Chapter 4

3 0 0
                                    

" Nagdala ka sunblock? Wala ako, ah! " Bungad saakin ni Kisses nang makapasok dito sa kwarto ko. Hinagis ko sa kaniya ang bag ko at inirapan siya.

" Dalawa pa ‘yan, ipang ligo mo. " Asar kong sabi ko sa kaniya. Humagikhik siya at umupo roon sa harap ng vanity table ko.

" Puro swimsuit dala ko, baka may pogi roon. " Aniya pa habang nagtitirintas ng buhok. Lumingon ako sa kaniya at inismiran siya.

" Sumbong kita kay Kiel. " Banta ko sa kaniya.

" Huwag! Joke lang, eh. "

Tumawa ako at tiningnan lang siya habang nagtitirintas.

" Ipitan mo rin ako. "

Agad naman siyang tumango kaya masaya kong sinuklayan ang buhok ko. Bata pa lang kami, si Kisses na ang nag-iipit at nag-aayos ng buhok ko. Gustong gusto ko rin naman ng inaayusan ako dahil ang ayos ko tingnan.

" Tara na rito, bilisan mo. Langoy na langoy na ako. " Pagmamadali niya saakin. Kunwari ay gulat akong tumingin sa kaniya.

" Ay wow, sanay ka? hindi ka nga sanay lumangoy. Tulak kita sa malalim, eh. "

Napangiwi ako nang hilahin niya bigla ang buhok ko. Ang brutal talaga nitong gaga na ‘to. Totoo naman kasi! Hindi siya sanay lumangoy dahil mahina ang loob niya sa ganoong bagay.

" Mukha mo. Nagchat saakin si Shin, nagchat daw siya sa'yo. " Saad niya, mapang asar pa ang tingin saakin. Inirapan ko siya.

" Oo. Sabi saakin, hey. Sarap ngang sipain ng itlog. " Inis na sabi ko.

Tuwing naalala ko kung paanong nag-iba ang ugali niya at kung paano niya ako utuin, gusto ko siyang ilagay sa shredder!

" Kunwari ka pa, kinikilig ka naman. Anong ni-reply mo? " Curious naman na tanong niya. Kahit kailan ay chismosa talaga ‘to.

" Who u " sabi ko. nagtaka naman ako nang mangunot ang noo niya.

" Anong who u, si Kisses ‘to, bobo. " Seryoso niya pang sabi. Natawa ako nang malakas kaya naman nagtataka niya akong tiningnan.

" Nakakatawa ba ‘yon? Tatawa na rin ba ako? " Inis niyang sabi saakin. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang tawa ko.

" Ang tanga mo kasi. Iyon kasi reply ko, who u. Sabog ka ba? " Natatawa ko pa ring saad. Halos humalakhak nanaman ako nang malinawagan siya.

" Ahh, ang tanga mo kasi, Rielle. " Napapahiyang aniya. Tinikom ko nalang ang bibig ko dahil baka sabunutan niya na ako rito.

Nang matapos, tumayo na ako at inayos na ang gamit ko. Ilang sandali lang, bumaba na rin kami at nagpaalam kay mommy na aalis na. Kokontrahin pa nga dapat ito ni mama, pero wala siyang magagawa dahil nandito rin si Kisses. Pinagpipilitan niya pa na si Desiree raw dapat ang umalis at hindi ako.
Sabi ko nalang ay mas deserve niya roon sa basurahan. Buti nga at hindi ako hinabol. Sigurado akong pikon na pikon na ‘yon kahapon pa.

" Inaantok ako, Rielle. " Biglang sabi ni Kisses. Tumango ako ni-pat nalang ang balikat ko. Hindi naman na siya nagdalawang isip at at agad na sumandal saakin. Ngumiti ako at sumandal nalang din sa ulo niya.

Bukod sa parents ko, si Kisses ang isa sa pinaka mahalagang tao sa buhay ko. Nagkakilala kami noong bata pa kami. Noong una nga ay naiinis ako sa kaniya dahil literal na sobrang ingay niya, pero nung lumaon ay nasanay na rin ako sa presensiya niya. Masaya siyang kasama kahit na araw araw, sumasakit ang tainga ko. Para ngang siya pa ang kapatid ko kaysa kay Desiree na walang ibang alam gawin kun'di bwisitin ako.

Kiel is also my friend, hindi nga lang kami masiyadong nagkikita ngayon dahil siguradong busy siya sa basketball niya. Matagal na ring magkakilala si Kisses at Kiel kaya nadeveloped na rin ang feelings ni Kisses para sa kaniya. Ang problema nga lang, hindi alam ni Kiel dahil napaka manhid ng isang iyon. Kung bibiruin man siya ni Kisses, hindi naman din siya naniniwala dahil nga friends daw sila. Imposible raw na mangyari iyon dahil masiyadong mataas ang standards nitong isa. Ang kaso, hindi niya alam na siya pala ang standards ng bruha. Sa pagkakatanda ko rin, may girlfriend si Kiel ngayon kaya nakikipag date sa iba si Kisses. Pero sigurado ako na hindi niya kaya, kaya nga sinalo ko itong date niya kay Shin.

Well, wala namang kaso saakin iyon dahil wala naman din akong shota. Gusto ko man, eh panigurado namang kokontrahin din iyon ni mama. Pero kung patago naman, why not? Exciting pa nga kung ganoon.

Mapipikit na sana ako nang biglang mag vibrate iyong phone ko. Naiinis man, padabog kong kinuha iyon at tiningnan kung sino ba itong walang hiyang nag message saakin. Lalong nag-init ng dugo ko nang makitang si Shin iyon. Ano nanaman ba ang kailangan nitong gago na ‘to?

shin_lawrence : your future husband

Halos masamid ako sa sarili kong laway ng mabasa ang message niya na iyon. Ano raw?! Future husband amputa, more like future nightmare! Inis kong pinagpipindot ang phone ko at hinanap iyong memes na sinave ko rito noong nakaraan. Bahagya akong napangiti ng makita iyon.

“ Tingnan mo ‘to sis, kumikinanginamo ”

Iyan ang nakalagay doon sa picture na ‘yon. Pagalit ko pang pinindot iyon noong mai-send ko sa kaniya. Wala pang isang minuto ay may reply na kaagad siya. Hindi ko naman hinihintay ang reply niya, pero s’yempre nac-curious ako kung anong inireply niya, ano!

shin_lawrence : ganda mo

Nangunot ang noo ko ng mabasa iyon. Anong maganda sa sinend ko? Talagang nasiraan na yata talaga ito ng bait. Napailing ako at iniscroll pataas para muling tingnan kung iyon nga ba talaga ang nai-send ko. Napatigil ako nang mapagtantong picture ko pala ang napindot ko at hindi iyong meme! ‘Yung picture pa na nai-send ko ay ‘yung kinuhanan kanina ni Kisses noong inipitan niya ako ng buhok!

Nanginginig ang kamay ko nang mag type ako ng ir-reply sa kaniya. Nakakahiya! Sobrang nakakahiya. Baka akala niya ay nagpapa cute ako sa kaniya kahit na hindi naman!

rielle_thyia : huwag mo ‘kong kausapin

Pagkareply ko noon ay agad kong pinatay ang phone ko. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa kahihiyan na iyon. Parang gusto ko na nga siyang i-block dahil talagang nakakahiya!

Umabot ng ilang oras ang pag-iisip ko kung ib-block ko ba siya o hindi, kaya noong nakapag decide na ako, nandito na kami sa siquijor. Inalis ko muna sa utak ko iyong lecheng lalaki na iyon at ginising nalang si Kisses. Si daddy rin kasi ay nag-aabang na sa labas.

" Kisses, gumising ka na. Nandito si Kiel " sabi ko pa habang niyuyugyog siya. Nakagat ko naman ang labi ko nang mapabalikwas siya ng upo. Sabi ko na eh, kapag narinig niya ang pangalan ni Kiel, bigla nalang siyang magigising ng ganiyan. Iba talaga ang tama niya roon sa lalaking iyon.

" Tarantado ka. Akala ko sumunod saatin si Kiel! napanaginipan ko pa naman na kasama ko siyang lumangoy diyaan! " Singhal niya saakin. Tumawa ako at umiling.

" Isa ka ring uto-uto, eh. Bilisan mo riyan! Andiyaan na si daddy sa labas! "

" Ito na, naneto "

Tumayo siya at binitbit na ang mga dala niyang gamit palabas. Ganoon din naman ang ginawa ko. Paglabas ko nga ng kotse ay agad akong sinalubong ni daddy.

" Miss na miss? " Pang-aasar ko pa sa kaniya.

" Miss ko ang mommy mo " Balik naman niyang pang-aasar saakin. napairap ako at humiwalay sa yakap niya.

" Edi sana all, daddy. "

Tumawa siya at kinuha iyong gamit na bitbit ko.

" Let’s talk later, anak. You go rest with Kisses. Alam ko namang inaantok pa kayo parehas. " Aniya at umalis na.

Walang pagod pagod dito, ano! Tumakbo ako papalapit kay Kisses at hinila na siya roon sa may rooms para makapagbihis na kami.

" Hoy tangina mo, sandali! "

Sigaw niya pa pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagtakbo.

2 weeks vacation, ito na ‘yon!

Sweet Taste of Summer (Summer Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora