he act casually infront of me?

parang hindi niya ako sinaktan, ah?

Sweet Taste of Summer (Summer Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang