Chapter 1

13 0 0
                                    

" Sama ka ba? "

Napalingon ako kay Kisses na ngayo'y nagliligpit ng gamit sa desk niya. Umiling ako at inipitan ang buhok ko ng pa pony tail atsaka pabagsak na umupo.

" Pass, matutulog nalang ako ro'n sa may clinic. "

Tinaasan niya ako ng kilay, sabay pameywang sa harap ko. Kumunot ang noo ko sabay cross arms.

" Ano? Huwag mo akong titigan ng ganiyan, Kisses Rasheire. Matutulog ako! "

Sigaw ko sabay tayo, pupunta na sana roon sa clinic. Napabalik ako nang biglang hatakin ni Kisses ang bag ko. Napakamot ako ng ulo dahil sa inis. Inang buhay 'to, gusto ko lang naman matulog! Bawal ba? Sabihin niyo lang kung ayaw niyo akong patulugin dahil buong linggo hindi na ako matutulog!

" Sumama ka. " Sabi niya with finality in her voice. Napairap ako at napailing nalang.

" Sana hindi mo na ako tinanong, hayop ka. Sarap mong bigwasan. " Inis kong sabi sa kaniya. Wala naman akong nagawa kung hindi magpakaladkad nalang sa kaniya papunta roon sa likod ng school.

Nang makarating doon, inayos ko ang bag na nakasukbit sa likod ko, pati 'yong buhok ko na lumaylay na dahil sa luwag ng pesteng tali na nabili ko. Padaskol kong tinanggal ang ipit ko kaya agad akong napangiwi nang matanggal ang iilang strand ng buhok ko. Kinagat ko ang labi ko dahil sa inis. Bwisit talaga! May araw pa ba na hindi ako maiinis? Eh kada minuto sinusubukan ako ni Lord!

" Bitbit mo ba 'yong pagkain? Kasi kung hindi, huwag mo nalang akong kausapin, Kisses. " Masungit kong saad sa kaniya. Hindi na rin maipinta ang mukha ko kaya alam kong kinakabahan na 'tong bruha na 'to ngayon. Palibhasa, alam niyang papakita ko kay Kiel 'yong butas niyang panty na may ' Kisses ' sa taas kapag tuluyan akong nainis.

Pinanood ko siyang ilagay lahat ng pagkain sa harap ko habang pinupunasan ang pawis sa noo niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong tumawa, o mananatili akong inis para bigyan niya ako ng maraming pagkain. Sa huli, pinili ko nalang manahimik para makakain na rin kaming dalawa. Pansin ko ring pasulyap sulyap saakin si Kisses kaya binaba ko muna 'yong lunch box na hawak ko. Mukhang napansin niya naman kaya ganoon din ang ginawa niya.

" May sasabihin ka ba saakin? Kanina mo pa 'ko tinitingnan, eh. Sabihin mo lang kung crush mo na ako at baliko ka na, Kisses. "

Napakamot siya ng ulo at awkward na ngumiti saakin. Tinaasan ko siya ng kilay. Ano nanamang problema nitong bruha na 'to? Alam ko na 'tong mga galawan na ganito, eh. Sigurado akong may favor ito na hihingin saakin. Ngayon alam ko na kung bakit ang dami niyang binigay na pagkain saakin. Leche! Alam na alam niya talaga kung ano ang gusto ko!

" Eh kasi ano... " Kinagat niya ang labi niya at umayos ng upo. Tahimik ko siyang pinanood, hinihintay kung ano ang sasabihin niya saakin.

" Ikaw pumunta sa blind date ko mamaya! " Pasigaw niyang sabi. Medyo mabilis pa nga 'yong pagsasalita niya. Buti at naintindihan ko, dahil kung hindi, bibigwasan ko na siya talaga.

" Sige ba, " Agad na pagpayag ko, nakangisi pa dahil nakaisip nanaman ako ng kalokohan. Pinigilan ko ang tawa ko nang awtomatikong nagningning ang mga mata niya. Akala mo naman nanalo sa lotto.

" Sure ka ha? Tha-- "

" Pero ililibre mo ako ng buong linggo. " pagputol ko sa sasabihin niya.

Agad nawala ang ngiti sa labi niya, kaya kinagat ko ang dila ko para pigilan ang tawa na gusto nang kumawala. Ah, watching her reactions is fun for me.

" May choice ba ako? Isang linggo lang, ah! " Sigaw niya at ngumuso. Ngumisi ako at tumango.

" Oo nga. Mukhang hindi ka masaya na isang linggo lang, ah? Isang buwan ba gusto mo? " Pang-aasar ko pa sa kaniya. Gusto ko nang humalakhak dahil ngayo'y nakasimalmal na ang mukha niya. Kahit kailan talaga ay nakakatuwa panooorin lahat ng reaksiyon niya. Talagang malalaman mo kung masaya ba siya, galit, o malungkot. And it's actually fine because she's not hiding any emotions and such. She's open to me that's why I'm relieved and happy. Alam ko lahat ng problema niya because she's telling me all of her problems.

Sweet Taste of Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now