Chapter 2

10 0 0
                                    

" Hello, dad? How are you? " Agad na bungad ko sa kaniya. Na-excite ako noong maisip ko na ang pinagiistayan pala ni daddy roon ay katapat lang nung beach. Talagang matatahimik ang buhay ko roon, kaya dali dali ko agad siyang tinawagan.

Rinig ko ang mabigat niyang pagbuntong hininga sa linya, kaya parang nagdalawang isip na tuloy ako kung pupunta pa ba ako roon o hindi. Baka mamaya ay makasagabal pa ako sa work niya.

" Hi, anak.. I miss you. Okay lang naman ako.. Tambak ang trabaho pero okay lang dahil peaceful din. " Sabi ni daddy. Napangiti ako habang pinapakinggan ko siya.

" I miss you too, daddy. Miss ka na po namin ni mommy.. Walang ibang nagtatanggol saakin dito dahil wala ka.. "

" Why? Inaway ka nanaman ba ng lola mo? Sabi ko na nga ba, eh.. Kaya sabi ko sa mommy mo, papuntahin nalang si mama kung nandoon ako. Makulit din ang mommy mo, anak. " May bahid na pagtatampong aniya. Humagikhik ako. Kahit matagal na silang magkasama ni mommy, nandoon pa rin talaga ang spark. May koonting tampuhan, pero maaayos din naman dahil hindi kayang tiisin ni daddy si mommy.

" Inaway ako kanina. Pero okay lang, daddy. Kaya ko na rin namang ipagtanggol ang sarili ko, ano.. " Sabi ko at tumawa nalang para hindi na siya mag alala pa.

" Anyway, dad.. Puwede po ba akong mag bakasyon diyaan? Mayroon kasi kaming 2 weeks sembreak, and you know na I don't like here because of mama. "

Pagkasabi ko noon ay nagkaroon ng koonting katahimikan saamin. Siguro ay pinag-iisipan pa ni daddy. Tuwing magkakaroon kasi ng sembreak, dito nag iistay si mama. Hindi ko alam kung bakit, pero sa tingin ko ay para i-pressure ako lalo sa pag-aaral ko. Noong highschool kasi ako, kahit sembreak eh ipapabasa niya saakin lahat ng libro. Para naman daw tumalino ako kahit papaano. Dahil na rin sa kagustuhang maging proud siya saakin noon, nilunod ko ang sarili sa pag-aaral.

" Sure, anak. Kung gusto mo, isama mo pa si Kisses. Masaya mag bonding dito, lalo na’t kadalasan ay kokoonti ang pumupunta.. " Sagot niya.

Napatalon ako sa tuwa nang marinig iyon. This is not my first time visiting siquijor, pero as far as I remember, bata pa ako noong mapapadpad doon.
I heard from dad na it's relaxing there dahil ang maririnig mo lang ay purong paghampas ng alon. Sabi nga ni daddy, kokoonti ang pumupunta roon dahil hindi naman iyon ganoon kasikat. The serenity of it is the best. Sa ibang beach kasi ay maraming tao. Madalas, puro chikahan nila ang maririnig mo, at hindi ‘yong malalakas na hampas ng alon.

Someday, when I meet a man who will take care of me, I will undoubtedly bring him there. Kung maaari nga e, doon nalang kami magpakasal.

" Okay, dad! Thank you! I’m gonna pack my things na. See you later, love you! " Excited kong sabi at binaba na ang tawag.

Agad akong tumayo at kinuha ang maleta roon sa loob ng walk-in closet ko. Ang mga pinili ko lang na damit ay ‘yong magiging komportable ako. Karamihan doon ay dress at sando. Beach naman iyon at wala naman din silang pakielam kung ano ang gusto kong isoot. Kahit nga mag two-piece lang ako, walang problema, eh.

Pagkatapos ko mag-ayos ng gamit, tatawagan ko na dapat si Kisses nang maalalang may date nga pala akong pupuntahan. Sa pagkakatanda ko, ngayong araw ‘yon. Tapos ang libre niya ay pagkatapos pa ng sembreak.
Napakamot ako ng ulo.

" Geez, muntik nang ma-ghost. "

Buti nalang ay nakaligo na ako ng maalala iyon. Sabi ni Kisses ay 6:30 pm daw ang napag-usapan. 6:20 na ngayon kaya nagmadali rin ako sa pagbibihis. Pinili ko nalang ‘yong slim na black dress ko rito at hindi na nag abalang mag-ipit pa ng buhok.

Pagkatapos mag-ayos ng sarili, nagmadali na rin ako sa pagbaba at nagpahatid na roon sa driver namin. Buti nga at saktong 6:30 ng makarating ako roon.

Pagkapasok ko roon sa restaurant, iniikot ko ang mata ko para hanapin ‘yong lalaking naka polo shirt na black daw sabi ni Kisses. Sakto at siya at ako lang ang naka black doon kaya agad ko rin siyang nakita.

Hinawi ko ang buhok ko at agad naglakad papunta sa kaniya.

" Hey, Shin? "

Napalingon siya saakin, parang nagulat pa. Ngumiti siya at tumango.

" Hi.. Kisses? " Nahihiyang aniya pa. Nangunot ang noo ko nang mapagkamalan pa niyang ako si Kisses.

Hindi ba sinabi ni Kisses na hindi siya ang pupunta?! Damn that stupid best friend of mine.. Kinagat ko ang labi ko, iniisip kung sasabihin ko ba na ako si Kisses o hindi.

" Uh, sorry.. I'm not Kisses. She's currently busy sa family business nila so I came here instead. " nagdadalawang isip pa na saad ko. Halata ang gulat sa mata niya nang marinig ang sinabi ko. Ang cute lang dahil kitang kita rin ang reaction niya. Parang si Kisses lang.

" Oh... Sorry! I thought you're Kisses. Hindi niya kasi sinabi saakin na ikaw ang pupunta. " Nahihiya pang aniya. Ngumiti lang ako at inilahad ang kamay ko sa kaniya.

" Adrielle. Adrielle Thyia Scaire. " Pagpapakilala ko sabay ngiti. Parang bigla naman siya natense nung narinig ang pangalan ko. Well, siguro ay kilala niya ang company namin kaya ganiyan siya kung ma-tense. Our company is well known kasi dahil na rin sa maayos na pagpapatakbo rito ni Mommy at Daddy.

" Ang big-time naman nung pinapunta ni Kisses dito. " biro niya.

Ang corny, pero sige. tatawa nalang ako para hindi maging awkward.

" Shin Lawrence Fortez. " Pagpapakilala niya naman sabay abot sa kamay ko. Ngumiti ako at hindi na pinahalata ang pagkagulat ko.

Fortez?! Tangina, kilalang kilala rin ang Fortez dahil nasa top din ang company nila. Ang humble naman nitong tao na ‘to, sarap kutusan! Nagulat pa siya na ako ang naka date niya, e mas bigatin pa pala siya kaysa saakin!

" Nice to meet you, Shin. " ngumiti ako.

" Nice to meet you too, Adrielle. " ngumiti rin siya kaya nag-iwas ako ng tingin.

Ang gwapo! hindi ko naman mapagkakaila na gwapo talaga siya. Maganda rin ang fashion taste niya. Unang tingin, mahihigop ka talaga ng kagwapuhan niya. Kaso ay corny at mala Kisses ang ugali. Sila talaga ang bagay.

" Anyway, let's eat? " aniya at tinawag na ang waiter. Tumango ako at sinabi nalang din kung ano ang gusto kong kainin.

" So.. how's life? Masaya bang maging gwapo? " Curious na tanong ko. Kinagat ko ang labi ko nang makitang agad na namula ang tainga niya sa tanong ko na iyon.

" So you think I'm attractive? " Bawi niya saakin. Naitikom ko ang bibig ko habang nag-iisip ng isasagot ko.

Biro lang naman! Akala ko e mahihiya lang siya at mamumula. Hindi ko naman alam na kaya niya palang maging ganiyan!

" Well.. Yeah? You're attractive naman talaga. " Kibit balikat na sagot ko. Kunwari e matapang ako. Well, I'm a strong, independent woman, ‘di ba?!

" Hmm. I know. " Aroganteng sagot niya. Sasagot na sana ako nang bigla pa siyang magsalita.

" But you are too attractive for me. " Aniya pa, binigyan diin ang salitang ' too ' .

Nag-iwas ako ng tingin sabay kagat ng dila nang marinig ko iyon. Ano raw?! Ano bang meron dito sa taong ‘to? May switch on and off ba ito? Naka switch on yata siya ngayon, eh! Ang lakas bumanat! Kanina, pangiti ngiti lang siya sa hiya, tapos ngayon ay todo banat na saakin. Eh kung siya kaya ang banatan ko?

Umiling ako at tipid na ngumiti nalang sa kaniya.

" Hindi naman! Ikaw nga ‘yon! Tingnan mo at pinagtitinginan ka ng mga babae rito. " Saad ko pa para mabaling ang atensyon niya sa iba. Pero matibay siya. Matibay ang isang ‘to! Nang sabihin ko iyon, ni hindi man lang siya lumingon left and right. Ang tingin niya ay nasaakin pa rin. Ang hirap tuloy kumain dahil nakatingin siya saakin. Ang awkward kaya!

" They are looking at you, Adrielle. You are too gorgeous to handle. " Aniya pa, sabay iwas na ng tingin saakin.

" Too much for me. Masiyado kang maganda. "

Dagdag niya pa, sabay excuse sa sarili. Naiwan akong nakatulala roon habang tinitingnan siya paalis.

What was that?! Switch off na, please! Hindi ko siya kinakaya!

Sweet Taste of Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now